Kabanata 31

104 2 0
                                    

"Peyn, get up! Ilang araw ka nang absent!" Ilang araw na akong pinupuntahan ni Kara sa unit ko.

Tuwing pumupunta sya, lagi nya akong pinipilit na pumasok. Tatlong araw palang naman ako na absent pero feeling nya lifetime na.

"Ayoko ngang pumasok. Bukas nalang."

"Putek ka namang babae ka. Bumangon ka na nga dyan!" Hinila nya ako patayo kaya naalis ang kumot na naka-taklob sa mukha ko.

"Aba naman! Magang maga na naman 'yang mata mo! Umiyak ka na naman magdamag dahil sa siraulong 'yon?"

Iniiwas ko ang tingin ko kay Kara dahil tama ang sinasabi nya.

Iniiyakan ko nga si Grey sa bawat oras na naaalala ko sya. Three days na simula nang iwan nya ako. Hindi ako lumabas nang unit ko dahil nagkasakit ako. Hindi man lang nya ako nagawang puntahan dito para tanungin kung buhay pa ba ako.

He doesn't care anymore. If I die here, I guess he wouldn't even care. I am not his loss. Hindi kasi ako kawalan sa buhay nya. Kahit katiting ay wala akong halaga.

"Peyn, iiyak ka nalang ba palagi? Alam mo, kahit isang drum pa ang iiyak mo, hinding hindi ka babalikan ni Grey! Nakipag-hiwalay na ang siraulong 'yon bago mo pa nalaman na kayo nga! Kahit 'yang pride man lang itira mo na sa sarili mo."

"Wala na namang natira sakin diba? Naibigay ko na lahat. Wala nang mawawala sakin kung magkakaganito pa ako kasi wala na namang natira."

"Puso mo lang ang ibinigay mo! May utak ka pa kaya gamitin mo naman. Peyn, palagi ka nalang 'bang ganyan? Kailan ka ba matututo?"

Hinarap ko si Kara. Kita ko ang inis sa mga mata nya. Siguro naiinis na sya dahil sa inaasal ko. Kahit ako naman kasi naiinis na din sa sarili ko. Hindi ko mabago ang mga dapat baguhin kasi umaasa pa din ako na papasok ulit si Grey sa condo ko para balikan ako.

"Kara, masisisi mo ba ako kung nagkakaganito na ako? Sobra akong nasaktan! Ang sakit sakit lang! Ang sakit sakit na nagawa nya akong iwan dahil lang wala na syang tiwala! Alam mo ba yung pakiramdam na maiwan ka nang walang sapat na dahilan? Naranasan mo na bang maiwan? Hindi diba?"

"Peyn, please. Wag kang ganyan." Lalo akong napaiyak nang lumapit sakin si Kara at niyakap ako. Nawalan bigla ako nang lakas at wala na naman akong ibang nagawa kundi ang umiyak nang umiyak.

"I'll fvcking kill Grey once I saw him! Sinabi ko naman sa kanya nung simula pa lang na wag kang sasaktan pero ang gago nya parin! Napaka-gago nya! You don't deserve the pain. You don't deserve him because you deserve better!"

Natutuwa ako dahil kahit na matagal na akong sinasabihan ni Kara na hindi talaga kami pwede ni Grey, hindi nya parin ako sinisisi. Kahit ngayong nasaktan na ako, hindi nya ako sinabihan nang 'I told you so' o 'you deserve that'.

Nananatili lang sya sa tabi ko at tinutulungan pa rin akong bumangon kahit na kasalanan ko ang lahat. I am very lucky to have her.

"Nakaka-imbyerna talaga! Naku! Kaya pala "Peyn" ang ipinalayaw ni Grey sayo ah! Sasaktan ka lang pala nya kaya may pa-peyn peyn pa syang nalalaman! Pag nakita ko talaga 'yan, igaganti kita! Bubungiin ko yan para hindi na makasakit nang ibang babae!" If this is a normal day, I'd probably laugh. But it's not.

"Wala naman syang kasalanan. Ako naman talaga yung nagpumilit."

"Ayan ka na naman sa pagkampi sa kanya! Sarili mo ang tinatraydor mo sa mga sinasabi mo e! Kasalanan nya lahat! Hindi mo kasalanan na minahal mo sya. Nagmahal ka lang, Peyn. Hindi kasalanan yun."

"Kasalanan ang pagmamahal lalo na kapag sobra na. Hindi naman din talaga tama ang mga inaasal ko."

"Alin ang hindi tama? Yung pagsama mo kay Calum at Carl? Kaibigan mo sila! Walang masama dun! Alam mo, okay nga lang na nakipaghiwalay na si Grey sayo, e. Wala naman kasi syang kwenta. Hindi sya makakabuti para sayo."

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon