Kabanata 21

125 2 0
                                    

Maaga akong nagising dahil may pasok. Friday na bukas!

Ang bilis nang mga araw. Magwa-one week na nung magsimula ulit ang mga klase. Araw araw akong hinahatid ni Grey at sinusundo.

Ngayong araw nya lang ako hindi masusundo dahil may gagawin daw sya.

"Carl, bakit may pasa ka na naman?" Tanong nung isa naming kaklase kay Carl.

"Tumama sa headboard nang kama." Pagsisinungaling nya. Si Kara naman ay parang walang naririnig.

"Aww. Ang sakit nun."

"Masakit talaga lalo na pag tatanga tanga. Diba Carl?" Pinandilatan nya nang mata si Carl bago ngumiti sa kaklase namin.

Natakot yung classmate namin kay Kara kaya umalis sya. Halos lahat naman kasi takot kay Kara.

"Tsk. Bakit kasi kailangan mo pa akong bugbugin e aattend ka rin naman pala nang party. Gusto mo din si Brent e. Nagdadahilan ka pa." Reklamo sa kanya ni Carl.

Hindi alam ni Carl yung kasunduan namin ni Kara. I told Kara not to tell him. Mas mabuti narin na hindi nya alam para hindi sya ma-guilty.

"Carlito, sa ating dalawa ikaw ang may gusto dun. Curious lang ako kaya titignan ko kung ano ba sya sa personal. Malay mo magustuhan ko sya, diba? If ever na maging kami nga, mamatay ka sa inggit! Never kitang hahagisan nang pictures nyang topless!"

"Baka nga maging kayo! Ayaw nun sa babaeng parang manok ang bibig! Baka hampasin mo pa sya nang kaserola. Kawawa lang si Brent sa'yo!"

"Magtigil na nga kayong dalawa! Imbis na nagre-review, daldalan pa kayo nang daldalan."Saway ko sa kanila dahil nagsisimula na naman silang mag-away.

"Peyn, ganyan ba epekto ni Grey sayo? Ghad. Kakatapos pa lang nang midterm review agad? Isipin mo naman si Carl. Alam mong walang utak yan kaya mahihirapan yang mag-isip! Saka na magreview pag malapit na ang finals!"

"Hoy, Kara akala mo ang tali-talino mo! Bobo ka sa academics baka nakakalimutan mo. Sa lovelife ka lang matalino!"

"Atleast kahit papaano matalino! Ikaw bobo na nga sa acads bobo pa sa lovelife! Niloloko ka lang ni James, uy!"

"And so? Inggit ka lang kasi may James ako tapos si Peyn may Grey! Ikaw, wala! Kahit si Brent pag nakilala ka, aayaw din!"

"Manahimik na nga kayo! Wala na yatang araw na hindi kayo nag-aaway ah!" Nagtinginan lang sina Kara at Carl bago nanahimik. Sakto naman na pumasok na yung prof namin na almost 15 minutes nang late.

The class was boring. Nung uwian na ay nauna pa akong lumabas sa kanila.

"Peyn, di ba hindi ka masusundo ni Grey? Sama ka samin ni Carl!"

"Saan?"

"Sa mall. Bibili ako nang isusuot sa party tsaka bibili na din ako nang gift. Sabi mo nga diba na sakyan ko si Brent?"

Shoot! Wala din pala akong regalo!

"Sige. Nasan ba si Carl?" I asked nung hindi ko makita si Carl.

"Kasama ni James. Susunod nalang daw sila. Tara na!"

Nagulat ako nung hilahin ako ni Kara sa parking lot. Ang mas nakakagulat pa ay nung pinagbuksan kami ni Calum nang pinto sa mismong kotse nya.

"What's happening, Kara? Akala ko-"

"Sshh. Sumakay ka nalang din. Paunang bayad mo na 'to para sa pag-arte ko bukas. Be nice."

"Hi, Calum! Thank you ha! Pinapasabi din ni Peyn na thank you sa lahat. Alam mo naman 'to. Masyadong mahiyain." Tinampal pa ni Kara ang braso ko bago ngumiti sakin.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon