Kabanata 5

187 4 1
                                    

Mag a-alas dose na nang umuwi kami ni Carl. Hindi naman kami lasing. Sanay na kami e.

Hinatid nya ako hanggang sa labas nang building nang condo. I sighed. Pumayag ako.

I know that I'm not drunk. I can still think clearly. I'm still sane.

Napahawak nalang ako sa noo ko. Pumayag ako na tulungan si Carl. Ngayon, ako naman ang may problema.

I was encoding my passcode when someone spoke beside me. I feel my knees trembled a bit, the alcohol is kicking in my system a bit.

"Where the fuck have you been, lady?" May diin sa bawat pagkakasabi nya. Kitang  kita ko ang galit sa mga mata nya. Hinintay nya ba ako? Dito sa labas? Gusto kong matuwa kaso I have no time for that. He's fuming with anger!

Natatakot akong sumagot dahil feeling ko anytime ay sasabog na sya sa sobrang inis.

Hinintay nya ako? As in?

"I.. I went out with Carl. Mom knows..." Pagpapaliwanag ko agad. Bakit kahit galit ay parang natutuwa pa ako. Ang gwapo, beh!

"I'm asking where the hell have you been?" Kahit natutuwa ay ikinunot ko ang noo ko sa tanong nya. Sinabi ko naman na alam ni Mama ang lakad ko ah?

Pumikit ako nang mariin bago sumagot sa kanya, "Bar. "

Nakabukas lang ang pinto nang unit ko. Hindi ako makapasok. I think it's rude to enter when I know that Grey is not yet done with me.

"Bar? With your friend? Don't you know that it's already 12am? You're a girl for heaven's sake! At sino ang sisisihin pag may nangyaring masama sayo, huh?" Nagpaalam nga ako kay Mama. Gusto kong sabihin iyon kaya lang ay parang gusto ko pang makita ang reaksyon nya.

"Uhmm. Ako?" Nagulat ako nang hampasin nya ang pader malapit sa mukha ko. Hindi naman malakas ang pagkakahampas nya. Parang dito nya ibinuhos ang frustration pero sa hindi nakakatakot na paraan.

"I'm not joking here, Elle!" Gusto ko nang pumasok sa loob dahil sa antok pero pinagbibigyan ko sya. He's mad. Really really mad that he even called me by my name!

"Don't you know that you're my responsibility here since you moved out from your mom? You're my neighbor and friend! If something bad happens to you, being the older one, I am the one to be blame! " So what? Isang taon lang ang tanda nya sakin kung makapagsalita sya parang baby pa ako!

"Look, Grey, I'm sorry. I'm safe okay? No need to shout at me. Now, if you'll excuse me. I need to rest." I'm so sleepy now at kung hindi pa sya titigil ay paniguradong pareho lang kaming mag-iinisan.

Pumasok ako at pinagsarhan na sya. Hindi ko kayang humarap sa kanya. I made him mad again.

Dire-diretso ako sa kama. Biglang sumakit ang ulo ko. Hindi na ako nakapag-palit. I'm sleepy but I can't let myself sleep. Galit si Grey. Bakit?

Kung tungkol 'to sa pagpunta ko sa bar, well, matagal na kaming napunta don nina Carl nung nandun pa ako kina Mama. Hindi nya siguro alam dahil wala naman syang pakialam.

Pero bakit sya magagalit? Nag-aalala ba sya? Marahas akong umiling. Nababaliw na yata ako. Hindi na nga ako iinom sa susunod nang sobra.

Buset ka Grey. Hilong-hilo na ako pero yung utak ko ikaw pa din ang iniisip. Naguguluhan ako sa kanya. Sobrang sungit nya sakin lately kumpara dati. Ayaw nya ba na lumipat ako dito kasi feeling nya responsibilidad nya ako?

Dahil ba hindi ko kayang alagaan ang sarili ko? I never asked for his help. Sya ang nagkukusa.

I need to inform him na hindi nya na ako kailangan pang bantayan if that was his problem. Maybe he just feel like having a responsibility since my mom and his mom asked him to check on me?

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon