Kabanata 12

197 2 0
                                    

"Hello po." Bati ko sa papa at mama ni Carl pagkapasok ko sa loob.

"Hija, you came! Come and sit. Carl, help her." Natutuwang salubong sakin ni Tito. Gusto kong matawa nang utusan pa ni Tito si Carl para alalayan ako samantalang hindi naman kailangan, lalo pa dahil naka white na sneakers naman ako.

"Elle, nung isang araw pa nyan kinukulit si Carl para papuntahin ka dito sa bahay." Tita apologetically said nung makalayo sina Tito samin.

"Okay lang po. Minsan lang naman po e."

"I know words are not enough but still, thank you dear. We owe you." Hinaplos ni Tita ang kamay ko bago ako dinala sa dining table nila.

I only smiled at her.

"Elle, feel free to eat. Tumulong si Carl sa pagluluto nyan. You know, someone special is coming." Tito winked at me.

Hindi ko mapigilan ang matawa dahil kay Tito. Nako, pag nalaman nito na binabae ang anak nya, baka hindi na sya makatawa.

"Dad, "saway ni Carl sa daddy nya.

"What? I didn't do anything yet, son. " He laughed and then looked at Tita.

Nilagyan ako ni Carl nang pagkain sa plato ko at umalingawngaw na naman sa mesa ang tawa ni Tito.

Hay, paano kaya kung malaman nya nga? Paniguradong sasama ang loob nya pati sakin. I hate to break it to him pero alam ko na dadating din ang panahon na malalaman nya ang lahat.

"What kept you busy, Hija? Carl told me na masyado kang busy kaya hindi ka nakakapunta sa bahay."

"School stuffs, Tito. Graduating na kasi kaya alam nyo na, masyadong madaming projects."

"Oh, I see. Pag may free time ka, pumasyal ka dito. You're always welcome here." I smiled at him and started eating.

"Thanks, Tito." Matamis itong ngumiti sa akin bago nagpatuloy sa pagkain.

Naging busy sa pag-uusap sina Tito at Tita. I looked at Carl.

"Hey, I need to be back home before 9."

"Dad expected you to be here until 10." He whispered through my ear.

"Grey would fucking kill me." Agad na kumunot ang noo ni Carl.

"Bakit magagalit? Kayo ba? Ha?" Pang-aasar nya pa.

Oo nga. Kami ba? Pero kahit naman walang landian something sa amin, strikto na talaga ang isang iyon.

"Fine. I'll tell Dad after this. C'mon, eat." Tumango lang ako sa kanya at tsaka sumunod.

"Kids, nowadays. What are you two talking about that you have to whisper? Son, I am really proud of you." Tito laughed again. Sinaway sya ni Tita pero lalo lang syang tumawa.

Natapos ang dinner nang 8pm. We stayed at their living room. Nanonood kami nang Titanic. Request ni Tito na kahit napanood na namin yun before, panoodin ulit namin. Proud sya dahil seaman sya at marami syang alam pagdating sa mga barko.

Napangiti ako nang makita si Tita na nakahilig sa balikat ni Tito. Tito was also whispering something to Tita.

Magiging ganyan din kaya kami ni Grey? Aabot ba kami nang ganyan katagal kahit na hindi pa kami? Pag tanda ba namin, ganyan din sya ka-sweet? O baka naman pag dating nang araw na hinihintay ko ay may sari-sarili na kaming mga buhay at pamilya?

I really don't know what would happen next. Kung epic romance ba ang story namin, action o kung happy ending.

I really don't know and I can only guess.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon