Kabanata 20

140 2 0
                                    

"Carl, wake up." Tapik ko kay Carl. Nakahinto ang sasakyan ni Grey sa tapat nang bahay nina Carl. Hinatid kasi namin sya ni Grey galing sa beach resort nina Calum.

"Mmmmm." Tinapik tapik ko parin sya pero nanatiling nakapikit ang mga mata nya.

Nakita kong lumabas si Tito mula sa gate nina Carl. Pakiramdam ko ay namutla ako nang mapatingin sya sa kotse ni Grey. Tinted ito kaya hindi kita ang loob.

"Carl, wake the hell up! Your father is coming!" Malalakas na tampal ang ginawa ko para lang gumising sya. Napatingin ako kay Grey. I had to explain.

Papalapit na si Tito at nagpapanic na ako dahil wala sa sarili si Carl.

"Grey, it's his dad! I-I need to act like his girl-" Malalim syang bumuntong hininga bago ako pinutol.

"I understand." Nakahinga naman ako nang maluwag bago pinandilatan si Carl nang mata. Lumipat ako sa backseat sa tabi ni Carl. Kinatok ni tito ang bintana sa driver's seat. Tamad na ibinaba ni Grey ang bintana.

"I'm sorry. Akala ko ay ang anak ko at ang girlfriend nya ang nasa loob." Hinging paumanhin ni Tito kay Grey.

"Tito!" Tawag ko sa kanya. Binuksan ko ang pintuan. Lumapit sya at sumilip sa pwesto namin. Inaantok pa si Carl pero nang makita nya si Tito ay agad syang tumuwid nang upo.

Mukhang naiintindihan nya na ang nangyayari.

"Oh. Akala ko ay iba ang tao dahil iba ang nasa driver's seat."

"Hindi po. Nakisabay lang po kami ni Carl. Anyway, Tito this is Grey, bestfriend ko." Napalunok ako dahil sa matatalim na titig ni Grey sakin.

"Grey, this is Carl's dad."

"Nice meeting you, hijo." Tumango lang si Grey sa kanya bago tipid na ngumiti.

"Pa," Tawag ni Carl sa tatay nya. Lumapad ang ngiti nito nang mapansin na magkatabi kami nang mahadera nyang anak.

"Bakit hindi muna kayo pumasok na tatlo sa loob? I'm very sure that you had a long ride. You should rest for a bit. Especially you, Grey. It must be tiring for you to drive. Batangas is too far." Tatanggi na sana kami ni Carl kaso ay naglakad na papasok si Tito.

"Grey?" Alanganin na tawag ko kay Grey, natatakot na baka mabadtrip na naman 'to.

"Is it okay with you if we'll go inside? Tito is kind of persistent. He wont let me say no to him."

"Okay."

Pumasok kaming tatlo sa loob. Busangot na ang mukha ni Carl.

Nakahanda ang meryenda sa garden nila. Inasikaso agad yun ni Tito pagkapasok nya.

"Nasan po si Tita?" I asked just to start a conversation. Magkatabi kami ni Carl. Si Grey at si Tito naman ay nasa harap namin.

"Oh that. She went shopping with her friends."

"Ahh." That was all I could say.

Inapakan ko ang paa ni Carl para sana magsalita naman sya at nang hindi makahalata si Tito pero iba ang lumabas sa bibig nya.

"Pa, uuwi na sina Elle." Lalo kong inapakan ang paa nya nang sumimangot si Tito.

"Don't be too rude, son. Bakit mo ba pinapauwi ang girlfriend mo e wala naman syang sinasabi? Nag-away ba kayo at ayaw nyo lang ipahalata sakin?"

"No, no, no. Tito, hindi po ganon. May gagawin pa po kasi ako kaya uuwi na po kami."

"Elle, wag mong pagtakpan ang anak ko. Kung nag-away man kayo, hindi tama na paalisin ka nya agad dito. That was not the right thing to do. Pag-usapan nyo yan."

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon