Kabanata 26

122 2 0
                                    

14 missed calls.

Hindi ko pa rin sinasagot ang tawag nya. Ni-silent ko na rin ang cellphone ko para hindi mapansin ni Calum.

"Okay lang ba kung bukas kita ipagluluto? I don't think I'll have much time kaya kung pwede bukas nalang." I said. Habang magkaaway pa kami ni Grey, maipagluluto ko si Calum. Nakakahiya naman kasi kung hindi ko tutuparin ang pangako ko kay Calum samantalang lahat ginagawa at binibigay nya para samin.

Come to think of it, spoiled na kaming tatlo sa kanya. Lalo na si Kara.

"Sure! Kaso nakakahiya e. Walang laman yung fridge ko. Hindi kasi ako marunong magluto kaya eggs and canned goods lang ang lagi kong binibili." Nagkakamot sa ulo na sabi ni Calum. Napatawa ako dahil sa sinabi nya.

I find it cute. Yung lalaking katulad ni Calum. Ibang iba sya kay Grey. Pag si Grey, parang alam nya na ang lahat at wala na akong kailangang ituro sa kanya. Lagi akong palpak at nagmumukha akong mangmang dahil mas magaling sya sakin sa halos lahat nang bagay.

Si Calum, I find it relaxing. Yung makakahanap ka nang kaibigan na katulad nya. Sa kanya, may chance akong mag-marunong.

He wouldn't even mind kung hindi ako sobrang perpekto. Hindi naman kasi sya perfectionist. Feeling ko hindi ako magkakamali sa mga gawaing bahay pag magkasama kami.

I'm not saying na useless sya sa household chores pero it's a relief na kahit papaano, may chance ako na magturo nang mga bagay na alam ko. Hindi katulad nang kay Grey na sya pa ang laging nagtuturo sakin.

Hindi ko ma-explain yung feeling but I guess I find comfort in him. Calum is really one of a kind.

"Do you mind kung maggo-grocery muna tayo? Kung wala ka lang naman na gagawin ngayon. I don't want to bother you, Peyn, kaya okay lang kung hindi pwede."

"Ano ka ba! Okay lang, noh! Para ka namang others dyan. Tara na. Excited na ko!" Sa sobrang tuwa ko ay hinila ko na agad si Calum.

I really wanted to buy grocery items with someone. Lagi kasi akong mag-isa pag naggo-grocery. Isang beses ko lang ata nakasama si Grey sa supermarket tapos iniwan nya pa ako! That jerk! Naalala ko pa tuloy.

Tatlong stores lang ang pagitan nang supermarket sa 7/11 kaya nakarating kami kaagad don.

Kumuha sya nang push cart at dumiretso agad kami sa meat section.

Basta nalang kaming kumuha nang karne dahil hindi naman kami parehong marunong kung paano tumingin nang fresh meat. Feeling ko tuloy nagi-experiment kami.

"Peyn."

"Mmmm?" Kumuha ako nang isang dosenang itlog at hinila ko na sya sa may mga gulay at prutas.

"Nakasakay ka na dati sa push cart?"

"Oo. Nung bata ako. Feeling ko mga 5 years old pa ako nun. Ikaw?"

"Yeah." Ngumiti si Calum sakin.

"I remember, 8 years old ako nung huling sakay ko sa push cart. Busy si mommy sa pagkuha nang toiletries kaya hindi nya alam na sumakay ako dun. Kasama namin si grandma. Nung makita ako ni grandma, pinaghahampas nya ako nang junkfoods na hawak nya. That was the most embarrassing moment in my life. Nagtinginan sakin yung mga tao."

Napatawa ako sa sinabi ni Calum.

"Really? Baliw ka rin e. Ang tanda tanda mo na nun para sumakay sa push cart! Buti hindi mo nasira yung cart."

"Nakakita din kasi ako nang bata na nakasakay sa cart kaya sumakay din ako. Akala ko matutuwa sina grandma at itutulak pa nila yung cart para sakin. It turned out na ginalit ko pa sila. Hahahha. Those days, nakakamiss din talagang maging bata."

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon