Kabanata 47

114 3 0
                                    

Nagising ako nang tapikin ako ni Brent sa balikat.

"Peyn, wake up." I roamed my eyes around and noticed that I was still in the same car with Brent.

"You slept...nandito na tayo sa inyo." Nakatulog nga pala ako nang igala ni Brent ang kotse nya sa buong city. I stared at my clock. It's 2 am!

"Sunday na. No need to panic. Wala tayong trabaho today." Mahinang tumawa si Brent nang mapansin ang pagpa-panic ko. Shoot. Oo nga pala!

"I gotta go. I'm sorry, inabot na tuloy tayo nang madaling araw."

"It's okay. Pumasok ka na sa loob and catch some sleep. Naghe-hello na ang eyebags mo." Umirap lang ako bago bumaba.

Hinintay kong makaalis ang kotse ni Brent bago ako nagdesisyon na pumasok na sa loob.

Nagulat ako pagtalikod ko dahil sa isang lalaking nakatayo sa gilid nang gate namin. Sht. Dapat di na ako nagpaabot nang ganitong oras!

Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil sa sobrang dilim. Hindi rin naman sya gumalaw sa kinatatayuan nya kahit alam nyang papalapit ako sa may gate.

Lumapit ako kahit medyo natatakot na. When I saw the person's face clearly, medyo nabawasan ang takot ko. Anong ginagawa nya dito?

"Grey." I called him. Blangko lang syang tumingin sakin bago tumalikod at naglakad papunta sa kanila.

What was that?

I sighed. What the hell is he doing outside?

"Grey!" Tawag ko nang nasa tapat na sya nang gate nila.

"I'm sorry about earlier, " hinging tawad ko. Ngayong nahimasmasan na ako, I realized na mali ang ginawa ko. I should atleast offer him friendship. It was too rude to say those words to him. I know, I'm at fault.

Wala akong ibang narinig na sagot mula kay Grey. Saglit lang syang huminto bago naglakad na papasok sa kanila.

May kumirot sa puso ko pero mas pinanindigan ko ang mga desisyon ko.

Ano ka ba naman Elle, pinalayo mo yung tao. Natural lang na hindi ka na nyan kakausapin! Ngayong nilalayuan ka, gusto mo namang lumapit!

Para akong siraulong nakatayo sa labas nang bahay namin. Nang makaramdam ako nang lamig ay pumasok na ako.

Tulog na si mama pagkapasok ko. Duh, 2am na kaya. Alangan naman na maabutan ko pa si mama na gising. Tss.

Nakaramdam ako nang antok kaya't sa couch nalang ako nahiga. Ipinikit ko ang mga mata ko at maya maya lang ay nakaramdam agad nang antok.

--

"Peyn, dalhin mo nga ito sa Tita mo." Utos sakin ni Mama pagkatapos kong maligo. One o'clock na ako nagising dahil nga sa sobrang puyat.

"Kayo nalang po, Ma. Malapit lang naman ah."

"Ikaw na bata ka! Dalhin mo na nga! Kailangan yan nang Tita mo!" Mainit ang ulo ni mama kaya naman dali dali akong lumapit at iniabot ang ipinapabigay ni Mama.

Tumingin ako sa dalawang pirasong tablet na hawak ko.

"Gamot? May sakit si Tita?"

"Basta dalhin mo na lang!" Tss. Nagtatanong lang e. Ang init naman agad nang ulo nang nanay ko.

Hindi na ako nag-door bell nang makarating kina Tita. Dali dali lang akong pumasok. Nang nasa front door na ay tsaka lang ako tumawag.

"Tita?"

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon