Kabanata 1

440 6 0
                                    

"Grey. " pag-uulit ko nang tawag sa kanya.

Nanatili lang syang nakatingin sakin. Walang emosyon.

"Hey, wala ka bang sasabihin? Is this your way of greeting your neighbor? " I teased him kahit alam kong banas na agad sya sakin.

Humakbang sya palapit sakin. So, this is it. Hindi nya na naman nagustuhan ang ginawa ko.

"Why did you follow me here? "May diin sa bawat pagkakabigkas nya nang mga salita.

"What? It's a coincidence. Sinabi ko lang kay mama na gusto ko din nang condo at hindi ko naman alam na dito nya ako ikukuha. Fortunately, katabi lang pala nang unit mo ang unit ko. Isn't it great? "

Suminghap sya bago tumalikod sakin. Kakalipat ko palang dito. Sya naman, last week pa. Talagang kinulit ko si mama para kunin ang katabing unit nang condo ni Grey.

Magkababata kami. Mag-bestfriend ang mama ko at ang mama nya.

Mula pagkabata ay ganito na sya sakin. Mula nang lumipat kami sa katabing bahay nila ay lagi nya na akong sinusupladuhan. Lalo na nung malaman nya na may gusto ako sa kanya.

"Hey, sabi ni tita at mama bantayan mo daw ako. Tutal naman ay magkalapit nalang tayo nang tinitirhan."

Binuksan nya ang unit nya. Palihim kong kinabisa ang passcode nya.

Lihim akong napangiti. 1123.

Noted.

Ipinagsiksikan ko ang sarili makapasok lang sa loob. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan nito.

Malinis at magandang tignan. Nakaayos ang mga gamit na parang hindi ginagalaw.

May malaking tv set sya sa living room. Kulay puti ang kulay nang pader at may isang kwarto. Nakakasisiguro ako na hindi nya ako papapasukin sa kwarto nya.

Sumunod ako sa kanya sa kitchen. Malinis din ang kitchen nya. Malaking refrigerator, dining table para sa apat na tao, sink at gas stove na talagang mamahalin.

"I moved here to study not to take care of you, Peyn. " napangiwi ako nang banggitin nya ang pangalan ko. It wasn't my real name..

Elle ang pangalan ko. Elle lang. Wala nang kasunod. Simula grade 3 ay Peyn na ang tinatawag sakin nang lahat. Nasanay sila dahil laging 'Peyn' ang tawag sakin ni Grey.  Pati si mama ay ganun nadin ang tinatawag sakin.

Nagsimula iyon nang makita nya akong umiiyak nung grade 1. He said that I looked like a monster whose in deep pain. Well, who wouldn't? My Dad passed away when I was little. Sabi nina mama, hindi daw ako umiiyak nang malakas. Sunod sunod lang daw ang pagpatak nang luha ko. Wala daw akong emosyon.

Iilan lang ang alaala ko kasama si papa dahil masyado pa akong bata para matandaan yon.

They were scared at how I reacted.

Simula non ay hindi nya na ako tinawag na Elle. I don't know if he was just bullying me back then but I like hearing him call my name, "Peyn", it sounded weird pag iba ang tumatawag. Pero kapag si Grey naman ay pakiramdam ko may mga kakaibang insektong nagliliparan sa tyan ko.

Napansin yata nya ang pagka-tahimik ko. He blankly stared at me, I am too excited to hear him talk kaya naman halatang halata na hinihintay ko syang magsalita.

"Why don't you just fix your things at your place? Nothing will happen if you will just stand here. "

"Okay. Babalik ako mamaya, hindi ako marunong magluto. " He sighed. Mukhang namomroblema sya dahil pati ako ay kailangan nyang asikasuhin. Sinadya ko talagang sabihin na hindi ako marunong magluto, nanghihingi nang kahit konti sa atensyon nya.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon