Kabanata 10

170 3 0
                                    

Naalimpungatan ako sa pagtawag ni Grey. Naririnig ko ang boses nya malapit sa living room. Mukhang kakapasok pa lang nya.

Kung kelan naman masarap ang tulog ko.

Tumayo agad ako sa kama at binuksan ang pinto para maharap sya.

"Ano?" Tamad kong tanong bago padabog na umupo. Nanatili lang syang nakatayo sa harap ko habang nakataas ang kilay.

"Where have you been? I've been calling you a lot of times." Ako pa ngayon ang hinahanap nya?

Hindi ko mapigilan na hindi mapa-irap sa kanya. Ako pa talaga ang tinatanong nya, huh? Sya nga itong bigla bigla nalang nawawala!

"As you can see, nauna na akong umuwi. Kung hindi ka pa nakakapasok sa unit mo, dinala ko na yung mga pinamili mo."

Tumayo na ako at handa na ulit na ipagpatuloy ang naputol na pagtulog. Hindi pa man ako nakakalayo ay hinila na ni Grey ang mga braso ko.

"Why were you ignoring my calls? I am worried! Bigla ka nalang nawawala!" I can't help but roll my eyes at him.

Hinarap ko sya at tinaasan nang kilay. Bakit parang ako na naman ang may kasalanan?

"Grey, ikaw ang nawala. Bakit parang ikaw pa yung may karapatan na magalit dito? Ako yung naiwan sa baba! Anong gusto mong gawin ko? Bumuntot sa inyo nung kasama mo?" Tinanggal ko ang kamay nya na nakahawak sa braso ko at padabog na naglakad papasok sa kwarto.

Sinundan nya naman ako hanggang 'dun. He look frustrated. Ako din!

"Inihatid ko lang si Ynna sa sasakyan nya! Hindi ko naman alam na dadalhin mo na sa counter 'yong mga grocery!" Aba! So anong gusto nyang mangyari? Tumayo ako don at maghintay hanggang sa bumalik sya?

Hindi nya nga ako hinanap para magpaalam!

"Fine! Kasalanan ko! I'm sorry!" Sigaw ko pa at hindi matanggap na ako na naman ang mali.

"Peyn, stop being like this. There's no point in being mad." Bumaba ang boses nya kumpara kanina. Edi wow, Grey!

Naramdaman ko ang paggalaw nang kama. Umupo sya sa edge. Tumalikod naman ako sa kanya at tinabunan nang unan ang mukha ko.

"Peyn."

Tinapik tapik ako ni Grey at pilit nya din na tinatanggal ang unan sa mukha ko.

Hinigpitan ko ang pagkakakapit sa unan ko atsaka ipinikit ang mata. Gago, hindi ako makahinga.

Kahit nahihirapan ay nagtiis ako. Ang tagal naman umalis nito. Naiinis ako sa kanya! Nakakainis!

"Peyn,"pag-uulit nya. Naramdaman ko ulit ang paggalaw nang kama. Lumapit sya lalo sakin. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay na mahigpit na nakahawak sa unan.

"Hey, "unti unti nyang kinalas ang mga kamay ko sa pagkaka-kapit. Hindi ko alam pero nawalan bigla ako nang lakas para higpitan ang pagkakahawak doon.

Iniharap ako ni Grey sa kanya.

Hayup, walang ganyanan, Grey! Kikiligin ako e dapat nga galit pa 'ko.

"Stop being mad, c'mon." Hindi ko sya tinitignan. Ayoko syang makita. Ayoko dahil alam ko na sa oras na tumingin na naman ako sa kanya, bibigay ako agad.

"I'll make it up to you, okay? Wag ka na magalit."

He touched my chin. Inangat nya iyon nang marahan para makita ko sya nang maayos.

Wala na. Napatingin na ako sa kanya.

Dahan dahan akong tumango. Grey immediately smiled. He already know that I gave up in whatever drama I am making.

The Ignored Heart's RevivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon