02 July 2016
(Text messages from Jerald Napoles to Alden Richards)
May tanong ako. Pero kung pagbibigyan mo lang ako.
Ano iyun? Saka bakit ka nagte-text? Talagang hindi ka na makapaghintay na matapos itong rehearsals natin?
Ehhh...
Ano nga? Bilisan mo at malapit na tayong sumalang ulit.
Baka kasi may makarinig. Kung ano pang isipin nila.
Ano ba iyan?
Nakakahiya talaga sabihin! 😅
🙄
Teka lang. Hahanap lang ako ng lakas ng loob.
Seryoso ka ba? Tungkol ba ito kay Val? Manliligaw ka na ba? O binasted ka na agad? 😂
😒
Oh? Ano? Tama ba ako? Kaya mo iyan, Paps! Tanggapin mo na lang na iba ang para sa iyo! 😂
Hindi kasi iyun. 😏
Ano nga kasi? Alam mo, kung sinabi mo na ngayon, nasagot ko na iyung tanong mo. Ang pabebe mo!
Ay, grabe siya! Saglit lang kasi. Hindi ko alam kung paano ko talaga sasabihin sa iyo. Baka bigla kang magalit eh.
Ano ba iyan? May ginawa na naman ba kayo ni Sam? Nako, kung magalit sa akin si Menggay...😒
OMG. 😍
Ikaw, ano ka rin eh.
Kinikilig lang ako dun sa tawag mo kay Maine! Napanood kita nung sinabi mo iyun sa Sugod Bahay iyun nung isang araw. Sariling sikap na ang panlalaglag mo no? Hindi ko na kami kailangan ni Papi Sam.
K.
Ito na nga! Basic lang talaga ito.
Salamat sa Diyos! Ano na tanong mo?
May napansin kasi ako, Papi Alden.
Hayy. Oh, sige. Sabihin mo na nga kung ano iyun.
'Wag mo itong mamasamain ah.
Oo na. Malapit na kitang bigwasan...😒
Bakit...bakit ang kapal ng make-up mo ngayon? May balak ka bang aminin? 😏
Weh. Ewan ko sa iyo! Nang-aasar ka lang eh.
Hindi, Paps! I swear. Halata lang kasi! Pinag-uusapan na rin nung girls sa dressing room nila.😅
Susmaryosep, anong halata? Galing ako sa isang event bago ako pumunta dito, okay? Pwede na ba? Okay na ba tayo?
Okay na okay naman tayo! Pero hindi naman kasi iyun ang sinasabi ko.
Isa pa.
Sorry naaaaa. Hindi naman kasi make-up sa mukha iyung sinasabi ko!
Ha? Eh ano?
Iyung make up sa leeg mo, Papi Alden! Hindi na kasi pantay sa make up sa mukha mo. Ang kapal ng pagkakalagay ng concealer. Sino bang naglagay niyan? Palitan mo na kasabay ng stylist mo. Joke. Haha!
Ah. Iyun lang pala!
Oo, iyun nga...OMG.
Ito na naman tayo. *sigh*
ANONG TINATAGO MO SA LEEG MO? BAKIT MAKAPAL ANG CONCEALER MO?!? MAY KUMAGAT O KUMALMOT BA SA IYO? SABIHIN MO SA AKIN!
Ano ba ang dapat itago? 😏
BINABASA MO ANG
#SquadGoals
FanfictionA collection of short conversations, text messages, and tweets between Richard Faulkerson Jr. (Alden Richards) and his friends.