03 August 2016
(Text Messages from Jerald Napoles to Alden Richards)
Paps, busy ka ba? 😊
Ano na naman iyan? 😒
Ay, grabe siya! Nagtatanong lang ako ah. Ang sama sama naman ng tingin mo sa akin. Ang sakit, Paps. Ang sakit talaga.
Ang drama mo uy! Ano ba kasi iyun? Saka bakit ka ba nagte-text? Halos magkatabi lang tayo ng upuan.
Ehhhh. Syempre, baka may makarinig ng tanong ko. Kumalat pa iyung mga sekreto mo.
As if naman hindi kumakalat kapag ikaw ang nakakalam. 🙄
Ay. Pagbigyan mo na akoooo. Hindi ko ipagkakalat. Promise!
Oo na. Oo na. Ano ba kasi iyung tanong mo?
Ano lang. Simple lang naman tanong ko.
Batuhin na kita ng upuan, gusto mo? Nasa isang lugar lang tayo dahil sa anniversary ng Sunday Pinasaya.
WALA NAMANG GANYANAN, PAPI ALDEN! LAGI NA NGA AKONG NASA HOSPITAL DAHIL SA INYO!
Hindi ko kasalanan iyun uy!
Ang sabihin mo, gusto mo lang na ginugulat kaming lahat! Akala mo ba ako lang ang dinadala sa hospital every time na may pasabog kayo? Hindi ah! Marami kami.
K.
...
Ano na ba kasi iyung tanong mo? Dali na para makakain ako.
Ano lang. Nacu-curious kasi ako. Hehe.
Saan na naman? *sigh*
Diyan sa pinagkakaabalahan mo! 😏
Ha? Iyung cellphone ko? Iyung pagkain ko? Okay ka lang ba? Tatawag na ba ako sa hospital? Haha!
Tingnan mo ito. Ang ayos ng tanong ko oh. 🙄
Be more specific kasi! Kung anu-ano tine-text mo eh. 😒
Fine. Ano kasi...kanina pa kita napapansin na nakatitig sa phone mo. Hindi ka naman naglalaro kasi hindi masyadong gumagalaw iyung kamay mo. Nakatitig ka lang tapos may ngiti ka na tagos hanggang bone marrow.
Oh? Eh ano naman ngayon? Pinagbabawal na ba ni Pres Digong ang ginagawa ko? 🙄
Hmm. May hula ako, Papi Alden!
Anong hula? Kapag iyan bastos...😒
Huhulaan ko kasi kung ano este sino ang tinitingnan mo! 😅
Sige nga! Sino ang hula mo? 😏
Taga-Bulacan ba ito?
Pwede.
Mas bata ba siya sa iyo?
Oo.
Lagi kang napapangiti dahil sa kanya?
Si!
Hmmm. Malikot ba ang mukha niya?
Pwede.
Teka lang. Ang daya naman eh. Dapat oo kaya ang sagot dun sa ibang tanong ko! Bakit pwede?
Sino ba ang nanghuhula dito? Ako o ikaw? Tuloy mo na lang kasi! 😂
Sige sige. Ito na. 'Wag mong ide-deny ha! 😒
Oo naman! Sasabihin ko iyung totoo. Promise.
BINABASA MO ANG
#SquadGoals
FanfictionA collection of short conversations, text messages, and tweets between Richard Faulkerson Jr. (Alden Richards) and his friends.