12 September 2016
(Text Messages from Jose Manalo to Alden Richards)
Alden, busy ka ba?
Sorry late reply, Kuya Jose. Kakakuwi ko lang galing sa shoot ko for Enca. Bakit po? 😊
Kailangan ko kasi ng tulong mo. Kung pwede lang naman ha? Hindi naman ako namimilit. 😊
Ah. Ano po iyun? Tungkol po ba ito kay Menggay? 😳
Hindi. Sandali lang ha. Parehas kasi tayong artista kaya kailangan kong isipin kung ano ang sasabihin ko. 😔
Po? 😅
Hindi naman ako nage-expect na papayag ka pero sana pagbigyan mo ako kahit ngayon lang talaga. Holiday naman 'di ba? Wala na kasi akong malapitan, Alden. 😔
Ahhhh. Pwede po ba malaman kung ano po iyung problema niyo? Para malaman ko po kung ano po ang pwede kong itulong. 😆 P.S. Parang pamilyar po ang usapan na ito. 😂
Nako, maliit na bagay lang naman ito. Parehas naman tayong artista kaya alam kong kayang kaya mo ito. 😉
Ah, talaga ba? Teka. Sandali lang, Kuya Jose. May bisita lang ako. Hindi ako na-orient na darating siya! 😂
Hmm. Si Meng iyan no? Kanina pa niya sinasabi na pupuntahan daw niya ang baby boy niya dahil magpapalagay siya ng baby oil. Hindi ko gets kung bakit kailangan pa siyang dumayo diyan. 😅
...
Anyway, sabihin ko na lang dito ha? Tutal, busy ka pa naman diyan sa...kung ano man ang gagawin niyo.
...
Okay. Ganito kasi iyun. Patulog na ako kasi bigla kong nakita itong post ni Direk Mark.
...
Nagulat. Nasaktan. Umiyak. Ganun ang reaction ko, Alden. Hindi ko inakala na magagawa mo ito sa akin. Parang kuya mo na ako 'di ba? Bakit ka naman ganyan? 😔
...
Minsan lang naman ako humirit sa iyo 'di ba? Hindi ko rin ginugulo si Mama Twenty kapag nakikita ko siya sa barangay. Hindi ko rin inaagawan si Menggay ng pagkain kapag may padala ka.
...
Kaya inaamin ko na nasaktan talaga ako. 💔
...
Hindi naman ako galit ha. Ano lang, baka naman pwedeng magpadala ka rin ng ganun sa barangay? For all naman ito. Tutal, galanteng artista ka na. 😉👏🏻
...
Make sure lang na may nakahiwalay si Mama Twenty na pwede kong i-take home ha? Salamat talaga, Alden. Maliit na bagay lang naman ito. Wala pa sa presyo ng mga sasakyan mo. 😁
...
Alden?
...
Nako, tatawagan ko na ba si Menggay? 🤔
....
Hello? Alden Richards?
Kuya Jose, si Menggay po ito. Ako po iyung dumating kanina. Uhm. Nakatulog na po kasi si RJ. Napagod sa taping. Ililista na lang daw niya sa tubig iyung hiling niyo. 😁
Nako, 'wag na. Ako na ang magli-lista sa papel. Gagamit pa ako ng permanent marker. Iaabot ko sa iyo para mabigay mo sa kanya. 😃
...
Ay! Kung gusto niyo, pwede ko namang i-announce bukas habang Sugod Bahay. I-invite ko na rin iyung mga manonood sa atin na pumunta sa wedding niyo para hindi sayang airtime. Ano sa tingin niyo?
*sigh* Oo na, Kuya Jose. Si Mama Ten na ang bahala sa iyo. - Alden 😐
Ayun! Ite-text ko na rin si Mama Twenty para i-remind siya. Sige, istorbo na talaga ako. Pwede na kayong mag-ano ulit...este, matulog na kayo. Basta 'wag niyong kalimutan na may pasok pa bukas ha? 'Wag masyadong magpagod. 😆
...
Teka. Naalala ko iyung text sa akin ni Jerald nung isang araw. Magpatulog kayo ng mga gustong matulog ha? Mahirap na. 😂
***
A/N: Thank you so much for reading! 😊 Oh, I'll post another multi-chapter fic (jumping off from one of my AMACon3 drabble entries) soon!
BINABASA MO ANG
#SquadGoals
FanfictionA collection of short conversations, text messages, and tweets between Richard Faulkerson Jr. (Alden Richards) and his friends.