13 August 2016
(Text Messages from Leysam Sanciangco to Alden Richards)
ALDEN! ALDEN! ALDEN!
...
Gising ka na ba? Gising na dali!
...
Huyyyyyy!
...
Alden Richards, gising naaaaaaa! 😂
...
Mamaya ka na matulog! Alden!
What
Bangon na! 😄
Why?!? Kulang pa ang tulog ko. Susmaryosep. Mamaya na iyan! 😩
May rare pokemon dito!
Ha? What? Seryoso ka ba?!? 😱
Oo! Nasa sala niyo lang ako kanina nung may biglang sumulpot na Pokemon!
Teka. Teka sandali. Akala ko ba tumigil ka na sa Pokemon Go dahil istorbo sa work mo? 😒
'Sus! Wala pang 7 am! Pwede pa akong mag-Pokemon Go. 🙄
Ano pala iyang Rare Pokemon na iyan? Bakit walang ma-detect sa phone ko?
Meron! Baka mahina lang GPS diyan sa kwarto mo. 😅
Hindi naman! Sandali lalabas lang ako ng kwarto. 😁
Nakita mo na? Nung nasa guest room ako kanina, wala rin akong GPS. Kanina ko lang nakita iyung rare Pokemon.
Bakit wala pa rin?!? Ang daya naman oh. May problema kaya itong phone ko? 😩
Ikot ka diyan! Nawala rin sa akin ngayon iyung GPS ko.
Wait. Ano palang itsura nung Pokemon? Malakas ba? Na-try mo bang hulihin? 😆
Ay. Hindi. Antok na antok kasi ako kaya hindi ko na na-try. Ang naalala ko lang, parang mataas ang ZP niya kasi walang nakalagay. Hehe.
Ano ba iyan. 🙃 Sana kanina mo pa ako ginising! Nahuli ko sanaaaaa. 😩
Kanina pa kita ginigising no! Ayaw mo lang bumangon. 😅
Sinasabi ko na nga maraming Pokemon dito sa bahay eh. Ayaw pang maniwala sa akin nina Daddy. 😆
Nakita mo na? Nandiyan lang iyun siguro. Try mo dun sa may mga guest rooms.
Hindi pa! Ugh. Nagloloko na naman GPS sa bahay. AYAW MAKISAMA. 😭
Ay. Try mong i-airplane mode for a minutes tapos mag-data ka ulit or wi-fi. Baka mag-work na. 😊
Ayun! May malapit nga na Pokemon! Yizzzz. 😌
Did you see it? 😏
...
Alden?
...
Hello? Nakita mo na ba iyung rare pokemon?!? 😂
Huy! Grabe ka kay Mama Ten! HAHAHAHA
Ha?!? 😅
Bastos kaaaa! Magwawala si Mama Ten kapag nagising na siya! Para kang ano! 😂
Huy! Wala akong alam sa sinasabi mo ha! 😳
'Wag ako, 'Sam! Obvious na obvious iyung nilagay mong make up sa mukha ni Mama Ten! Nakakalat pa dito ang mga ginamit mo oh. 😂
Eh. Kasi...😅😂
Sino bang ginagaya mo?!? Bakit may parang pangil si Mama Ten? Tapos may blue na outline mukha niya! 😂
Uhm...😅
Dali na! Sino ba? Saka...bakit may cat ears headband na suot si Mama Ten? Blue na blue! Ano ba itong ginawa mo, 'Sam?!? 😂
Ginagaya ko si Snorlax! Ang ingay kasi ng hilik ni Mama Ten kanina. Hindi ako makatulog dahil rinig na rinig ko sa kabilang kwarto. Kaya ayan. Hehehe.
Susmaryosep! Lagot ka kay Mama Ten mamaya! Ilalaglag kita! 😂
***
A/N: Thank you for reading #SquadGoals! Sorry for the late update. I'm quite busy because of work. Istorbo talaga sa fangirling ko. 😔Anyway, I'll try to update whenever I can! 😁💛
BINABASA MO ANG
#SquadGoals
FanficA collection of short conversations, text messages, and tweets between Richard Faulkerson Jr. (Alden Richards) and his friends.