19 August 2015 (AM)
(Text Messages from Alden Richards to Ryan Agoncillo)
Kuya Rye, pwede po bang magtanong? 😊
Uy, RJ! Oo naman. Ano ba iyun? Wala ka pala sa gym kanina! 😊
Ah. Opo, may lakad po kasi ako. 😅
Ah. Sige, tungkol saan ba iyang tanong mo? handa naman akong makinig. 'Wag lang Math, 'pre. Mas magaling diyan si Misis eh. 😉
Hahaha! Hindi ito tungkol sa school, Kuya! 😂Ano...kasi. Hindi ko po alam kung paano ko sasabihin. 😅
Ito naman. Sabihin mo na! 'Wag ka nang mahiya sa akin.
Uhm. Kailan niyo po na-realize na gusto niyo si Ate Juday? 😊
Ah. 😏
Ay! Hindi niyo po kailangan sagutin kung masyadong personal po ah. Na-curious lang po talaga ako. 😆
No, it's fine. It's fine. Nagulat lang ako sa tanong mo. Hmm.
Pasensya na, Kuya Rye. Kayo lang po kasi naisip kong pwede kong makausap tungkol dito. 😅
Ayun. Ganito kasi iyun. Alam mo ba na nagkita na kami before pa kami nagkatrabaho sa isang show sa kabila?
Opo, naalala ko pa na pinapanood ni Riza iyung isang interview niyo! 😁
Normal lang iyung una naming pagkikita. Walang something something. It just happened...and we just knew.
Pero kailan niyo po nalaman na gusto niyo po si Ate Juday?
Hindi ko masabi kung kailan exactly eh. Dumating na lang sa point na lagi ko na siyang hinahanap. Iyung parang hindi buo ang araw ko kapag hindi kami nakapag-usap o hindi ko man lang siya mapatawa. Kahit binabasag niya lang ako most of the time. 😅...
Sa totoo lang, wala talagang nag-akala na magkakatuluyan kami. Maski ako! 😂
Ha? Bakit po? 😱
Ibang iba ang sitwasyon namin noon. Ako iyung medyo okay lang na aktor...siya naman iyung big star na mahal na mahal ng lahat. Ang dami pa niyang manliligaw noon na 'di hamak na mas kilala sa akin. 😒
Ohhh. 😯
Ang dami kong tanong sa sarili ko noon. Tama ba itong ginagawa ko? Kaya ko ba talaga ito? Sigurado na ba ako? Iyung mga ganun. 😅
Pero...nagkatuluyan pa rin po kayo! 😁
Oo. Dinaan ko kasi sa lakas ng loob at kapal ng mukha! 😉😂
Po? Paano?😅
Sa atin-atin lang ito ha? I thought long and hard about it. Kumbaga, hindi ako basta duma-moves.
It worked, Kuya Rye! Nabiyayaan pa kayo ng mga cute na anak.👏🏻
Hayy, RJ. That's true. I still feel like I won the lottery dahil sa pamilya ko. Iyan lang ba tanong mo? 😊
Uhmm.😅
Ganito na lang. Pwede ba akong magbigay ng advice?
Oo naman po! 😀
Just be honest. Kaibiganin mo siya. Kilalanin mo. Ano ba ang gusto niya? Ano ba ang mga pangarap niya? Ano ba ang mga ayaw niya? Ano ang nagpapasaya sa kanya? 😉
Po? 😦
Nako, RJ. 'Wag kang magtangka na mag-deny sa akin. Updated ako.. Alam ko rin iyung mga ganyan. Ganyan din ako nun eh. 😏
Ano po kasi...ang hirap lang. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Gusto ko kasi si...
Si Maine? Alam ko. Kahit hindi mo naman kasi sabihin, obvious naman na may nararamdaman ka para sa kanya.
Tama po kayo. Hehe. Kaso, hindi ko po alam kung paano. I mean, paano ko ba siya lalapitan eh hindi pa naman kami nagkikita ng personal? 😔
Ipakita mo lang na nandiyan ka para sa kanya. Na parang tag team kayo. Walang iwanan kahit anong mangyari.
Parang kayo ni Ate Juday?
Oo! Tapos, kapag pwede na, just give her your time.
Time? Hala, medyo dumadami pa naman ang trabaho namin. 😳
Oo. Time is priceless kasi eh. At dahil artista nga tayo, bilang lang talaga ang oras natin para sa sarili natin at sa mga mahal natin sa buhay. But it doesn't have to be that way.
What do you mean? Nag-iipon po kasi ako kaya tanggap lang din po ako ng projects.
I understand. But there are much more important things in life. 'Wag kang magpalamon sa dami ng trabaho. Bigyan mo ng oras ang sarili mo...at ang mga taong nagpapasaya sa iyo. 😊
I see. Thank you, Kuya Rye! Nakatulong po talaga ang mga sinabi niyo sa akin. 😁
Good. In the meantime pala, why not send her a letter? I know it's old fashioned pero it's very refreshing to receive one. Gawain namin iyan ni Juday lalo na kapag busy kami sa work.
Hmm. Sige, Kuya Rye. I'll think about it. 🤔
O iyung mga fan sign fan sign muna! Mas mahalaga naman kung ano ang nakasulat eh. Basta maitawid mo ang mensahe mo, okay na iyun! 😂
May point ka diyan, Kuya! Salamat po talaga! 😂
Maliit na bagay. Basta sa kasal niyo...alam mo na. 😏
Kayo po ang isa sa mga unang makakaalaman kung mangyayari iyan, Kuya Rye!😆
By the way, mukhang absent si Sam ngayon Good luck na lang sa kanya kung may ma-miss siyang pasabog mo mamaya! 😂
***
A/N: Thank you for reading #SquadGoals! 😊
BINABASA MO ANG
#SquadGoals
Hayran KurguA collection of short conversations, text messages, and tweets between Richard Faulkerson Jr. (Alden Richards) and his friends.