Chapter 50 - Labandero

1K 88 17
                                    

18 August 2016

(Text Messages from Jerald Napoles to Alden Richards)

Paps, iba ka! 😏

Bakit na naman? Hindi ba dapat natutulog ka na ngayon? 11 pm na oh. 😒

Mamaya pa ako matutulog. Nag-replay kasi ako ng Eat Bulaga kanina.

Susmaryosep, Je. Alam ko na iyang hirit mo. 'Wag mo nang ituloy. 😡

Huy! Hindi ito tungkol kay Meng! Promise. 😅

Alam ko! Hihirit ka na magpapalaba ka sa akin 'di ba? 😒

Sana pinabayaan mo muna akong humirit. Ito na nga lang ang nagdadala ng kasiyahan sa akin eh. 😔

Je, 'wag ako. Iba na lang ang guluhin mo ngayon. ☺️

May tanong muna ako. 😁

Ano? 😒

Magkano kapag nagpalaba ako ng isang kilo ng damit ko? Puro naman t-shirts ito. Tumatanggap ka rin ba kung pantalon ang ipapalaba? 😂

Weh. Hindi nakakatawa. 🙄

Teka. Concerned lang ako no. Safeguard ba ang gamit mong panlaba? 😏😂

Ayaw mo talagang tumigil ha? 😏

Bakit? Anong gagawin mo? Walaaaaaa! Alam ko ang mga sikreto mo. Don't me, Alden Richards. 😛

Alam ko rin ang mga sikreto mo, Je! Ikaw ha. Hindi ka man lang nagsasabi. 😏

Weh. Ayoko ngang maniwala sa iyo. Sigurado akong ginagawa mo lang iyan para tumigil ako. 😛🙄

Sure ka ba diyan? 😆

Oo! Wala akong sikreto kaya hindi ako maniniwala na may bala ka laban sa akin. 😏

Meron kaya! Nakalimutan mo lang siguro. 😂

Wala nga! Ganito na lang. Kapag meron, hindi ako magte-text sa iyo bukas. Kahit anong mangyari sa Eat Bulaga, quiet lang ako. 😉

Weh? 'Di nga? Totoo ba iyan?  😂

Oo! Promise. 😉

Okay, ready ka na ba? 'Wag kang magagalit ah. You asked for this. 😂😂😂

Oo na, Papi Alden! Basta kapag wala lang iyan, kailangan mong magkwento sa akin ng isang sikreto na kayo lang ni Meng nakaalam. Okay? 😏

Oo na. 🙄 Hindi na kailangan iyan dahil alam kong magandang blackmail material ang nakuha ko. 😂

Ang dami mong satsat! Ilabas mo na iyan. Hindi ako natatakot sa banta mo! 😂

 Hindi ako natatakot sa banta mo! 😂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
#SquadGoalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon