03 September 2016
(Text Messages from Jerald Napoles to Alden Richards)
Walang hiya ka! Nananadya ka talaga eh! 😒
Susmaryosep! Ano na naman iyan? Huyyyyy, lagi na lang ganyan. Inaano ba kita?!? 😒
Boy ngiti, ikaw kaya iyun! Napanood ko ang mga nangyari sa Kalyeserye kanina. Matatapos na iyung segment ninyo pero tagos hanggang bone marrow ang kilig mo! 😂
Ano pa bang bago dun? Lagi naman eh. 😆
LUH. GUMAGANYAN KA NA HA! IBA TALAGA KAPAG IN LOVE. 😍
Paps, humanap ka na kasi ng love life mo para hindi ka na masyadong apektado sa mga ganap sa buhay ko. Andiyan naman si Valeen oh. Try mong magmakaawa na sagutin ka niya. 😂
'WAG MONG IBAHIN ANG USAPAN. HINDI PA AKO TAPOS, BABY BOY! 😒
Bakit na naman?!? Teka. Itigil mo nga iyan! Kilabutan ka naman. Si Menggay lang ang pwedeng tumawag sa akin niyan. 😒
OH EH DI KAYO NA! 😒
Kami na nga! 😂
K. Kaya pala todo ang dikit ka kay Meng no? Parang naka-mighty bond eh! Kahit on air, harot to the max! 😏
Hindi ko alam sinasabi mo. Basta ang alam ko, masaya kami. 😌
'Wag ako, Papi Alden! Sinisiksik ka ng throw pillow?!? THROW PILLOW?!?! Huwaw! Ang lawak kaya ng couch. 😏
K.
Yang tataa? Bakit hindi mo kinandong si Meng? Dun naman mauuwi iyung ginagawa niyo eh. 😉
Kandong lang? Nako, hindi lang dun nauuwi ang ginagawa namin. 😉
AYAN. AYAN OH! NANG-AANO KA TALAGA EH! 😒
Ano ba, Je? 🙄 Sa tingin mo, paano namin ginawa ang magiging anak namin?
ASHLFEIXHSKSLWOD
HUY! UMAYOS KA. BAKA HIMATIYIN KA NA NAMAN! MAY SPS PA TAYO BUKAS! 😂
Bwiset ka! Mamatay na talaga ako dahil sa kilig! Bakit ka ganyan? BAKIT KA GANYAAANNNN?!?
Ang drama mo! 🙄
Grabe kaya kayo! Kung magtinginan kayo, parang kayo lang ang tao! Respeto naman kina kuya Jose at sa mga nanonood! Mahina na ang puso namin! 😩😭
Ewan ko sa iyo. Tapos ka na ba? 😒
Ha? Teka lang. May binabalikan lang ako.
Sino? 👀 Alam ba ni Valeen ito? Nag-move on ka na ba agad?
Ang OA mo, Papi Alden ha! May ni-replay lang ako dun sa segment niyo! May hindi kasi ako gets eh.
Oh. Ano iyun? Iyung ending? Babalik pa ang KS, don't worry. 😉
Hindi iyun! 😅
BINABASA MO ANG
#SquadGoals
FanficA collection of short conversations, text messages, and tweets between Richard Faulkerson Jr. (Alden Richards) and his friends.