Chapter 30 - Damit

1K 65 3
                                        


24 July 2016

(Text Messages from Jose Manalo to Alden Richards)

Alden!

Yes, Kuya Jose?

Naghihirap na ba si Maine?

Hindi po. Ang dami na rin pong ipon ni Menggay. Saan niyo po ba nakuha ang tanong niyo?😂

May problema ba si Maine?

Po? Bakit po? Okay lang ba siya? May sinabi po ba siya? Wala naman siyang nabanggit kanina.

Ah. Baka iba nga iyun. Ano...busy ba si Liz Uy at iyung team niya?

Ha? Hindi ko po alam. 😅 Balak niyo po bang magpa-style sa kanya? May event po ba kayong pupuntahan? Kung sa kasal po namin ito, ako na po bahala sa damit niyo.

Hindi. Hindi iyun. Iba ito eh.

Ha? Ano po ba iyun?

Nanakawan ba siya ng damit?

Po?!? Paano niyo po nasabi iyan? Nilooban ba condo niya? Bakit wala siyang sinasabi sa akin?!?

Kalma lang, Alden! Ito naman. Nagtatanong lang ako.

Kuya Jose, nakakakaba kasi iyung mga sinasabi niyo. Ano po bang nangyayari?

May napansin lang kasi ako. Teka, nasunugan ba sina Meng?

PO?!? 😱 Nasa balita na po ba ito? Bakit normal lang ang mga text niya? Okay lang ba sina Tito at Tita? Sina Dean?

...

Kuya Jose?

...

Kuya Jose! Tatawagan ko na ba si Menggay? UUWI NA AKO, KUYA JOSE.

Sandali, nag-iisip kasi ako! Atat ka. Baka hindi naman ganun.🤔

Hindi ko na po alam ang nangyayari. Ano po bang meron? 😶

Tanghaling tapat kasi ang dami kong nakikita na mga litrato sa twitter. Hindi ba kayo naiilang?

Ho? Saan po? Hindi ko po kayo maintindihan. Wala po ba kayo sa SPS?

Nasa SPS ako pero hindi ko pa segment. Hindi kasi ako makatulog. Kagabi ko pa ito iniisip eh.

Ang alin po? 😅

Iisa lang ba ang damit ninyo?

Po? Paano niyo naman po nasabi iyan?

Eh iyung mga nakita ko ngang litrato. Parehong pareho sa suot mo eh. Tulad na lang nung jacket na suot niya nung pumunta siya sa Klownz.

Ah. Minsan po kasi hinihiram niya mga damit ko. Lalo na po kapag nagsle-sleepover siya sa bahay. May damit din kasi ako sa condo niya.

Ah. Akala ko, namimigay ka na ng damit mo.

Nako, hindi po. 😂

Kasi...kung sakali...

Po?

Kasi, alam mo naman, mas nakakaluwag luwag ka. Kaya ayun.

Hindi ko po alam. 😅😅😅

Eh. Alam mo na iyun! Ito naman. Hindi naman ako pihikan eh.

...

Basta iyung medyo bago lang, okay na talaga sa akin. Kahit ano lang.

...

Kahit rubber shoes o 'di kaya polo, pwede na sa akin. Ay pwede rin iyung ine-endorse mong relo. Rolex ba iyun? Okay na iyun.

Hindi po, Techno Marine po. 😅

Oo nga, Rolex. Ano bang sabi ko?

...

Alam mo, totoo talaga ang sabi nila eh.

...ang alin po?

Iyung share your blessings. Kasi, kung marami kang natatanggap na biyaya, dapat ipinapamahagi mo iyung kung ano man ang meron ka. Hindi ba?

Uh...

Kasi, isipin mo, hindi lahat kayang bumili ng mga simpleng gamit! Ako nga, nung kabataan ko, talagang nagtitiis lang kami ng pamilya ko sa kung ano ang kitain ng tatay ko. Hindi pa kasi ako artista nun kaya halos wala talaga kaming kitain.

...

Dumating lang talaga sa point na...nakaluwag luwag pero kulang pa rin. Kasi may mga anak akong nag-aaral. May mga kapatid at kamag-anak akong tinutulungan.

...

Kaya...kaya minsan wala na talagang natitira sa akin. Kaya lubos ang pasasalamat ko dun sa mga hindi talaga nakakalimot. Kahit ano lang ibigay sa akin, tinatanaw ko talagang utang na loob.

...

Malaki naman ang balik talaga kung sobrang mapagbigay ka. Hindi ba?

...

Kaya ayun. Gusto ko lang kahit gamit na nga, basta once lang naisuot, pwede na sa akin. Syempre, dapat nasa size ko. Kasi paano naman kung mas malaki ang size 'di ba? Hehehe.

...

Alden? Andiyan ka pa ba? Dapat nililista mo lahat ito.

Kuya, magsta-start na ang Twitter Q & A ko. Sorry, mamaya na lang po ulit.

Sige, magte-text na lang ako ng mga gusto ko. Salamat ah. 😏

***

A/N: Thank you for reading #SquadGoals! :)

#SquadGoalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon