06 July 2016 (8:00 AM)(Text Messages from Mama Ten to Alden Richards)
Nak, gising na.
...
Gising na.
....
Nak, gising na baka tumawag si Meng.
...
Nak, tama na iyang tampo tampo mo.
...
Susmaryosep, RJ! Gising na at nasa baba na iyung gusto mo na mansanas.
Iyung green?
Oo! Ang hirap hirap hanapin niyan ah. Nakakaloka kang bata ka. Madaling araw mo ba naman ako paghanapin?
Eh. Ayaw ko na niyan.
....
...
Anong sabi mo?
Ayaw ko na niyan. Pwedeng saging na saba na lang? Idi-dip ko sa chocolate iyung saging.
Ano?
Pabili ng saging na saba at chocolate syrup, 'Ma. Ayaw ko na ng mansanas.
So, ayaw mo ng kainin itong mga mansanas?
Ayaw ko na nga.
AY WOW LANG RICHARD FAULKERSON JR.! ALAM MO BA KUNG ILANG CONVENIENCE STORE AT TINDAHAN ANG SINUGOD KO PARA MAHANAP IYAN?!
Uh...
ALAS TRES NG UMAGA MO AKO GINISING! ALAS TRES! SIRANG SIRA ANG BEAUTY SLEEP KO! TAPOS PINALABAS MO AKO NG BAHAY PARA MAGHANAP NG MANSANAS! MANSANAS NA KULAY BERDE!
Eh kasi...
PUMAYAG AKO KASI GANUN TALAGA. WALA PA NAMAN SI MENG PARA DAMAYAN KA.
*sigh*
PERO JUSKO. PARA AKONG TRUMPO NA UMIKOT SA LAGUNA, KAKAHANAP LANG NG MANSANAS!
Gusto ko kasi kanina ng berdeng mansanas. 😅
...
Uy, 'Ma! 'Wag ka ng mainis. Alam mo naman kung bakit ganito...
Oo na! Lagi naman kaming kawawa ni Leysam!
...
...
...
Pero, 'Ma. Bili ka na please. Nagugutom na ako eh.
Hay. Ikaw bata ka, wala talaga.
Mama Ten...
Ito na. Ito na. Lalabas na ako para bumili oh.
***
06 July 2016 (9:00 PM)
It was a long day. Mama Ten was dead tired. All she wanted to do was go to bed and have her much needed beauty rest.
"Gusto ko pero hindi ko magawa dahil kay RJ," she sighed, shaking her head. "Bakasyon nga pero pagod na pagod ako. Daig ko pa ang may pasok ngayong araw."
She went into his room and found Alden sprawled facedown on his bed. He was still wearing the clothes he wore last night.
"Nak, kumain ka na ba?"
Alden nodded and turned to her. "Oo, Ma. Kanina pa. Nagluto na lang ako ng tuna na nakita ko sa ref. Nilagyan ko na lang ng mayonnaise at ketchup."
She took a breath, silently counting to ten before responding. "Ah, nakita mo ba iyung mga pinabili mo? Nilagay ko lang sa may sala kanina."
"Ay, hindi. Ayaw ko na nga nun, 'Ma. Iba na lang gusto ko."
"Oo nga. Ito na, bumili na ako ng durian na bagong pitas. Nag-byahe pa ako sa isang farm! Alam mo ba na nagmakaawa pa ako para lang ibenta sa akin iyung durian?!?"
"Ma..."
"Tapos talagang binigyan ko pa siya ng tip kasi bawal daw talagang pumitas sa puno! May nakahiwalay daw talaga na binibenta sila..."
"Ma..."
"Eh kaso gusto mong bagong pitas kaya pinilit ko siya. Susmaryosep. Gamit na gamit ang kabaitan ko kasi bawal akong magwala."
"MA!"
"ANO IYUN?!?"
"Ayoko na ng durian eh. Naalala ko si Kuya Jose. 'Wag na lang pala..."
Mama Ten's eyes widened and her mouth dropped.
Lintek na batang ito. Pabalik balik na ako sa supermarket! Kilalang kilala na ako ng cashier. Pumunta pa ako ng farm! Naka-ilang photo op na sa akin ang mga tao. Tapos, hindi niya pa rin gusto iyung dala ko?!?
"Ano...gusto ko 'Ma ng chocolates. Ubos na iyung binili namin ni Menggay sa Italy."
"..."
"Ang takaw kasi nina Rizza! Inubos lahat. Gusto ko pa naman iyung may mint sa gitna."
"..."
"Bili mo naman ako nun. Saka ano..."
"..."
"Masarap din pala iyung dynamite! Iyung kinakain lagi ni Mengay? Bili mo rin ako nun 'Ma."
A vein popped up in Mama Ten's forehead.
Susmaryosep itong si Richard Faulkerson Jr.! Malapit ko na siyang bigwasan. Isa na lang...Isa na lang talaga! Mahal ko kayo ni Meng pero...abuso na talaga ito. Jusko. Meng, umuwi ka na kasi! Iiyak na ako dugo!
Alden rolled on to his back. "Ay, iyung ano rin pala...iyung kwek kwek? Gusto ko ng ganun na bagong luto! Bili mo rin ako! Iyun lang tapos okay na ako. Salamat, Mama Ten!"
Mama Ten opened her mouth to berate him but stopped when she heard the shrill ring of his cell phone.
Meng, baka naman...ikaw na sana iyan. Sige na naman oh. Tumawag ka na.
Alden grabbed his phone from the nightstand. "Uy! Si Menggay tumatawag."
Mama Ten breathed a sigh of relief. "Nak, tulog na ako ah? Bukas na lang ako bibili ng gusto mo."
"Sige na, 'Ma. Magfa-facetime pa kami."
Mama Ten just shook her head and quietly left the room.
Finally, tumawag na rin ang betterhalf niya. Makakatulog na rin ako. Thank you, Lord! Ilang buwan na lang...ilang buwan ko pa itong titiisin. Huhu
***
A/N:
Hi guys! I don't know how to say this but...I really appreciate all your comments. Thank you for reading #SquadGoals! :)
BINABASA MO ANG
#SquadGoals
FanficA collection of short conversations, text messages, and tweets between Richard Faulkerson Jr. (Alden Richards) and his friends.