Chapter 14 - Cravings

1.8K 145 59
                                    

04 July 2016

"Susmaryosep naman, araw araw na ba akong makakatanggap ng maraming text messages?" Alden sighed, unlocking his phone and checking the unread messages.

Jerald: Huli na naman ako sa balita! Bakit laging ganito? Ano bang ginawa kong masama sa inyo? Labas pasok na nga ako sa hospital eh. Babalik na naman ako dahil sa inyo!

Mama Ten: Nak, may gusto ka bang kainin? Prutas? Chocolates? Sopas? Text mo ako agad para mabili ko na mamaya bago tayo umuwi.

Bossing Vic: Nauna ka pa talaga ah! Dapat ako muna mauna eh. 'De, joke lang! Haha Saludo rin ako sa bilis at tapong mo, Alden. Nakausap mo na ba mga magulang ni Maine?

Leysam: Nag-check ako sa internet, bawal daw masyadong ma-stress. Hinay hinay lang ah? Ayusin ko ang sched niyo. Hindi na pwede ang masyadong lagari.

Kristoffer Martin (Tuns): Hindi pa tapos ang taon, ang dami ng nangyayari sa inyo! Congratulations, brader! Masayang masaya ako para sa iyo!

Kuya Ryan: Isinaksak, hinarangan, tinamaan, tinawagan ng referee pero pasok pa rin! Sapul na sapul! Ayaw mo na talagang makawala si Maine ah! Hindi ko inakala na ganito kaaga. Good luck sa iyo, Alden! Tandaan mo lang na it will be worth it in the end. Take it from me.

Unknown Number: Alden, Iya Villania-Arellano here! I got your number from Kuya Bitoy. Congratulations! Halos magkasunod pala! Can't wait to see you guys! :)

Tito Joey: Kaya pala sobrang close niyo! Dapat talaga mas masdan ang kilos niyong dalawa! Tandaan niyo lang na ang mahalaga ay nagkakaintindihan kayong dalawa. Congratulations! Yeah, yeah, yeah!

Ms. A: AYYYYYYY! Nagulat ako sa inyo! Sobrang nakaka-kilig. Kung kasama ko lang kayo, sigurado akong kitang kita ang saya sa mga mukha niyo! Congrats!

Kuya Wally: Iba talaga ang depinisyon niyo ng tamang panahon no? Oh siya, congratulations pa rin. Basta alam niyo na. Kasama dapat ako sa listahan ng mga kukunin niyo ah!

Daddy: Nak, pati ba naman kami hindi mo io-orient? Bigla na lang namin nalaman! Halos atakihin ako sa puso. Belated Happy Birthday talaga ito para sa akin!

Jerald: Paps, hindi ko pala nasabi kanina. Sabihin mo kapag may kailangan ka ah. Hindi pwedeng maging bugnutin ka kapag Linggo dahil ako ang kawawa. Sabihan ko na ba sina Direk para aware sila?

Paulene Luna-Sotto: Alden, we heard the news. We're both surprised but we're really happy for you guys! Can you let me know what you want? Ipapasabay ko ng bili kay Manang then I'll have someone send it over to your house or condo.

Sam YG: I'm so excited, and I just can't hide it! I'm about to lose control and I think I like it! Woot woot! Congratulations, Papi Alden! Kaya pala beastmode ka kahapon. Haha

Tito Sen: Iba talaga ang bata namin! Tawa ako ng tawa nung nalaman ko! Ini-invite na namin ang sarili naman para sa engrandeng selebrasyon next year!

Kuya Jose: Ikaw...ikaw kasalanan mo ito eh. Ilang araw na akong nahihilo bago magsimula ang Sugod Bahay. Ikaw pala ang salarin! Nahahawa ako eh. Ay! Saka iyung isusuot ko pala. Baka naman...

Nanay Mary Anne: RJ...I think we deserve an explanation and an acceptable reason. Kailan ito nangyari? Pinipigilan ko lang ang Tito Teddy mo pero muntik ka na niyang sugurin kanina. Kakausapin muna namin si Menggay.

Maine Mendoza (love): Bakit ang daming nagpapadala ng prutas sa bahay at condo? May sakit ka ba? May nagkakalat na naman ba ng maling balita? Kanina pa nakatingin sina Tatay sa akin! Parang galit.

Argh. Sino na naman ito? Bibigwasan ko na talaga!

"Lagi na lang akong huli sa balita...buti sana kung totoo," Alden muttered to himself as he went inside his car. "Kaya ayokong nagsasalita eh. Kaso hindi ko na talaga mapigilan..."

Itong batang ito. Kung anu-ano na naman ang sinasabi. Tanungin ko na nga. Baka makasama pa kapag hindi napagbigyan. Mama Ten thought to herself as she followed Alden inside his car with Leysam close behind them.

"Psst, Nak."

Alden remained silent.

"Huy, nak!"

He received no response.

"Hoy, Richard Faulkerson Jr.! Kanina pa kita tinatawag!"

Alden turned to him and asked. "Oh, bakit? Grabe siya. Talagang sumusigaw ka pa, Ma!"

Mama Ten sighed. Ay. Wow lang. Ako na naman ang may kasalanan. Nagtatanong lang, ako pa pagbabalingnan ng inis. Pero, teka. Ganun nga pala talaga. Kailangan masanay na ako!

She took a deep breathe before addressing him again.

"Ano kasi, nak. May problema ka ba? Masamang ma-stress. Alam mo naman iyan."

"Eh, kasi naman. May nagkakalat na naman ng balita! Ang daming nagte-text sa akin," Alden said. "Nagtatanong kung ano gusto kong kainin at iyung selebrasyon daw next year!"

Mama Ten gulped, realizing what he was referring to. "Hindi ba....hindi ba totoo iyun?"

"Ang alin?"

"Iyung cravings cravings...may nakita kasi akong article."

Alden's eyes widened. "Eh bakit nila ako kino-congratulate? Masama bang magka-cravings?"

Nak, ang sungit mo. Nak, nagtatanong lang ako. Nak, kalma ka lang. Nak, masama iyan sa ano...

"Eh, sino ba ang may cravings?"

"Ako nga! Ang gulo naman. Ano bang ibig mong sabihin, Ma?" Alden asked exasperatedly.

Leysam sighed. "Ang sinasabi kasi ni Mama Ten...ikaw ang may cravings...dahil buntis si Meng. Ganun daw iyun minsan sabi sa internet."

"What?! You, you...joke ba iyan!?!" Alden sputtered an angry protest. "Saan mo nakuha ang balitang iyan?"

"Kay Mama Ten," Leysam said before turning to Mama Ten. "Ma, saan mo nga nakita iyun?"

Nako. Nako. Nako. Patay talaga ako dito. Wala pa naman akong tataguan dito! Susmaryosep.

"Huy, Mama Ten. Hindi ba ikaw ang nagsabi sa mga tao nun? Nagpatulong ka pa nga sa akin na magkalat ng balita," Leysam continued.

Wala na. Lintek na Leysam, nilaglag pa talaga ako. Todo na talaga ang galit ng batang ito sa akin. Susmaryosep talaga.

"Ha? Eh? Kuya, baba mo na ako diyan sa tabi. Mauna na kayo..." Mama Ten trailed off when she noticed Alden's scowl.

"Mama Ten..."

"Nak?"

"Hindi buntis si Meng! Kaya pala ang daming nagpapadala sa akin ng text! Muntik ko ng bigwasan si Sam. Akala ko siya na naman eh!"

Ito na. Diyos ko, mahal naman ako ni RJ no? Hindi naman niya ako papatayin 'di ba? Ay! Mahal din ako ni Meng! Kaya kailangan kong kumalma. Malay ko ba na ibang cravings iyun?!?

"Sorry na, nak," she said defeatedly. "Hindi ko naman sinasadya. Akala ko iyun na iyun eh..."

"Hay, Mama Ten naman eh. Pakibawi na lang sa kanila iyung announcement. Baka biglang mag-expect sila..."

"Sure ka bang hindi totoo?" Leysam interjected. "Kasi pansin ko parang..."

Alden's eyes widened and his eyebrows furrowed. Teka lang...

***

Author's Note:

Thank you guys for continuing to read #SquadGoals!

Thank you for the info,  ciarinG17! Alam mo na ngayon kung bakit ako nagtatanong nung isang araw. Hahaha

#SquadGoalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon