Chapter 31 - Pasalubong

1.1K 75 7
                                    


25 July 2016

(Text Messages to Alden Richards)

Leysam: You're too generous! Ang daming nag-text sa akin. Nagpapasalamat sa iyo. Iba ka, Alden. Gaano na ba kalaki ang ipon mo at talagang todo bigay ka? Haha

Kristoffer Martin (Tuns): Brader! Buti nakarating sa akin ang balita. Alam mo na naman gusto ko, ikaw na bahala ah. Bigay mo na lang sa akin kapag nagkita tayo. Salamat! Ay wait...kung may mabibili kang something something na pwede kong ibigay kay Joyce ah.

Barbie Forteza: Nakakaloka ka! Narinig mo ba ang boses ni Kris Aquino? Haha Uy, grabe ka talaga. Wala naman akong gusto. Kahit chocolates na lang. Kahit sa Sunday mo na lang ibigay. Salamat!

Jerald Napoles: Iba talaga kapag in love! Papi Alden, hindi naman ako choosy kaya kahit T-shirt lang, chocolates, at sapatos, okay na sa akin. Joke lang! Ikaw na bahala! Alam mo naman gusto ko. Basta, isipin mo, magbibigay ka sa best friend mo na kakalabas lang ng hospital.

Kuya Ryan: Aba, buti natanggap namin ang text! Chocolates lang para sa misis ko, okay na sa akin. Mas mabuti ang makauwi ka na agad dahil miss ka na ni Meng. Kinilig ka no? Pag-ibig nga naman.

Kuya Wally: Alden. Alden. Alden. Alam mo na ah. Damihan mo na kasi para may ma-share naman ako sa barangay.

Sam YG: Nakakahiya na tuloy dumikit sa iyo! Ibang level ka eh. Gumaganito ka na! Hahaha Paps, chocolates lang, sapat na. Basta, sobrahan mo ah. Balak kong magbigay kay Pat. Alam mo na, medyo gipit ako ngayon. Hehe.

Tito Sen: Ibang klase nga naman ang bata namin! Okay na kami nina Vic, dala ka na lang ng kahit ano para sa lahat ng Dabarkads. Chocolates siguro pero damihan mo dahil alam mo namang hindi tumatagal ang pagkain sa host room! Hahaha

Mama Ten: Ikaw bata ka! Hindi mo man lang ako sinabihan agad. Si Leysam lang nagsabi sa akin. Ano? Ngayon lang ako bibili ng suitcase? Wow lang. Bakit kasi lahat gusto mong bigyan? Hayy nako. Aalis na muna ako para bumili ng kung anu-ano. May bilin ka ba? Text mo na lang ako.

Pauleen Luna-Sotto: Wow, Alden. Nakakahiya naman. Sa lahat mo talaga inoffer. Ano lang...parang gusto ko ng bak kwa. Iyung Singaporean sliced pork? Ikaw na bahala kung gaano karami. Maraming salamat!

Miss A: Alden, sana sinabi mo agad para nakapagpadala ako ng pera! Marami pa namang request sa akin na rubber shoes. Ano na lang sa akin...iyung mga handicrafts? Merlion, Buddha o iyung mga dolls nila. Salamat ah!

Maine Mendoza (love): RJ, akala ko ba nagtitipid kaaaaaa? Sana sinabi mo agad sa akin. :( Ang dami ko pa namang gusto. Oh well. Iforward ko na lang sa iyo pictures nung gusto ko tapos bilhin mo ah? Pasama ka na lang kay Ate April para hindi ka magkamali. Love you!

Susmaryosep. Here we go again. Sino na naman nagkakalat ng maling balita?

Alden scrolled through his messages again until he found the oldest unread message.

Kuya Jose: Alden, pigil na pigil na talaga ako. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko masabi. Gusto ko talaga kayong bigyan ng privacy eh.

Kuya Jose: Alam mo, kausap ko si Meng kanina. Iba daw ang lasa ng chocolates diyan sa Singapore. Baka naman...

Kuya Jose: Nagtataka talaga ako na hindi ka pa nagtatanong sa akin kung ano ang gusto kong pasalubong. 'Di bale, ako na magtatanong para sa iyo. Send ko na lang sa lahat ah? Ikaw na bahala. Tutal, nakakaluwag luwag ka naman.  😉

Hayy. Wala na naman akong choice. 😩

***

A/N: Hindi talaga titigil si Jose. HAHAHA

#SquadGoalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon