22 July 2016
(Text Messages from Sam YG to Alden Richards)
Ang sarap talagang magmahal no? 😍 *sigh*
Oo naman. 😉
Lalo na kapag mahal ka rin ng mahal mo 'di ba?
Yes.
Iba talaga eh. Hindi mo talaga mapipigilan ang sarili mo na ngumiti kapag nakikita mo siya.
Yup.
Kung magkasama naman kayo, hindi mo mapipigilan ang sarili mong lapitan o yakapin siya.
Sí.
Sa totoo lang, iba talaga ang nagagawa ng tunay na pag-ibig no? Kaya hindi talaga kita masisi kapag bigla na lang lumalabas. 😏
Ye...ano na naman iyang lumalabas? 🙄
Iyung feelings! Ikaw ha, anong naisip mo? 😏😂
Weh. 'Wag ako, Sam. 'Wag ako.
Ay, grabe siya oh. Nagtatanong lang ako ng maayos eh.
Para ka kayang ano.
Alam mo, may naisip pa pala ako habang nanonood ng Eat Bulaga kanina.
Talaga? Anong naisip mo? 😒
Kung pababayaan lang kayong maglambingan habang on air kayo, baka hindi na pwedeng manood ang mga bata.
...
Grabe kanina eh! Halos mag-walling ako sa sobrang intense ng eksena. Ramdam ko iyung gigil ninyo sa isa't isa. *fans self*
Ang OA mo ha! 🙄
Seryoso, Papi Alden. The whole time I was watching you guys, I was thinking: Huy, maghunos dili kayo! May mga batang nanonood! Mamaya na ang harot!
Uhuh. 🙄
Tapos iyung isang eksena, todo dikit iyung mukha ninyo. Yang tataa? Hindi pa ba kayo napagod kagabi? 😅
...
Ewan ko ba. Para-paraan kayong dalawa eh. Hindi naman kailangan buhatin pero binuhat. Hindi naman dapat malapit pero halos magkapalit na kayo ng mukha.
...
Ano kayo...Kunyari, aktingan. Kunyari, nasa script. Pero, ang totoo, naglalandian lang naman talaga kayo. 😏😂
Ewan ko sa iyo. Basta masaya ako.
Kayo na! Masaya kayo. Nagmamahalan kayo. Ikakasal na kayo. Magkaka-...oops.
K.
Grabe ka talaga sa akin. Alam mo bang may pinagdadaanan ako ngayon?!? 😭
Hindi nga?
Oo!
Ano namang pinagdadaanan mo?
Eh kasi...
Kasi ano?
Hindi ko pa nakikita iyung 6 takes!
Ha?
...
Teka. Iyung sa pelikula namin?
Oo! Late ko na nga nalaman, hindi ko pa nakita iyung ibang takes. 😩
'Wag ka ng umasa. For our eyes only lang iyun.
Buti pa si Direk Mike. 😥
Ewan ko sa iyo! 😂
Sige, tumawa lang. Ganyan ka naman lagi eh. Hindi ka nangsha-share sa akin. Talo na agad ako sa laglagan wars. 😔
Hala siya. 😅
Wait lang.
Oh?
Imo-move na ba sa November ang kasal? Bakit parang may something something sina Mike? Iyung boyfriend ni Coleen?
Ha? Anong something something? 😂
May post kasi siya sa twitter! Curious lang ako.
Ikaw ha. Stalker! 😂
Please lang. Ang stalker, pangit. Secret admirer ang tawag sa mga katulad kong pogi. 😌
😂😂😂
Ay.
😂😂😂
Sige, tuloy mo lang iyan.
Paps, ang benta mo talaga! HAHAHAHAHA
🙄
So, secret admirer ka nga ni Mike?!? 😂😂😂
Hoy! Excuse me. Ang dami kasing nagta-tag sa akin. Saka si Pat ang papakasalan ko no. 😏
Eh paano mangyayari iyun eh hindi nga kayo?
...
Sam?
...
Okay ka lang? 😅
HINDI! BASTOS KA, PAPI ALDEN! BASTOS KA SA FEELINGS KO!
Sasabihin ko sanang sorry kaso...gawain mo rin iyan noon eh. 😂
So, ano ito? Gantihan lang? Wow lang. Ang sakit, Papi Alden. Ang sakit sakit. Pinatay mo na lang sana ako.
Ang drama mo! Mas madrama ka pa sa akin. 😂
'Wag ka nga! Ngayon na nga lang ako makakahugot ng ganito eh.
Walang kwenta naman hugot mo! 😂 Bakit ba ang bagal bagal mo? Bahal ka, baka may ibang bumakod sa kanya. Ikaw rin.
🙃🔫
HAHAHAHA! Agad agad? After na lang ng wedding! 😂
Ehhhh. Paano ba kasi?
Ang alin? At talagang sa akin ka pa nagtatanong ng ganyan? 😂
Kasi na-experience mo na!
Na-experience mo na rin no! 🙄
Iba kasi iyun. Hindi ko naman mahal iyung mga babaeng iyun.
...
Iba si Pat eh.
...
Iba talaga siya.
...
Hoy, Alden! Bakit nawala ka agad?
Ah wala.
Weh? 😏
Wala lang nga! 😂
Nag-momol kayo no?
Ewan ko sa iyo.
Sabihin mo na kasiiiii! 😩🙏🏻
Fine! Sinend ko lang screenshot ng texts natin kay Pat.
😱
Ang bagal mo eh. Ako na kumilos for you. You're welcome, Paps! 😉
😱😱😱
Good luck! Tatawag daw siya! 😂 #revengeissweet
***
A/N: Hi everyone! Thank you so much for waiting. :)
BINABASA MO ANG
#SquadGoals
FanfictionA collection of short conversations, text messages, and tweets between Richard Faulkerson Jr. (Alden Richards) and his friends.