Bakit nagsosolo kayo kanina? Parang may sariling mundo na naman kayo eh. 😏
Ha? Anong nagsosolo? Hindi ko alam iyan sinasabi mo. 😂
Hoy, Papi Alden! 'Wag ako. May dressing room naman kayo pero dun mo pa rin siya dinala sa lungga mo! 😂
Ah. Marami kasing tao sa dressing room. Iyun lang iyun. Kung makagawa ka naman ng issue. 😅
Luh. Aminin mo na kasi. Binabakuran mo lang si Meng eh. 😏😂
K.
Okay lang iyan, Paps. Mahal na mahal ka naman nun. Hindi ka ipagpapalit sa ibang lalaki.
Alam ko. Papakasalan niya nga ako eh. 😏
Ay! Gumaganon. Iba ka na talaga, Papi Alden. Hindi ka na lang nilalamon ng kilig! Bumabanat ka na rin! I'm so proud of you! 😭👏🏻
Para kang ano. 😒
Pero may isang bagay na hindi pa rin nagbabago. 😂
Ano iyun?
Mula noon hanggang ngayon, ganun pa rin kayo! Kala mo hindi pa engaged! 😂
Please lang. Sabihin mo na para makatulog ka na.😑
Pabebe pa rin kayo! HAHAHAHA! Grabe, wala pa ring tagging na nagaganap? Alam naman ng lahat na tungkol sa iyo iyung tweet ni Meng eh. 😂
Susmaryosep, Sam. Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman. May EB pa mamaya. Alas tres na! 😒
Ehhhh. Mamaya na. Sabihin mo muna sa akin kung anong plano mo! Magre-reply ka ba kay Meng? Ila-like mo ba iyung tweet niya? Ano? Tell me, Papi Alden! 😩🙏🏻
'Wag ka na nga magulo! Good night na. 😑
Noooooo! Papi Alden, sandali lang. Hindi ako makakatulog nito eh. 😩
Sleeping pills lang ang sagot diyan. 😑
Luh. Sige na naman, Papi Alden. Please? Mabait ka naman 'di ba? Tingnan mo ito oh. Parang hindi ka makakabasag ng pinggan. 😂
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.