29 June 2016
(Text Messages from Direk Mike Tuviera to Alden Richards)
Alden, iba pala ang feeling ano?
Ng ano po, Direk? Ng in love (uunahan ko na po kayo)? Oo naman po! 😊💛
Ay, agree ako diyan. Pero hindi iyun ang tinutukoy ko. 😏
Po? Eh ano po iyun?
Iyung ano...
Ano po?
Iyung parang nagiging 'one with nature.'
Ano po? 😅
Iyung pakiramdam mo kapag naririnig mo iyung mga huni ng iba't ibang klase ng ibon. Tapos nakikita mo iyung mga bituin sa langit, Para bang mawawala iyung stress mo.
Ah! Ay, alam ko po iyan. Nung nakakaakyat pa pa po ako ng bundok, lagi ko po iyang nararamdaman. Relax na relax ako. Minsan nga, parang ayaw ko nang umalis dun sa bundok dahil para bang nakakalimutan ko ang mga problema ko dun.
Oo, tapos ang lamig ng simoy ng hangin. Fresh na fresh. Para bang dinuduyan ka no? Iba talaga eh. Kasi hindi mo mae-experience iyan sa Manila. Polluted na kasi iyung hangin! Haha
Tama, Direk. Medyo na-miss ko tuloy bigla ang mag-hike. Siguro, sa susunod na buwan kapag may free time ako, aakyat talaga ako ng bundok. Or the month after that. Bahala na kung ano iyung mangyari. Basta goal ko talaga iyung makaakyat uli ng bundok.
Pero mas maganda kapag malapit sa ilog o 'di kaya sa ano mang anyo ng tubig. Kasi kita mo iyung buwan no na nagre-reflect sa tubig no? 'Di ba? Ang gandang tanawin talaga nun!
Ay opo! Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag ganun. Nami-miss ko na po talagang umakyat ng bundok, Direk!
Kaso, sa totoo lang, may mas gaganda pa eh. Iyun ang iba talaga.
Ang alin po, Direk Mike? Kapag marami kang kasama? Kasi talagang iba nga kapag ganun. Mas masaya! Haha
Hindi eh.
Kapag mas challenging o 'di kaya mas malayo? Kasi pagdating mo sa tuktok, mare-realize mo na worth it iyung pagod mo. Kahit ilang araw ka pang nag-hike at natulog sa tent. Hehe.
Nako, hindi pa rin iyun.
Ha? Eh ano po iyun?
Okay. Makinig ka sa akin, Alden Richards ha?
Yes, Direk. Hindi naman po kailangan buong pangalan. 😅
Wala naman kasi sa dami ng kasama, sa layo ng pupuntahan, o sa tagal nilakbay mo eh. Hindi naman nagma-matter iyun sa uli. Alam iyung mas mahalaga? Iyung talagang iba ang mararamdaman mo?
Ano po iyun Direk?
Iba ang feeling kapag kasama mo iyung mahal mo. Isipin mo iyung babaeng nagpapasaya sa iyo. Iyung babeng gusto mong makasama habang buhay. Kasi hindi naman mahalaga kung nasaan kayo 'di ba? Basta magkasama kayo at nagkakaroon kayo ng oras para sa inyong dalawa. Ganoin. 😏
Ah...
Imagine mo iyung tipong nakahiga kayo sa isang kumot o blanket tapos nag-uusap lang kayo tungkol sa kung anu-ano. Chika chika lang pero ang sarap ng feeling. Kahit mababaw lang ang topic, kebs lang kasi magkasama naman kayo eh. 😌
Uhm...
Tapos, habang lumalalim iyung gabi, mapapatingin kayo sa langit. Mamasdan niyo iyung mga bituin at buwan na pagkaganda-ganda.Alam mo iyung susunod na mangyayari? 😏
BINABASA MO ANG
#SquadGoals
FanfictieA collection of short conversations, text messages, and tweets between Richard Faulkerson Jr. (Alden Richards) and his friends.