Chapter 54 - Encantadia

1K 80 9
                                    

29 August 2016

(Text Messages from Jose Manalo to Alden Richards)

Alden!

Yes po, Kuya Jose? 😊

Busy ka ba? May tanong kasi ako.

Ano po iyun? May problema po ba? 😊

Nag-text lang ako, may problema agad? Grabe ka sa akin, Alden! Tandaan mo. Artista ako! Hindi ako basta nagte-text sa kung sino-sino!

Hahaha! Sorry na, Kuya Jose! Nagulat lang po ako na bigla kayong nagtext. 😂

May problema ba tayo? Bakit parang bawal na kitang kamustahin? Iyan ang hirap sa mga tao eh. Magmamagandang-loob ka na nga, ikaw pa ang pinagdududahan na masama. 😔

Huy! Hindi naman po, Kuya! Okay lang naman po ako. Medyo pagod lang dahil nag-taping kami kanina. 😅

Okay ba ang mga katrabaho mo diyan? Hindi ka naman inaaway? Sabihin mo lang para mapabugbog natin kay Wally! 😂

Haha! Okay naman po. Nakatrabaho ko na naman po dati iyung ibang mga kasama ko sa Encantadia ngayon. 😄

Hmmm. Mabuti iyan. At least, kilala mo na ang mga nakakatrabaho mo.

Oo nga po. 😊

Nga pala, gaano ka katagal diyan? Ilang linggo ang appearance mo?

Po? 😅

Ilang episodes ba ang stint mo sa Encantadia?

Ahh. Hindi ko pa po sure pero hindi naman po ganun katagal. 😁

Malaki ba? 🤔

Po? Ang alin po? 😮

Iyung lugar kung saan kayo nagsho-shoot?

Ah. Opo. Outdoor po kasi iyung ibang scenes. Akala ko naman po kung ano! 😅

Alden.

Hmm? Yes po? 😊

Nahihiya kasi ako.

Bakit naman po? Sabihin niyo na po sa akin kuya! Okay lang.  😊

Mabait ka naman 'di ba?

Ha? Eh. Sabi ko nga po nung isang araw, kung mabait ka, hindi naman dapat sa iyo mangagaling iyun eh.

Oo nga pala. Mabait ka, Alden. Alam ko iyun kasi lagi kang handang tumulong sa akin. 😁

Ay. Oo naman po. Kung kaya ko naman po, wala naman pong problema.

Ayunnnnn. Ikaw nagsabi niyan ha? Hindi mo na pwedeng bawiin!

Hindi ko po babawin. Handa naman po talaga akong tumulong. Hahaha! 😂

Oh sige. Alam mo naman iyung sitwasyon ko 'di ba? Tuwing nandito nga kayo ni Mama Twenty, humihingi pa ako sa inyo ng kahit kaunting alam mo na para sa merienda ko. 😅

Ah. Opo. Pero...Teka. Parang alam ko na po ito. Ano po ba iyung request niyo? 😅

Baka naman pwede pagpasok mo bukas sa EB eh dalhan mo naman ako ng kahit ano lang. 😔

Anong kahit ano po? Pagkain? Padalhan ko po kayo sa barangay?

Ay. Hindi. May makakain naman kami dito. Saka nandito si Meng bukas. Iba na lang.

Ah sige. Ano po ba ang gusto niyo?

Kasi...malaking production ang Encantadia hindi ba?

Opo. Marami po kasi ang cast at talagang pinaghandaan po ang lahat. 😁

Ayun nga. Ibig sabihin, malaki rin ang sahod mo no?

Po? Ano po...sapat lang. Hindi naman po ganun kalaki kasi guest lang naman po ako. 😂

Nako, alam kong malaki ang sahod mo. Nagsabi na sa akin si Meng na pwede daw pambili ng sasakyan iyung kikitain mo!

Hindi po ah! Kulang po iyun kung sasakyan bibilhin ko. 😂

'Sus. Ang tinutukoy mo kasi Jaguar. Talagang kulang iyan kung iyun bibilhin mo! 😒

Grabe ka sa akin kuya. Ano na nga po ang request niyo? 😅

Ito na nga. Kanina mo pa ako pinipigilan eh!

Haha! Sige, Kuya Jose. Hindi muna ako magre-reply. Hintayin ko po ang text niyo. 😂

Dahil malaki iyung kikitain mo diyan, baka naman pwedeng bigyan mo ako ng kahit 5k?

...

O 'di kaya kahit magkano lang ang abot mo sa akin. Nakakaluwag-luwag ka naman 'di ba?

...

Saka malapit na kayong magsama ni Meng. Baka naman...

...

Alden! Nandiyan ka pa ba? Ito naman. Pahiramin mo na lang ako. Tapos, ilista mo sa tubig. Promise, magbabayad pa rin ako.

...

Teka. Magkasama ba kayo ni Meng? Magkasama kayo no? Wala na. Hindi na ako aasang magre-reply ka pa.

...

Malamang, kumakain ka na ng midnight snack mo. Bukas na lang ulit kita kakausapin ha? Salamat, Alden. 'Wag kayo masyadong magpagod ni Meng. May EB bukas!

***

A/N: Thank you for reading #SquadGoals! 😁

#SquadGoalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon