28 August 2016
At Sunday Pinasaya...
"Magandang magandang tanghali sa ating mga avid listeners!" Jerald Napoles began. "Ako ang inyong Papa Peter the better!"
"At ako naman ang inyong DJ na sasagot sa inyong hugot problems kung may love problem ka," Alden Richards said with a smile. "Just call me bae, DJ Bae."
"Kamusta ka, DJ Bae?"
"Masaya naman! Bakit? Ikaw?"
"Masaya rin syempre!" Jerald said with a laugh. "Pero feeling ko mas matutuwa ka ngayon dahil sa special caller of the Bae na tutulungan natin at bibigyan ng hugot advice."
"Teka. Teka, sandali. Parang nangyari na ito ah. Hindi niyo naman ako ino-orient!"
"Nako, DJ Bae. Kalma ka lang diyan! Sa ating special caller, tawag na!"
"Paano ako kakalma eh mukhang may paandar ka na naman? Baka si...ano na naman niyan!"
"Sino?" Jerald said with a wide grin.
"Basta! 'Wag ka nga! Alam mo na kung sino."
"Bakit hindi mo masabi? Teka. May important reminder pala ako para sa inyo, DJ Bae!"
"Ano iyun? Susmaryosep, ako kinakabahan sa iyo!" Alden lets out a nervous laugh.
"DJ Bae, pinapaalala ko lang ulit. DJ Bae ka ha?"
"Huy! Wait. Wait lang. Siya na ba iyang tumatawag?"
"Malalaman natin ngayon!" Jerald smirked before picking up the phone. "Hello?"
"Hello po!" a female voice calmly boomed from the speakers.
"Hoy! Teka sandali," Alden interrupted. "Kilala ko ang boses na iyan. Menggay ikaw ba iyan?"
The crowd screamed with excitement.
"Teka lang, DJ Bae! Masyado ka namang excited! Tatanungin ko muna kung taga-saan ang ating caller!"
"Hindi na! Alam kong taga-Laguna este Bulacan siya!"
"Ay! Ikaw ha! Gumaganyan ka na! Paalala ko lang ulit. DJ Bae ka!"
"Oo na," Alden said defensively. "Alam ko!"
"Pasensya na sa ating caller ha! Ito kasing si DJ Bae..."
"Ay, okay lang po. Tama naman po si DJ Bae."
"See!" Alden exclaimed. "Ano ka ngayon?"
"Tuwang tuwa ka naman!" Jerald said with a small smile. "Teka. Ano ngang pangalan mo ate?"
"Divina Ursula Bukbukova Smash po."
The crowd went wild.
"Divina...as in Maine Mendoza?" Jerald held his hand up, asking the crowd to quiet down.
"Yes po."
Alden stood up and slapped his hand on the table.
"Hindi na naman ako na-orient! Grabe talaga kayo!"
Jerald cleared his throat. "Okay, guys. Kalma muna tayo. DJ Bae, mag-hi ka muna sa ating caller."
"Hi, Maine!"
"Hi, DJ Bae," Maine said softly. "May hugot problem po kasi ako."
"Ah, talaga? Sige, sabihin mo sa amin and we'll do our best to help you."
"Hmm," Jerald said thoughtfully, staring directly at Alden.
"Ano na naman?"
"Wala lang, DJ Bae. Napansin ko lang na hindi ka nabulol..."
BINABASA MO ANG
#SquadGoals
FanfictionA collection of short conversations, text messages, and tweets between Richard Faulkerson Jr. (Alden Richards) and his friends.