28 August 2016
(Text Messages from Sam YG to Alden Richards)
Paps, ikaw na. 😏👏🏻
Ano na naman iyan? Nananahimik lang ako dito ha. 😑
Hindi ko inaakala! I'm so proud of you, Papi Alden! 👏🏻🙌🏻
Anong sinasabi mo diyan? 😒
Napapapikit ka ba sa sarap? 😏
Huy! Iyung utak mo talaga ha. Tama na iyaaaaan! 😳
Alam mo naman na kailangan kong mag-react kapag may mga banat kang ano eh. 😂
K. 🙄
Sino nga pala iyung kaganunan mo? 😏
Sira! Anong kaganunan?!?😒
Iyung kayakap! Bakit ano bang naisip mo? Iyung ka-ano mo no? 😏
Weh. 😒
Paps, oo nga pala! Ang galing galing mong mag-pole dancing kanina! Sobra ba ang practice mo? 😏
Ha? Hindi naman masyado. Sapat lang. 😅
Ahhh. Saan ka pala nag-practice? Sa gym? Sa studio? 🤔
Ah. Dalawang beses akong nag-practice sa studio. Hindi pwede sa gym eh. Masyadong maraming tao. 😅
Tapos? 😏
Anong tapos? 🙄
Saan ka pa nag-practice? Hindi naman pwedeng dalawang practice lang iyung mga ganyan eh. 😏
Ah. Nag-practice din ako sa bahay! 😂
Bakit? 😏
Syempre, ayokong mapahiya! Baka may magsabi na naman na lampa ako. 🙄
Hindi eh.
Anong hindi? 🙄
Iba talaga dahilan mo kung bakit todo practice ka. 😏
Oo na! Sabi kasi ni Menggay, manonood siya ng segment ko. Okay na? Iyan lang naman hinihintay mo 'di ba? 😒
Hmm. 🤔
Ano? Hindi ka pa ba tapos? 😑
May iniisip lang ako. 😆
Para kang ano. Sabihin mo na kung ano iyan. 🙄
Ano lang. May pole ka pala sa bahay? 😏
Ha? Anong pole? 😒
Iyung dancing pole! Sabi mo kasi kanina nag-practice ka sa bahay eh. 😅
Ah. Ay oo. May pole nga ako sa bahay. 😉
Teka. Seryoso ba ito?!? MAY POLE KA SA BAHAY?!? 😱
Oo nga! Ang kulit! 🙄
Teka. Sandali lang naman. Bakit walang ganun nung pumunta ko sa inyo last week?!? Kakalagay mo lang ba? 😆
Hindi ah. Hindi mo lang siguro napansin. Saka hindi na naman kailangan i-install iyun. 😂
Ha? Bakit? Hindi ba babagsak iyun? 😱
Hindi! Ako pa ba? Syempre, hindi ko naman hahayaan na may mangyaring masama. 😉
Teka. Bigla akong kinabahan. Anong klaseng pole ba iyan? Iyung portable? 😅
Iyung tao. 😉
Ha? HA? HA?!?
Si Menggay kasi eh. Siya na lang daw tutulong sa akin na mag-practice. Kaya hindi na ako bumili ng pole. 😅
...
Medyo last minute nga eh. Nung isang araw lang ako nakapag-practice ng todo. 😊
...
Kakauwi lang kasi ni Menggay 'di ba? Kaya ayun. Buti na lang talaga naging maayos iyung performance ko. May encore mamaya sa bahay namin. 😉
...
Sam? I mean, bahay ko ha. Wala pa kaming bahay ni Menggay. Kalma lang. 😁
...
Huy! Andiyan ka pa ba? 😂
...
Susmaryosep. Magsama nga kayo ni Je! Sinugod na naman siya sa hospital dahil nagtanong rin siya tungkol dito. 😆😂
***
A/N: I couldn't resist. 😂 Apologies for the grammar and spelling mistakes. 😅
BINABASA MO ANG
#SquadGoals
FanfictionA collection of short conversations, text messages, and tweets between Richard Faulkerson Jr. (Alden Richards) and his friends.