06 July 2016
(Text Messages from Jose Manalo to Alden Richards)
Alden
...
Alden Richards
...
RICHARD FAULKERSON JR.
...
Sumbong kita kay Meng!
...Yes, Kuya Jose? 😅
HAHAHAHAHA!
*sigh*
Kamusta bakasyon mo?
Okay naman po. Medyo malungkot kasi wala si Menggay.
Iyan na nga ba sinasabi ko eh. Bakit hindi ka pa kasi sumunod?
Eh kasi...alam niyo naman pong hindi ako masyadong nakakapag-bonding kina Daddy dahil sa trabaho.
Ay, oo nga. Maganda iyan. Spend time with your family muna. Sa susunod naman kasi, bubuo ka na rin ng sarili mong pamilya.
Kuya Jose naman! Haha
Oh? Bakit? Hindi ba totoo? Hindi ba't malapit na iyung ano? Iyung pangako mo pala ah!
Opo. Hindi ko po nakakalimutan. *sigh*
Maiba ako...Napanood ko iyung Sugod Bahay kanina! Nabili mo na ba iyung TV?
Yes, Kuya. Handa na iyung TV. Pinadala na namin sa Broadway.
Promise?
Opo, promise. 😅
Mabuti iyan na nakakatulong tayo sa nangangailangan! Hindi lang iyung puro sa atin lang ang kinikita natin. Dapat matuto tayong magbigay sa kapwa. Lalo na iyung sa walang wala. Hindi ba?
...Opo.
Kaya malapit talaga ang puso ko sa inyo eh. Alam kong lagi kayong nagbibigay sa kapwa. Kasi maganda talaga iyung ibinabahagi mo iyung binigay sa inyo ng Diyos. Tama ba ako?
...Opo.
Kaya nga may ipapaki-usap sana ako sa iyo.
Po? 😅
Maliit na bagay lang naman ito! 'Wag kang mag-alala. Ano lang talaga...medyo alam mo na. G na G. 😅
Ano po iyun?
Medyo nakakahiya lang talaga. Kasi, alam mo na. Iba naman ang kinikita namin. Minsan...minsan hindi naman talaga sapat.
Kuya Jose?
Kaya ito lang talaga iyung tulong na gusto ko sanang hilinging sa iyo.
Ano pong tulong?
Madali lang talaga ito. Hindi naman malaking pabor. Kailangan na kailangan ko lang talaga.
Ano nga po iyun? 😅
Napanood ko kasi nung isang araw sa 24 Oras.
Iyung alin po?
Iyung tungkol dun sa investments mo.
Ah. Tapos po?
Nakita ko iyung binili mong sasakyan. Ang ganda! Komportableng komportable talaga sa loob no?
Ay opo! Gustong gustong i-drive ni Menggay. Haha
Sana masubukan ko ring mag-drive niyan. :(
Po?
Alam mo ba, nung maliit pa ako, pangarap ko talagang magkaroon ng sasakyan na Jaguar. Hindi ko pinangarap na maging artista o 'di kaya singer kasi alam kong madali iyun eh. Sa gwapo kong ito? Sigurado na talaga ako. Kaso iyung Jaguar...
...
Pangarap ko talagang magkaroon ng ganun.
...
Iba kasi eh. Ang ganda gandang tingnan. Ang sarap imaneho.
...
Kuya, ano nga po iyung request niyo?
Ayun na. Kakasabi ko lang.
Ang alin po?
Ito naman! Iyung ano nga...Jaguar. Baka naman kasi...alam mo na, malaki naman ang ipon mo. Baka naman pwedeng pagbigyan mo iyung simpleng hiling ko.
...
Maliit na bagay lang naman ito. Hindi naman bahay o kung ano. Jaguar lang talaga, sapat na sa akin.
...
Alden?
...
Huy! Asan ka?
....
Sorry, Kuya Jose! May emergency lang. Bye!
Sige, basta iyung paki-usap ko ha? Baka naman...
***
A/N: Hi everyone! This is inspired by today's Sugod Bahay episode. 😂

BINABASA MO ANG
#SquadGoals
FanfictionA collection of short conversations, text messages, and tweets between Richard Faulkerson Jr. (Alden Richards) and his friends.