09 July 2016
(Text Messages from Jose Manalo to Alden Richards)
Alden.
Yes, Kuya Jose?
Nasa byahe na ba kayo ni Meng? Papunta na kayo ng studio ng SPS?
Hindi po, nasa studio na po kami. Bakit po, Kuya?
May itatanong lang kasi sana ako.
Ah. Ano po iyun? Tungkol po ba ito sa nangyari kanina?
Pwedeng oo. Pwedeng hindi.
Ha?
May napansin kasi ako kanina.
...Ano po iyung napansin niyo?
Ang saya saya nung tres lola no? Nakakataba talaga ng puso iyung reaction nila dun sa binigay niyo ni Meng. Parang...parang ako naiiyak rin.
Ako nga rin po eh! Tuwang tuwa po ako sa reaksyon nila. Ramdam na ramdam po namin ni Menggay iyung saya nila. Nakakatuwa nga po iyung mga dala nilang magazines! 😊
Mabuti iyang ginagawa niyo. Talagang hindi kayo nakakalimot ni Meng. Nakakatuwa at nagbigay din siya ng mga bag sa kanila! Iba talaga iyung saya nila. Tagos na tagos.
Ay, opo! Nagulat nga rin po ako eh. Kaya pala pinasagot na sa akin iyung TV.
Nabanggit niya nga iyun. Ang saya saya saya ko talaga para sa kanila! Parang dream come true na talaga ito sa kanila na nakita kayo at nakasama. Tama ba?
...Opo.
Kaya sinasabi ko nga kanina kay Wally, tama na talaga na hinahangaan nila kayo. Kayo iyung ilan talaga sa mga artista na mapagbigay. Hindi mo na talaga kailangan sabihan, nagkukusa na lang talaga.
...
Buruin mo, may pasobre pa talaga kayo bukod sa tickets, TV, at bags? Bilib talaga ako sa kabaitan niyo. Saludo ako sa inyo! 👏🏻🙌🏻
Nako, maraming salamat po, Kuya Jose! Sapat na po sa amin ni Menggay na napasaya namin ang Tres Lolas. 😊
Oo, alam ko naman iyun. Pero alam mo iyung mas maganda?
Ano po?
Mas maganda iyung mas marami pa kayong matulungan at mapaligayang mga tao. Sa dami naman ng biyayang bigay ng Diyos na biyaya, hindi naman mahirap iyun no?
...
Hindi ba, Alden?
...Opo.
Maiba ako. Napag-isipin mo na ba iyung request ko nung isang araw? Iyung...alam mo na.
Po? Ano po iyun?
Ito naman! Iyung...ano...Jaguar. 'Di ba, nakwento ko sa iyo pangarap ko talaga simula bata ang magkaroon nun.
...
Alden?
...
Andiyan na ba si Meng? May sasabihin ako sa kanya. Ibubulgar ko mga sikreto mo. Iyung mga tanong mo tungkol sa kanya dati, malalaman na niya ngayon.
Kuya Jose!
Oh, ano?
Hindi po kasi kaya iyung Jaguar...alam niyo naman pong malapit na iyung ano. Tapos, next year, alam niyo naman po...
Hayy. Sige...kung hindi mo talaga matutupad ang pangarap ko, tanggap ko naman eh. Okay lang. Okay lang talaga.
Sorry, Kuya. Hehe.
May ibang hiling na lang ako.
Ano po iyun?
May iaabot sana ako sa iyo mamaya. Baka naman...
Po?
Kahit kaunting tulong lang naman. Maliit na bagay. Hindi naman ito Jaguar.
Ah. Pero ano po iyung iaabot niyo?
Alam mo na iyun...
Hindi po...ano po ba iyun?
Pumayag ka muna. Pangako, hindi ito malaking bagay. Isa lang iaabot ko sa iyo. Kahit ano lang. Basta makadagdag lang sa pangangailan ko.
Ha?
Papayag ka o papayag ka? Tandaan mo, alam ko ang sikreto mo. Malalaman ni Meng kung ano iyung mga ginawa mo para makuha ang number niya sa akin.
Sige po! Payag na ako. Ano po ba iyung iaabot niyo?
Sobre lang. Kahit magkano lang talaga ilagay mo.
...
Bukod pa ito dun sa mga isusuot ko ah.
...
Naisip ko kasi na kailangan ko rin magpaayos. Syempre, dapat hindi ako masyadong gwapo sa araw na iyun.
....
Tapos, kailangan ko rin ng sapatos.
...
Wala pa ako masyadong naiisip maliban dun pero pasobrahan mo na lang. Ikaw na bahala. 😉
😭
***
After three hours...
Kuya Jose: Alden, nawala pala sa isip ko. Iyung block screening na gusto mo, 'wag mong kalimutan ah. Pahiramin mo lang ako, ako na bahala sa lahat.
Kuya Jose: Maganda pala iyung sapatos mo, Alden...
Kuya Jose: Gaano ba kamahal iyung suot mo laging relo? Baka naman...
Kuya Jose: Alam mo, nasira iyung TV namin. Biglang nabasag. Magandang palitan ito ng mga 40 inches no? Para kitang kita ko talaga iyung pinapanood ko.
***
A/N: Jose is on a roll again. HAHAHA
BINABASA MO ANG
#SquadGoals
Fiksi PenggemarA collection of short conversations, text messages, and tweets between Richard Faulkerson Jr. (Alden Richards) and his friends.