02 January 2016 (AM)
(Text Messages from Jerald Napoles to Alden Richards)
Jerald: Paps, happy happy birthday! I labyu, twin brader! 😘😘😘
Alden: Thanks! 😊
Jerald: Ay. Wow lang. Nag-effort ako dun! Tapos thanks lang? T H A N K S Hindi man lang thank you? Anong klaseng tao ka? Ha? HA?
Alden: 🙄
Jerald: Paps, alam kong mas matanda ka sa akin pero respeto naman please. I'm still your twin! Si Daddy Bae na mismo ang nagsabi na ako ang nawawala niyang anak. 😭💔
Alden: Susmaryosep. Ayan ka na naman eh. Bagong taon na uy! Magbago ka na rin! Hu u ka sa akin kapag na-Oplan Tukhang ka dahil diyan sa mga kalokohan mo. 🙄
Jerald: Grabe siya oh. Nakita mo naman iyung photo nating tatlo 'di ba? Kitang-kita naman na may dugong Faulkerson ako. Kaya 'wag mo akong ginaganyan, Kuya Alden! 😏
Alden: Paps, alam mo, matulog ka na lang.
Grabe na kasi iyung ilusyon mo eh. Teka. Gusto mo dalhin na kita sa hospital? Samahan kita mamaya kung free ka.Jerald: Sige, ganyan ka ha...
Alden: Je, utang na loob. Matulog ka na. Ang gulo mo eh. May Eat Bulaga pa ako mamaya! 😒
Jerald: Ayoko! 😝 Hindi muna ako matulog. Na-miss kita eh. Saka gusto ko sanang ipaalala sa iyo...😏
Alden: Ang alin na naman? Iyung mga ano mo talaga eh. 😑
Jerald: Ito naman! Papaalala ko lang iyung party mo mamaya. 'Wag ka masyadong pa-late ha? Gusto ko kasing kumain ng maaga.
Jerald: Baka pala ma-late ako. Mamaya pa lang kasi ako bibili ng regalo. 😅✌
Alden: Huh? Anong party? Huyyyy, wala akong party mamaya. May lakad lang ako pero baka umuwi rin ako ng Laguna.
Jerald: Weh? Seryoso ka ba? HAHAHAHA Sabi kasi may party sa Concha's QC. mamaya. 😂
Jerald: Required nga kaming lahat na magbigay ng gift na worth 500 pesos or above. Tapos dapat daw isend sa kanya iyung picture nung regalo bago bilihin. Para sure daw na maganda. 😅
Alden: Ay huwwawwww. Sige, sabihin mo pa sa akin ang detalye ng 'surprise party' para sa akin. Sabihin mo na rin kung sino ang invited at kung ano regalo mo. Sagarin mo na. 🙄
Jerald: Papi Alden, masyado ka namang sensitive. Ganito na lang. Yayakapin na lang kita para maramdaman mo ang pagmamahal ko. 💛
Alden: Jusko. Kinilabutan ako dahil diyan. 😒
Alden: Teka. Sino ba nagsabi sa inyo na may party ako mamaya? Kausap ko si Menggay. Hindi pa naman cancelled iyung plano namin mamaya ah.
Jerald: Si Kuya Jose! Ang sabi niya, dalhin or ipa-deliver na lang sa isang address iyung mga regalo namin sa iyo. Siya na daw bahalang magbigay sa iyo. Basta bawal daw food kasi sagot mo daw iyun.
Alden: 😂😂😂
Alden: Paps, you do realize na inuuto kayo ni Kuya Jose? 😂 Nung huling beses ko siyang nakausap, nabanggit ko iyung lakad namin mamaya. #paano ako magpa-party kung nasa ibang lugar ako?
Alden: Saka alam mo naman na ayaw ko sa mga ganyan. 😅😂
Jerald: 😱😱😱 #shookdt
Alden: Anyway, matulog ka na, okay? Kausapin ko na lang mamaya si Kuya Jose. Haha
Jerald: Teka lang! *clings* Don't leave meeeeee! Kausapin mo pa ako. Hindi ako makatulog. 😣😭
Jerald: Hello? Paps naman! I'm your twin brother! Birthday ko rin ngayon. 😢😢😢
Jerald: Ay oh. Sige ka. Isusumbong kita kay Meng. Sasabihin ko na inaaway mo ako. Dali naaaaaaa.
Jerald: Please don't break my heart like this. Mag-reply ka na. 😭💔
Jerald: Nasaan ka ba? Pupuntahan na lang kita. Siguro naman...papansinin mo na ako kapag magkaharap na tayo. Yes? Or no? 😢
Maine: Je, pwede ba? Istorbo ka eh. Humahabol kami sa putukan kaya lubayan mo muna si RJ. 😒
Jerald: ASKKDXHAKSSZSA---£@!((♧°•▪》☆!
Alden: Je, kapit lang. On the way na iyung ambulance. 😂
***
A/N: I tried. I really missed writing #SquadGoals. Sorry, naging busy lang talaga sa realidad. 😅😂
Happy New Year everyone!
Also, Happy Birthday kay Alden! Siks
years old na siya today. 😊🎈🎂
BINABASA MO ANG
#SquadGoals
Fiksi PenggemarA collection of short conversations, text messages, and tweets between Richard Faulkerson Jr. (Alden Richards) and his friends.