Chapter 13 - The Shoot Out

1.4K 43 2
                                    

[A/N: Woooot! 2,000+ words! Kaloka itong chapter na ituuuu... Simula ng isang nakakalokang bakbakan! Kaka-excite! (灬ºωº灬) Sana magustuhan niyo... Salamat sa mga nagvo-vote at comment mga lovies! Hindi ako snob at nagre-reply naman po akowzxzxz... Hahaha!

Vote, Comment and Follow! Tsup!
(/≧3≦)/

~CeeCee♚

---


Third Person’s POV~

[Wednesday, 8:30 AM]



Isang maaliwalas na umaga ang ibinungad sa mga naninirahan hindi kalayuan sa Westfall University. May mga negosyanteng halos kabubukas pa lamang ng ng kanilang mga tindahan, habang ang ila’y malugod na hinahainan na ng umagahan ang kanilang mga nagaabang na kostumer.

Maingay na ‘rin ang mga kalye dahil sa mga motoristang nagmamadaling pumasok sa eskwelahan o opisina.

Just another weekday morning’ as they say, pero iyon ang akala nila.

Sa isang tahimik na kanto nakatayo ang isang kilalang bangko na medyo may kalakihan ang nasasakupan, ang ‘Wright Bank’

Wright Bank: The most trusted Bank in the Philippines; because you’ll never go wrong in Wright Bank.

Maagang nagsipasukan ang mga empleyado ng bangko, kabilang na rito ang tumatayong bagong branch manager. Kabababa lang nito sa bagong bili niyang asul na BMW at komposturang bumati sa kanyang mga empleyado.

Ngunit ang hindi alam ay may tatlong pares ng mga mata ang mariing binabantayan ang naturang sikat na bangko.

Lahat sila ay nakasuot ng full body armor upang pang-protekta sa sarili nila sa mga tama ng bala. Bitbit ang mga de-kalibreng baril gaya ng AK-47, M16 at Armalite, kargado ng daan-daang bala ng baril... ipinangako nila sa kanilang mga sarili na hinding-hindi sila magpapahuli sa pulis kahit ano ang mangyari.

Ikalawang Miyerkules ngayun ng buwan at gaya ng napag-alaman nila ay maglalabas ngayon ang bangkong ito ng milyon-milyong salapi upang dalhin sa Bangko Sentral ng Pilipinas... at ang milyon-milyong iyun ang puntirya ng mga kalalakihang ito.

“This is it, Pancit” naka-ngising biro ng isa sa kanila.

“Puta ka, Tsong! Ang dami mong alam!” sagot naman ng isa.

Rinig sa itim na tinted van na sinasakyan nila ang bangayan ng dalawa, habang seryosong sinisipat ng lider-lideran nila ang bangkong tatargetin nila.

“Ganun talaga tsong! Gwapo eh! Hahaha!”

“San banda tsong? Ni bahid ng ka-gwapuhan, hindi ka biniyayaan”

“Anong wa –”

“Tumahimik nga kayong mga kumag kayo! Isa pang imik ng walang kwenta pasasabugin ko na talaga mga bungo niyo!” gigil na pagbabanta ng lider nila.

“Eh, pa’no Boss, kinakabahan lang kami... B-Baka mahuli at makulong uli tayo nito kapag – ”

“Inutil! Walang makukulong ni isa sa’tin, wala!” pasigaw na sambit ng lider nila.

“O-opo Boss” sabay tungo ng dalawang kanina pang nag-iingay sa kanilang sasakyan.

“Humanda kayo, anu mang oras ay papasok na tayo” mariing sabi ng lider habang seryosong nakatitig sa bangko.

---

Habang sa kabilang banda...

Advance Drawing 210 Class, Westfall University

Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon