Chapter 19 - Solving the Mystery

1.1K 40 4
                                    

[A/N: Hiyeeee! Eto na ang ipinangako kong update na pambawi for this week!

Grabe nga yan! Mga 1980+ words toh wah, medyo mahaba-haba. Hihi pambawi talaga. ( ´ ▽ ' )ノ

Anyways, more twist and revelations to come, mga ka-TIR!

See you sa next update! Mwuah!
~PurpleCharmander]

---

Third Person’s POV~

“Hi, good morning Ma’am. Magde-deposit po?” tanong ng gwardiyang bumungad kay Yvonne pagpasok ng bangko.

“Uhm, actually no. I came to speak with Mrs. Carla Chua, is she here?” balik-tanong ni Yvonne sa gwardiya.

“Naku Ma’am, wait lang po ah? Upo po muna kayo” pag-aalok ng gwardiya na mariing tinanggihan ni Yvonne, “No, I’m good. Thanks” wika ng dalaga bilang tugon.

Nakangiting tinanguan naman siya ng gwardiya at mabilis na tumungo sa kalapit na office desk, ang bubungad bago makapasok sa opisina ng branch manager ng bangko, kung saan nakapwesto ang isang bagong empleyado at kinausap ito saglit bago bumalik sa dati nitong pwesto.

‘A new assistant, eh? Walang duda... Isa ‘to sa mga tauhan ng RPG’, isip-isip ni Yvonne at patagong napangisi, ‘Minsan nag-iisip din pala ang mga tukmol at pinababantayan na rin nila ang mga walang kamuwang-muwang nilang kaanak ngayon’

“Hi Ma’am, may I ask if you have an appointment with Mrs. Chua?” tanong ng bagong asisstant – slash – tauhan ng RPG kay Yvonne.

“No, I don’t –”

“I’m sorry Ma’am, but Mrs. Chua can’t see you if you don’t have any scheduled appointment with her –”

“Just alteast let her see me. I know she’ll recognize me once she sees me... Please, kahit bantayan at samahan mo pa ako” pakiusap ni Yvonne, showing her fake weak state.

Mataman naman siyang tinitigan ng empleyado, marahil nagdadalawang-isip pa kung papayagan o papaalisiin niya ang kanyang kaharap.

“I’m so–”

“What’s the commotion all about?”

Hindi na naituloy ng assistant ang sasambitin niya nang biglang lumabas si Carla ng kanyang opisina at nagtatakang lumapit sa kanila, “May problema ba dito? Fhaye? Ma–” tila napipi si Carla kasabay ng biglang pagaliwalas ng kanyang mukha sa nakita, “Oh my gosh, Ma’am! Buti at nakabisita ka! Come on, let’s talk at my office” nakangiting sambit nito kay Yvonne, “Fhaye, handle my calls and inbox for a while... Please don’t disturb us for a while” pagbaling nito sa kanyang assistant na tila natulala sa nangyari.

---

“Salamat po sa pagliligtas sa’min, Miss... Uhm...” nahihiyang lumingon si Carla sa gawi ni Yvonne.

“Yvonne... I’m YvonneJohannson” pangungumpleto ni Yvonne, “And there’s nothing to thank for. Actually, I have a reason why I saved this bank from that incident” dagdag pa nito.

“Pwede po bang malaman ang rason, Ms. Yvonne?” tanong ni Carla habang diretsong nakatingin sa dalaga.

“Well”, nakayukong bulong ni Yvonne at napakagat pa ito ng labi nang maalala ang sadya niya rito.

Hindi niya mawari ang mararamdaman niya kug sakaling mahawakan niya ang mga gamit ng kanyang yumaong asawa. Lungkot, hinagpit, pangungulila, galit... Hindi niya alam kung ano ang mangingibabaw sa mga ito.Hindi niya alam kung mako-kontrol pa niya ang kanyang magiging emosyon pagtapos nito.

Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon