Chapter 30 - Fix Her

970 36 0
                                    

[A/N: Two updates para sa lahat ng aking mga tagasubaybay... Magdiwaaaaaaaaang! o(≧∇≦o) Hehe. I'll try my best na sundan agad ng draft ito, para makapag-update din ako ng maaga-aga. Nae-excite na kasi ako sa climax ng story, kaya gusto ko na gawin. Hihi.

Anyways, keep Voting, Following and Commenting po. Salamat sa lahat ng 2k+ reads at sa mga kada-chapter kung mag-vote. You literally make my heart melt. Yieeeh! Anu raw? (´∇`)

So, ayun po. Simulan na na'tin ang kiligan. Peace out, yo!

~xo, CharChar♛]

On the Media: The Scientist (Holly Henry Acoustic Cover) - Coldplay

-----











Yvonne~

Sigh.


Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan habang tanaw-tanaw ang mga ilaw sa buong area ng Westfall.

Nagkayayaan sina Jane na bumisita sa Bar Code para 'raw makapag-relax sila mula sa nagaganap na Ranking Battle, at tanging ako ang tumangging sumama dahil wala ako sa wisyong pumunta sa maingay na lugar at makihalubilo sa maraming tao.

Humugot muli ako ng isang buntong-hininga at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin at katahimikan ng aking kinalulugaran.

Who would've thought na may natatagong solemn place sa dulo ng isang parke, malapit lang sa Westfall University. Magubat ang parteng ito at nahaharangan ng mid-high railings ang delikadong bangin, kung saan kitang-kita ang skyline view ng buong Westfall area. May isang marble-made bench na eksaktong nakaharap sa napakagandang view, pero dahil isa akong ubod ng pasaway, ay mas pinili kong pabalanseng umupo sa railings ng bangin.

"It's not safe to sit there", turan ng presensya ng taong halos kalahating oras ko nang kasama, na sa wakas ay nagsalita rin.


"Well, I decided to be a daredevil for tonight...

Rain"

Yes. Si Rain ang walang imik at tila nagmamatyag sa aking mga kilos magmula nang makarating ako sa lugar na ito. Hindi na rin ako nagulat o nagtaka, 'coz I know that this is one of his secret places after all.


"Psh. How'd you know this place?" tanong niya.

Ngingiti-ngiti akong tumingala sa mga bituing nagni-ningning bago sumagot, "Hmm... I don't really know either. Basta napadpad nalang ako rito habang nagii-stroll sa vicinity", bahagyang lumingon ako sa kanyang gawi, "Ikaw? Hindi rin naman safe ang huminga sa sanga ng puno, ah? Hindi ka ba nilalamok diyan?" tanong ko.

He silently chuckled before jumping out of the tree. I sensed, as he walks toward my direction, which made me stiff a bit, and stood leaning at the railings on his back.

"Tell me, woman", kunot-noo naman akong napalingon agad sa kanya dahil sa pagtawag niya sa'kin ng woman, "Who really are you?"

I rolled my eyes at him and sighed, "First of all... I have a name, you could've just called me Maira or Yvonne rather than calling me woman. Naghahanap ka 'ata ng away, eh. Tsk", sinagot naman niya ako ng simpleng pagkibit-balikat na nagpailing sa'kin. Sira ulo talaga 'toh.

"And lastly, why is it such a big deal for you to know me? I am your classmate in some of your classes; your friends call me skater girl, since... Yeah, literally, I can do skateboarding. You also know that I do work as a bartender at the Bar Code bar. What else do you need to know?" pagdadahilan ko.

Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon