Chapter 21 - Biggest Mistake

1K 33 0
                                    


Third Person’s POV~


“I’m bored”

Ang dalawang salita na nagpatigil sa pagbabangayan ni Vince at Jane, sa tahimik na nagtitipa sa kanyang laptop na si Daphne, at sa papasubong si Kyle ng kanyang nilalantakang pizza.

Ang dalawang salitang hindi nila inaasahang sasambitin ng isang taong palaging busy sa tagal ng pagkakakilala nila sa kanya.

At ang pinagmulan ng dalawang salitang iyon ay si...

“Rose?!” hindi makapaniwala nilang sambit sa nakahilatang si Yvonne habang nakatakip ang isang braso nito sa kanyang mata.

“Well, that’s new!” sigaw ni Jane.

“Did... did she really said that she’s bored?” hindi makapaniwalang tanong ni Kyle.

“Wow”, manghang bulong naman ni Daphne.

“Oh, no” tanging naisambit ni Vince, na nakakuha ng atensyon ng tatlo, “What? Did you already forgot what she did the last time she said that she was bored?!” eksaheradang eksplika ni Vince, na umani ng samut-saring reaksyon nila.

“Holy—” – Kyle

“Oh shi—” – Jane

“Damn. Not again” – Daphne

“Oh, well” sabay-sabay na napalingon ang apat sa tinuran ni Yvonne, “I’ll –”

“No, wait!” pamimigil ni Kyle, na nagpataas ng kilay ni Yvonne, “Uhh... We... Uhh... We need to stay indoors and relax... Uhhm... Yeah?” alanganing dagdag pa nito.

“Yeah! Uhh – plus, it’s very hot outside! The ultraviolet rays can cause too much irritation to our beautiful skin! Eew!” pansasalo ni Jane, bago mariing tumingin sa iba pa niyang kasama para magdagdag ng dahilan.

“Oh... Oh yeah! And we still have lots of homeworks to finish” sambit naman ni Vince, na prenteng sinagot ni Yvonne, “I’m done with mine”, na dumekwatro pa sa harap nila. Napatampal naman sa noo ang nangingiwing si Vince bago agarang sinalo siya ng pagdadahilan ni Daphne, “Well, we’re not done yet. We still have plenty to work for. We can’t afford to go outside”

“Okay” tanging sinagot ni Yvonne na nagpa-aliwalas ng mukha nilang apat, “I’ll –”

Hindi nanaman natapos ni Yvonne ang sasabihin niya dahil sa paniningit ni Kyle, na tila kinabahan sa pagtayo ni Yvonne, “B-But, where are you going?” tanong nito.

“I’ll just stay in my room” akmang aakyat na ito ng hagdan, nang lumingon ito muli sa apat, “Don’t even try to disturb me”, seryosong sambit nito na nagpatango naman ng sunud-sunod sa kanila, “Good” huling inimik ni Yvonne bago tumungo sa kanyang kwarto.

Inabangan pa ng kabadong apat na marinig ang pagbukas-sara ng pintuan ni Yvonne, bago sila nakahinga ng maluwag.

“Damn, we’re saved” bulong ni Vince.

“I can’t believe, we escaped another hell” matawa-tawang sambit ni Kyle.

“Oh my gosh. Kinikilabutan ako ‘pag naalala ko ang mga ipinagawa sa’tin ni Yvonne nung nakaraang na-bored siya” wika ni Jane.

“Yeah, me too” pagsang-ayon naman ni Daphne.

---

“GS arena in thirty. We’re playin’ solo. You know what to act. Bye” She ended the call as she evilly smirked.

Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon