Chapter 25 - It's Game Time

944 26 0
                                    


Yvonne~

“Haha! There you go, Loser!” Bang!~

“Hey! That’s not fair!”

“Shut up, Idiot!” Bang!~

“Augh, Shit!”

“Where the fvck is she?!” Bang! Bang!~

“Aba malay ko, kalaban mo kaya ako”

“Damn-shit!” Bang! Bang!~

“Woi! Aray ah!”

“Hahaha! Looosers!” Bang! Bang!~

“Nooooo!!!”

Literal na napasapo ako ng aking ulo dahil sa kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko lubos maisip na napasama nila ako sa walang kakwenta-kwentang labang ito ng mga nagmamagaling na prinsipe.

“Man, that hurts!”

“Wahahaha!! Looosers!” Bang! Bang!~

“Loser mo mukha mo!” Bang! Bang! Bang!~

“The fvck—!”

“You’re dead, bro!” Bang!~

“Augh, damn! Ang sakit makatama nitong paintball! Shit!”

“Haha! Weak!”



Yep. Nahatak ako nitong magigiting na prinsipe para sapilitang sumali sa paintball fight nila, dahil kulang daw sila ng isa para maging even ang bilang sa laban. Like heck? Anong pakielam ko kung even o hindi sila? Aba’t talagang binitbit pa’ko parang sako ni Rain, para pwersahang isakay sa van nila papunta dito sa Tagaytay.


“Hey! Asshole! Where is she?”

That’s Rain for you. Kanina pa niya ako hinahanap habang nakikisabay ng putok sa apat niyang game na game na mga kasama… habang ako? Haha. Prenteng pinapanood sila mula dito sa pinakamatayog at madahong puno sa field.


“If something happened to her, you shitheads will have a serious fvcking problem”, mariing pagbabanta ni Rain, na nagpairap sa’kin.


“Pero—”


Oh well… It’s time to stop this shit. Tahimik akong tumalon pababa ng puno at seryoso kong pinakiramdaman ang paligid. Ready or not, here I come.

Mabilis akong kumilos at tinungo ang kalapit na pinagtataguan ni Julius. Well, siya lang naman ang kanina pa sigaw ng sigaw ng ‘Losers’ sa mga tukmol at walang habas na namamaril sa kanila. What more can I say? He’s the Gun-person from the five of them, after all.

Tignan mo nga naman at mautak si mokong, pumwesto sa mataas na bahagi ng field para makita ang halos kabuuan ng lugar, lalo na ang pinagtataguan ng tatlo.

Kita rito ang puro reklamong si Dwight, na patuloy lang bumabaril sa iba't ibang direksyon;

si Liam na prenteng nakasandal sa isang mataas na pader at nagbabasa ng libro habang bigla-bigla nalang mamamaril sa mga paparating na paintball sa gawiq niya.

Si Kenneth ay seryosong naglalagay ng bagong round ng bala sa gamit niyang baril;

at si Rain na kuno’t noong palinga-linga na parang may hinahanap habang nakikipagbarilan.

Dwight’s attitude towards this paintball match was already given because he is quite good in close combat fights, which gives him the biggest disadvantage in this match.

Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon