[A/N: Luh?! Umabot din ng 2,000+ words ang continuation ng pakikipagbakbakan ng ating bida! Nakakaloka! Hahaha!
Sorry ito lang makakayanan ko i-update for the week. Sabaw-sabaw padin kasi ang utak ko at hindi ako makapagsulat. Babawi talaga ako pramis! (ง'̀-'́)ง
Don't forget to Vote, Comment and Follow! Hindi po ako snob. :)
~CeeCee♚
---
Third Person’s POV~
“Wala ka na bang ibibilis diyan?! Tangina, ang kukupad niyo ng lahat!” ubos pasensyang sigaw ng magnanakaw sa isang empleyadong nanginginig na naglalagay ng pera sa itim na travelling bag.
“Pati ‘yang mga nandyan! Isama niyo!” duro pa nito sa mga nakasilyadong safety box sa loob ng mala-kwartong kaha-diyero ng bangko.
“P-Pero... w-wala p-po sa’k-kin yung s-susi –”
Bang!~
Binaril ng nagtitimping magnanakaw ang dingding ng bangko na nagpatili sa babaeng empleyadong kasama nito dahil sa takot.
“Anong wala?! Putragis! Pinagloloko mo ba ako?!” galit na turan ng magnanakaw.
“W-wala p-po talaga s-sa’kin ‘yung – Ahhhhhhhhhhhh!!!”
Hindi na naituloy ng empleyado ang sasabihin nito dahil biglang namatay ang ilaw sa loob ng kinaroroonan nila. Isang malakas na kalabog ang narinig pa nito na lalong nagpatili sa babae na sinundan ng walang tigil na pagputok ng baril. Silyado ang lugar na ito kaya hindi sila maririnig sa labas kaya wala ni sino ang nakapansing may nagaganap sa loob nito.
Titili pa sana muli ang babae nang may biglang tumakip sa bibig niya, mabango at tila palad ng isang babae rin, “yumuko ka lang at wag gagawa ng kahit anong ingay” mahinang bulong sa kanya mula likod na agad rin niyang sinunod.
Biglang natigil ang pamamaril na kinasundan ng sunod-sunod na kalabog ang narinig ng mahinang humihikbing empleyado.
“Umph!”
“Augh!”
“Ah!”
Paulit-ulit na hinaing ang narinig pa nito ng biglang bumukas ang ilaw na ikinagulat ng empleyado dahil katapat lang nito ang walang malay at duguang magnanakaw na nakahandusay ilang pulgada lang ang layo mula sa kaniya. Kita rin nito ang pares ng paang nakatayo di kalayuan sa kanila kaya’t gulat man ay pinilit ng empleyadong tumingala para makita nagligtas sa kanya.
Isang babaeng naka-hoodie ang bumungad sa kanya, naka-abang ang isang palad para tulungan siyang tumayo na agad ‘rin niyang tinanggap.
“S-Salamat” mahinang pasasalamat ng empleyado sa misteryosang babae.
“Ikaw ba ang manager ng bangkong ito?” mahinang sambit ng misteryosang babae.
Wala sa sariling tumango ang empleyadong kinikilalang manager pala ng bangkong sinalakay ng mga armadong mga magnanakaw.
Dahil sa isinagot naman nito ay mabilis na ilalis ng misteryosang babae ang kanyang hoodie at tumambad sa manager ang isang babaeng naka-piring ang kanyang mga mata.
‘Bulag ba siya?’ sambit ng manager sa kanyang isip.
“I’m not blind” at tinanggal nito ang kanyang piring. Isang mala-dyosang babae ang tumambad sa kanya matapos tanggalin nito ang kanyang piring, “How many are them?” tanong nito na nagpabalik sa kanya sa reyalidad mula sa paghanga sa kagandahan ng tagapag-ligtas niya.
BINABASA MO ANG
Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirls
Action"Shut the fvck up, bitch! Just tell us who the hell are you!" sigaw ni Blade. Habang nakatalikod, tinanggal nito ang kanyang blindfold at dahan-dahang hinubad ang kanyang pantaas, leaving her only with her black-laced brassiere on top. Sa isip ng ap...