Chapter 37 - Killing Machine

827 29 0
                                    

[A/N: TIR is #311 in Action! Woooot! Woot! ヾ(*´∀`*)ノ]

“There you are”, Dereck said before closing the balcony door where he came through, “Everyone’s looking for you inside”

The calming cold breeze of the night made him shiver, but she doesn’t even wail a bit about it. He found her seriously looking from a far, making him curiously follow her gaze. He was astounded by tons of shimmering stars above them, shining at its brightest.

“They’re pretty, isn’t it?” she asked.

He was trying to absorb the breath-taking view as his absent-mind answered a soft, “Yes”.

“Some says...” his head instantly turned at her, “That every precious person who passed, become a star on their own to watch and shine above, over the darkest time of your day... guiding you for another morning of a brighter tomorrow”, she said. He saw her, as she held her hand up high—as if she’s reaching the stars in the sky with a sad smile plastered her beautiful face, “They’re like brightening my dark night, guiding me for my tomorrow’s fight”

Her words immediately catches his attention, “O-oh no, you don’t Yvonne. Don’t ever try finishing this on your own—” he wasn’t able to finish his sentence when she faced him with the same sad smile, “Y-Yvonne”, he whispered her name.

She turns her gaze back on the stars for a second, before she surprisingly linked her arms on him and said, “Let’s go. I’m starving”, and dragged him inside the mansion.

The next day...

Halos pagabi na ng nagsi-gisingan ang mga tao sa mansyon ng Bloodlust Gang dahil inumaga na ang tapos ng kanilang party. Isa-isa ‘ring nagsi-babaan ang miyembro ng BLG sa kanilang dining area, pupungas-pungas at pare-parehong may hang-over.

“Pass the Advil, man! Augh, my head’s killing me”, reklamo ni Johnatan.

“Damn, I had too much Tequila”, sambit ng naka-ub-ob na si Zach.

“Hey”, pagtawag ng atensyon ni Dereck sa apat, “Have you seen, Von? I went to her room and she’s not there. I thought she’s already down here”

Agad na-alerto ang apat at pare-parehong nawala ang hang-over at antok na kanilang iniinda bago magkatinginan.

“Holy—”

“Shit!”

“Fvck!”

“Oh, no she didn’t—”, tiim-bagang at hindi makapaniwalang naisambit ni Dereck. Agad namang napatayo si Jasper sa kinauupuan at nagmamadaling tinungo ang personalized desktop sa living area nila. Nagsi-sunuran na ‘rin ang apat sa binata, habang nagsimula nang mabilis na tumipa si Jasper sa keyboard, kaharap ang tatlong iba’t ibang monitor.

All five of them were seriously mad... and at the same time, nervous that she left on her own. They know her, they know what she can do-even on her own... but as what they all promise to Darren’s ashes—they pledged that they’ll protect her at all cost—they’ll cross whatever needs to be crossed, just to keep her safe.

“Fvck!” mariing mura ni Jasper, na nanguha ng atensyon ng iba, “She really went on her own! She’s at the—”

Hindi na natapos ang sasabihin ni Jasper nang biglang bumukas ang telebisyon, dahil sa aksidenteng pagkakatuon ni Luigi rito.

“News Flash. Isang mansyon sa isang private subdivision sa Westfall City, binomba—”

“... and there she is”

---

A while ago...

Bente-tres katao, kasama ang mga kasambahay, taga-bantay at ilang miyembro, ang huling bilang ni Yvonne na kasalukuyang nasa tina-target nitong mansyon. Mag-isa niya itong papasukin at desididong walang ititirang buhay kahit isa, ganoon siya gumanti sa mga walang takot na kumakalaban sa kanya—buhay kung buhay ang kapalit.

Sumang-ayon ang pagkakataon at wala ni isang myembro ng Bloodlust Gang ang maagang nagising para pigilan at magpumilit sumama sa kanya. Huli na ang buhay na isinakripisyo ni Darren. Hinding-hindi siya makakapayag na maulit pa ang nangyaring iyon sa sino ‘mang malapit sa kanya.

Nine o’clock am. Time to get started.

Walang ka-abog-abog na tinalon pababa ang matayog na puno sa katabing bakod ng mansyon. Gamit ang tatlong karayom na ibinabad sa matapang na pampatulog, mabilis na initsa ni Yvonne ang mga ito sa tatlong naglalakihang Dogo Argentino na naalerto sa mumunting tunog na naukha ng dalaga sa pagbaba... and in almost an instant, nawalan ng malay ang mga aso.

Nakangisi niyang hinaklit ang Golden Desert Eagle Pistol niya, na kinabitan ng mamahaling silencer at tatlo sakanyang shuriken, bago kumatok sa back-door ng mansyon.

“Sino—” hindi na naituloy ng katulong ang pagtatanong ng walang pakundangang binaril ito ni Yvonne sa noo. Hindi rin nagtagal at naalerto ang iba ‘pang nasa kusina, kaya naman hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Yvonne at pinagbabaril ang mga ito.

“Janet, anong aga—” natigalgal sa pagkakatayo ang isang middle-aged na lalaki na kararating lang sa kusina. Akmang huhugutin pa lamang nito ang nakasukbit nitong baril sa kanyang likod, pero naunahan na siyang batuhin ni Yvonne ng kanyang shuriken, dahilan ng masaganang pagsirit ng dugo mula sa leeg nito.

Six down, seventeen persons to go.

Pasimpleng nilagpasan lang ni Yvonne ang nangingisay at duguang lalake bago niya tinungo ang hallway.

Bumungad sa kanya ang mabilis na naalertong bantay at pinaputukan ang kanyang direksyon. Maagap na iniwasan naman ito ni Yvonne. At gumati na rin ng putok. Tinamaan ang dibdib ng bantay na lupasay naghihingalo.

Naalerto na ang mga natitirang tao sa mansyon. Kailangan na niyang magmadali.

Pagkapalit niya ng magazine para sa kanyang baril, ay doon na niya hinigit ang kanyang katana na nakasukbit sa kanyang likod. Hindi ‘rin nagtagal at nagsimula nang mamaril ang kanyang mga kalaban. And with a straight face, she feared none. Aakalain mong hindi tao ang ikinilos ni Yvonne at nagsilbing killing machine ng kanyang mga puntirya. Sinubukan pa ng iba na tumakas, ngunit agad rin niya nahabol ang mga ito hanggang sa matungo ang isa sa master’s bedroom. Naabutan niya rito ang isang binata na may kausap sa cellphone – tarantang-taranta at takot na takot.

“Boss, may sumugod. Hindi namin—”

Bang!~

“Hello?! Hello?! Cole?! Anong—” rinig na sigaw ng kausap nito sa kabilang linya.

Parehong isinukbit ni Yvonne ang baril at katana nitong dala. May nakakatakot at isang matagumpay na ngiti ito sa kanyang labi nang pulutin niya ng bumagsak na cellphone, as she saw who the person on the other line is shown on the screen.

“—Hello?! Hello?!”

“Hi, DX” Yvonne spoke over the phone with her raspy sexy voice.

“Shit”, rinig niyang napapamurang tugon nito sa kabilang linya. Minataan niya mabuti ang litrato ng kanyang kausap mula sa caller screen bago muling magsalita,

“...or I would say...”

“Mr. Dexan Grimalde”

Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon