Chapter 45.2 - Justice at its Finest

1K 32 0
                                    

(Previously on Thorns in Roses)

Walang nagawa ang tauhan kundi sundin ang ipinag-uutos ng kanyang nababaliw na amo, base sa kanyang kwento.


Napagawi ang tingin ni Denry sa salamin at nakita ang kanyang sarili. Isa-isang nagbagsakan ang kanyang mga luha habang mahinang tinatawag ang kanyang sarili, “Denry... Denry... Denry...”

Ilang araw ang nagdaan at lumaganap ang balitang pagkamatay ni Denry, ngunit kasabay ‘rin noon ang paglala ng mga ikinikilos ni Denry, kung saan nagsimula ang pagkanya niya ng katauhan ni Dexan...

---

[Continuation...]

“Sinungaling kang babae ka!” muli, kinalabit ni Denry ang gatilyo ng hawak nitong baril at maswerteng ga-hibla lang ng buhok ni Yvonne ang natamaan nito nang itagilid niya ang kanyang ulo pakaliwa.

“Denry, makinig ka sa ‘kin... itigil mo na ‘to, marami na ang nadadamay na walang kaalam-alam sa totoong nangyayari. Oras na para patawarin mo ang sarili mo at patahimikin na ang kaluluwa ni Dexan...” nang-aamong sambit ni Yvonne, ramdam ang halos pagmamakaawa ng dalaga para matapos na ang lahat, “...tutulungan kita, tutulungan ka namin maipagamot at bumangon muli... may pagkakataon ‘pang maituwid lahat ng mga nagawa mong pagkakamali at mabuhay muli ng tahimik...” dahan-dahang nanlambot ang tuhod ni Denry at napaupo ito sa sahig, sapu-sapo ang nananakit nitong ulo, “Tama na Denry, sumuko ka na habang may pagkakataon pa. kaya mo ‘pang gumaling at mamuhay ulit ng masaya... sobra na ang mga panahong ikinulong mo ang sarili mo sa guilt at paghihiganti sa mga inosenteng tao...”


“...hindi ko deserve mamatayan ng isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Hindi ko deserve na mamatayan ng asawa, Denry...” isa-isang nagbaksakan ang kanina ‘pang pinipigilang mga luha ni Yvonne, “Ang mamatayan ng isang matalik na kaibigan...” tila kinakain lalo ng pagsisisi si Denry at halos isubsob na niya ang sarili sa sahig, mariing sapo ang ulo nito, “Hindi na ‘ko makakapayag na may madamay ‘pang inosenteng tao sa hindi makabuluhang nangyayaring ito, Denry. Sapat na ang ginawa mong paninira sa buhay ko, sumuko ka na—”


Hindi na naituloy ni Yvonne ang kanyang mga sinasabi, nang kunin ng isang sigaw mula sa isang tauhan ni Denry ang atensyon nito, “Boss! I tracked four to six vehicles entering the five-mile radius!”

Mabilis na umangat ang ulo ni Denry. Tiim-bagang dahan-dahan itong tumayo nang hindi inaalis ang salubong na tingin kay Yvonne, “And it looks like it’s time to cut all the thorns that protect the precious rose... right Blind Rose?” nakakalokong nginisian nito ang dalaga bago malakas na inutusan ang lahat ng mga tauhan niya, “Chain her!” then he left the room.

Agad na napaligiran ang duguang si Yvonne. Bitbit ang katana sa kanang kamay, hindi nito ininda ang natamaang kaliwang balikat at sinimulang gumanti ng atake sa mga nagtatangkang lumapit sa kanya.

May mga nagtangkang paputukan siya ng baril ngunit tagumpay niya itong naiiwasan o nahahati ang bala gamit ng kanyang katana.

Maingat at kalkulado ang bawat galaw ni Yvonne upang hindi ito matamaan ng mga balang ilang saglit lang ay kayang kumitil ng kanyang buhay. Hindi pa ito ang kanyang oras, hanggang malaya pa si Denry... alam niyang marami pa ang madadamay at mamamatay dahil sa kabaliwan nito.

Nang magawa niyang matalo ang humigit-kumulang dalawampung tauhang sumugod sa kwarto at ligtas na makalabas sa kinalulugurang kwarto, sinubukan niyang tumakas sa paraang pagtalon mula sa railings ng pangalawang palapag hanggang sa baba nito, kung saan ang daan papalabas ng mansyon. Ngunit sa tagumpay na pagkakatapak nito sa unang palapag, ay muli... isa-isa siyang napaligiran ng mga tauhan ni Denry bitbit ang iba’t ibang klaseng armas.

Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon