Chapter 1 - The Introduction

5K 146 2
                                    

Woooooh! Nice! Oh yeah! Perfect! ~

Isang malakas na hiyawan ang bumabalot mula sa isang skateboarding rink na nasa bakuran ng isang mansyon sa gitna ng masukal na kagubatan. Walang nangangahas na kahit sinuman dumayo roon dahil alam ng lahat na duon nagkukuta ang isa sa mga kinakatakutang gang sa buong California, ang Bloodlust Gang.

Isa sa pinakamayayamang tagapagmana ang mga myembro nila at kilala sa pagiging malupit at palaban pagdating sa mga gang fights.

Walang mayaw ang sigawan ng mga underlings nila dahil sa pagpapasikat sa dalawang myembro ng gang kasama ang mga skater na underlings nito, si Thunder at si Storm.

Halos mabibingi ka sa kakatili ng mga fangirls ng kambal habang ang mga kalalakihan ay nagkakasiyahan at nag-iinuman kasama si Strike, ang kanang kamay ng leader ng gang.

Masayang nagdidiwang ang buong nasasakupan nila nang biglang...

Isang marahas na pagbukas ng pinto ang umalingawngaw sa paligid na agad nagpatahimik sa mga taong naririto.

Ang mga nag-i-i-skateboard ay biglang napatigil... kasabay nito ang pagkunot ng noo ng ibang myembro. Katahimikan, lahat ay nakatitig sa pinto... alerto at nag-aabang kung sino ang gagong pangahas na gumambala sa kasiyahan nila.

Unti-unti ay naramdaman ng lahat na may paparating. Agad nakaramdam ng kakaiba si Strike mula sa paparating... at dahil don, hindi niya maalis ang tingin sa direksyon kung saan lalabas ang pangahas.

"Trick or treat?!"

Wika ng isang pangahas, mariing pambabasag ng nakakabinging katahimikan. Lahat naman ng naririto ay mabilis na napatingin sa gitna ng skating rink, ang direksyon kung saan ang nanggaling boses. Sinalubong nila ito ng nanlilisik na mga tingin, ngunit agad 'rin silang napakunot ng noo sa kanilang nasilayan.

Isang mala-modelong babae ang tumambad sa kanilang lahat at ngayo'y pinapalibutan ng mga nag-aamok na mga underling ng Bloodlust Gang.

Naka-suot lamang ito ng simpleng pananamit: white tank top, perfect fit skinny jeans, on high-cut black converse, at naka-pulupot sa kanyang bewang ang isang black and white long sleeve polo. Nakalugay ang itim at tuwid na buhok na hinahangin pakumpas sa kanyang mala-porselana at makinis na balat.

Nakapamulsa lamang ito habang nakangisi dahil nararamdaman niya ang mga pagkukuyom ng ilan sa mga ito.

Hinawi niya ang buhok niya at sinabing, "Wanna play some game?"

Sa likod ng full bangs niya ay isang tela. Takip nito ang kanyang mga mata. Oo, nakapiring siya ng isang itim na tela.

"Psh. Okay. Fine", at pareho niyang itinaas ang kamay niya na parang sumusuko. "I know you don't. So please, continue the noise you're doing a while ago. Bye" sambit ng babae sabay talikod nito at sumenyas ng 'bye'.

Ngumisi lang siya at naglakad na papunta sa kabilang dako ng rink, ang daan papunta sa headquarters ng gang.

"Where 'the fvck' are you going, Bitch?!" pasigaw na tanong ni Strike.

Nagulat ang lahat ng lingunin niya ang direksyon ng nagsalita, nagtataka kung paano niya nalaman kung nasaan siStrike dahil nakapiring naman ito.

Sa kabilang dako ay isang matalim na ngisi lang isinagot ng misteryosang babae kay Strike at nagpatuloy sa paglalakad.

Sa mga oras na ito ay nagngangalit na ang mga bagang ng mga taong nadadaanan niya, pero kalmado lang niyang pinasadahan ang mga ito at hindi pa 'din tinatanggal ang ngisi sa mga labi niya.

Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon