Chapter 15 - Angel In Disguise

1.3K 39 5
                                    

[A/N: Hiyee! Pasensya na sa mga nabitin sa previous chapter... Haba na kasi eh... Ganun talaga daw minsan, kailangan ng pa-suspense. Charot! Maka-palusot lang eh noh?! Hahaha!

Oh, heto na ang continuation.

(Yvonnne's Porshe Mission E on the Media)

Enjoy!

Don't forget to Vote, Comment and Follow! Tsup! (/≧3≦)/

~CharChar

----


Third Person's POV~


"Hiyeee!~ Oh, baka uhaw ka?"



Nasambot man nito ang bote ay mabilis itong sinundan ni Yvonne ng front twist kick na nagpatilapon sa kaninang hawak nitong bote. Ni hindi pa nakaka-recover sa gulat ang lalaki nang sundan ito ng isang full twist kick para sa mukha naman ito patamaan na nagpadugo ng ilong ng magnanakaw.


"Ugh" mahinang daing ng magnanakaw.



Hindi nag-aksaya ng oras si Yvonne at binungaran ito ng isang right straight punch kasunod ang isang left upper cut na nagpabuga ng dugo sa lalaki pagkabagsak nito sa sahig habang nahihilo; tumilapon naman sa isang banda ang hawak nitong baril kanina na agad din napansin ng dalaga. Dahan-dahang nagtungo sa direksyon ng lalaki si Yvonne na hanggang ngayon ay dumadaing sa sakit ng ulo at sapilitan itong tinanggalan ng itim nitong maskara. Marahas na sinabunutan niya ito para iharap sa kanya at bumungad rito ang mala-goon nitong itchura na nagpangiwi sa ating bida.


"Damn, you do look like a trash" sambit ni Yvonne sa magnanakaw.


Lingid sa kaalaman ng dalaga ay kinakapa na ng magnanakaw ang kanyang baril na nasa di kalayuan sa pinagbasakan niya kanina. Nangingisi pa itong dahan-dahang nilingunan ang direksyon ng dalaga, iniisip na malalamangan na niya ito dahil hawak na niya ang kanyang baril upang patahimikin ang pakelamerang babae.


Ngunit huli na rin nang mapagtanto ng magnanakaw na kanina pang may malamig na naka-amba sa likod ng kanyang ulo na biglang nagpakaba sa kanya.



"One more move and your brains will surely scatter on the white tiled flooring of this bank" mariing banta ni Yvonne sa magnanakaw habang itinututok ang isang fully customized Silver CZ 75 SP-01 Pistol sa bumbunan nito.


"S-Sino k-ka b-ba?" nauutal-utal na tanong ng magnanakaw na tila naninigas na sa kinapupwestuhan. Nilapitan naman siya ni Yvonne at tila bumulong na sumagot sa magnanakaw, "Me? I'm just a nobody to catch your interest" at sinundan iyon ng isang malakas na tunog na 'Click!'


Huli na nang mapagtanto ng magnanakaw na nakaposas na pala siya. Sa huli ay hindi na ito nanlaban at sumuko na ng tuluyan. Rinig naman sa buong bangko ang mumunting mga dasal ng pasasalamat dahil nailigtas sila ng hindi kilalang babae mula sa mga nagtatangka sa kanilang buhay.



Inutusan naman ni Yvonne ang huling magnanakaw na nakalaban niya na maglakad palabas ng bangko para maabisuhan ang mga pulisya na mukhang nagpalano nang pasukin ang bangko. Kasabay ng paglabas ng magnanakaw ay ang pagkawala ng parang bula ng babaeng tagapagligtas.



---


"...ayon sa mga na-hostage sa nasabing bank robbery ay isang babaeng naka-gray hooded jacket ang lumaban ng walang takot sa mga nasabing magnanakaw at nagsilbing tila tagapagligtas nila. Wala ni isang nasaktan sa mga na-hostage at kumpirmado 'ring walang nabawas sa kaban ng naloobang Wright Bank. Sobrang pasasalamat naman ng mga na-hostage at miski ang mga mamayang may account sa nasabing bangko sa pangyayaring ito. Sinisimulan na 'rin ang imbestigasyon patungkol sa misteryosang babae, kung ano ba talaga ang motibo nito sa pagliligtas niya sa mga hostages at sa perang hawak ng bangko, pero inunahan na sila ng branch manager ng bangko na malinis raw ang hangarin nito base sa naging personal na pag-uusap nila nito. Wala ni isang naiwang pagkakakilanlan ang misteryosang babae at miski ang kupunan ng CSI at NBI ay bigo sa pagkuha ng kahit anong clue sa katauhan nito. Ngunit ang sigaw ng sangkatauhan para sa misteryosang babae... kung nasaan ka man, kung sino ka man... Mabuhay ka. Ako si Steeeve Mabilisan, ABCDEFGHIJKLM News"




Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon