Yvonne~
Ambang na susuntukin ni Julius si Daphney, pero sadyang mabilis si Daph at paiwas na umikot ito sabay salubong ng kanyang siko sa mukha ni Julius. Sinipa pa nito ang tuhod ni Julius, dahilan na mapaluhod ito. Hindi na nagsayang ng oras si Daphney at binigyan ito ng roundhouse kick na nagpatumba kay Julius nang duguan.
Kasabay lang ng laban nila Julius at Daphney ang pagmamanuhan nila Dwight at Jane. Nakaisang suntok si Dwight kay Jane sa tiyan, pero hindi ito ininda ng dalaga at binirahan nito ng suntok sa panga bilang ganti. Sinunggaban pa nito ang nahihilong ulo ni Dwight at isinalubong ang kanyang tuhod.
Rinig hanggang kinapupwestuhan namin ang tunog ng nabali niyang ilong, dahilan na rin ng paghiyaw ng mga taong nanonood.
“Oh shit, that hurt!”
“Ohhhhhh...”
“Fvck!”
Hindi pa nakuntento si Jane at sinuntok pa nito sa pisngi si Dwight, bago tinuhudan ito sa sikmura na nagpawala ng malay rito.
Tsk. Kulang pa ang kaalaman ng mga prinsipe, lalo pa’t mano-mano pa lang nila Daphney at Jane ang labanan
“Oh. Maka-kunot ka naman ng noo, akala mo ka-grupo mo ang mga prinsipe ah?” rinig kong turan ng pa-epal kong katabing si Arron, “Soooows, concern siyaaaa... ayieeh” dagdag na pang-aasar nito sabay sundot sa tagiliran ko. Inirapan ko nalang ang epal na ito bago ko ibinalik ang aking paningin sa nagaganap na laban.
Kasalukuyang nagaganap ang laban ng Royale Princes Gang laban sa Flaming Five. Sina Daphney at Jane laban kina Julius at Dwight palang ang sumasalang sa arena, pero mukhang alam ko na ang magiging resulta ng labang ito.
“Von” tawag sa’kin ni Arron, maririnig mo ang kaseryosohan sa tono nito na dahilan kung bakit napalingon ako agad sa kanya, “May pakiramdam akong may hindi magandang mangyayari ngayong gabing ito”, sambit niya na nagpapikit sa akin at makiramdam ng taimtim. Sabihin na nating malakas nga ang aking pandama, pero hindi ko pwedeng pagsawalang-bahala ang mga hinala na tulad nito, lalo pa’t nanggaling pa mismo kay Arron ang kutob na ito.
Ramdam ko ang prisensya ng limang papa-akyat ng arena kahit nakapikit ako at tila napakunot naman ako ng noo nang may kakaiba akong napansin mula sa mga ito.
How could be...
“Shit!” sigaw ni Arron na biglang nagpamulat sa’kin at sumambulat sa akin ang nagkakagulong manunuod rito sa arena. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang apat na sugatan na nakatungtong sa arena – sina Kyle, Vince, Liam at Kenneth; lahat ay tila na laslasan sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan mula sa ipinaulang shuriken... maliban sa isa – maliban kay Rain.
Inayos ko ang aking bendang nakaharang sa ‘king mga mata, bago tanguan ang gawi ni Arron, senyales na siya ang bahala mag-imbestiga sa naganap, habang pupunta naman ako sa mismong stage ng arena.
“Akala ko pa naman, enjoy ‘pag naka-shadow mode tayo. Tsk! Trabaho din naman pala” rinig kong bulong nito, na pinagulungan ko lang ng mata bago tumungo sa kinaroroonan nila Rain.
---
“What the fvck happened here?” monotone kong tanong, diretso ang tingin sa apat na nangingiwing nasugatan.
BINABASA MO ANG
Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirls
Acción"Shut the fvck up, bitch! Just tell us who the hell are you!" sigaw ni Blade. Habang nakatalikod, tinanggal nito ang kanyang blindfold at dahan-dahang hinubad ang kanyang pantaas, leaving her only with her black-laced brassiere on top. Sa isip ng ap...