Chapter 43 - Gone

787 27 0
                                    

[A/N: ( っ。•o•。 c ) #PapansinLang (ノ)'ω'(ヾ) Update update updaaaaaaate! o(≧∇≦o)]


“How was she?” tanong ng bagong pasok sa kinalalagiang kwarto ni Yvonne.

Halos mag-iisang linggo na nang mailipat si Yvonne sa kanyang private room mula sa apat na araw nitong pagkakalagay sa ICU. Gayun pa man, wala pa rin itong pinagbabago...

...wala pa ring malay ang ating bida.

“She’s stable, but still no improvements, Uncle”, malungkot na hinaplos ni Arron ang pisngi ng dalaga, bago balingan ang ama ni Yvonne, “She’s been here for too long... and yet, hindi pa rin siya nagigising”

Lumapit si George sa kanyang pamangkin at inilapat ang kanyang kamay sa balikat nito, “My daughter is a tough woman, Son”, sambit nito na nagpalingon muli kay Arron sa gawi ni Yvonne, “She’ll wake up, when she’s ready”, dagdag ng matanda.

“But it’s already—”



Bang! Bang! Bang!~


Maagap na napatayo si Arron at napatingin sa kasama, na sinalubong rin ng isa. Sigurado silang putok iyon ng baril kaya mabilis silang naalerto.

“I’ve brought twenty-five men to secure the hospital, just stay and don’t worry”, turan ni George, kasunod ng sunod-sunod pang putok.

Bang! Bang! Bang! Bang! Bang!~


Biglang naalala ni Arron ang nangyaring surprise attack sa penthouse ni Yvonne para makatakas si Dexan...

Tiim-bagang hinaklit ni Arron ang katabi nitong laptop at sinimulang magtipa roon. Ilang saglit pa’y lumabas ang ilang CCTV feeds sa buong ospital, na agarang nagpangalit kay Arron, “Our twenty-five men have no fight with more than seventy armed men, Uncle” anunsyo nito bago dinampot ang kanyang baril, “Call for back up, I’ll go and help”, nagmamadaling turan nito, na sinagot ni George ng tango.


Mabilis na nilisan ni Arron ang kwarto, habang naglabas na rin ng baril ang ama ni Yvonne at agad na nag-dial ito sa kanyang telepono, “R – Hundred and One, now!”

“Yes, sir!” rinig na sagot sa kabila bago naputol ang linya.

Bang! Bang! Bang!~


Batid ni George na papalapit na ang mga putok na iyon sa kinaroroonan nila. Hindi lang isang direksyon ang pinagmumulan ng mga bala, kaya alam niyang napakarami ng sumusugod sa kanila. Malambot na expresyong isinuklay niya ang buhok ng kanyang unica hija at sinapo ang pisngi nito, bago padaanan ng haplos gamit ang kanyang hinalalaki, “I know you have plans... but, you need to wake up now, baby...”

Biglang bumukas ang pinto ng kanilang kinaroroonan kaya’t otomatikong itinutok ni George ang kanyang baril sa direksyon nito. Bumungad roon ang isang lalaking nakasalamin, naka-face mask at nakabihis doktor, nanlalaki ang mata at halos manginig na sa pagtaas ng kanyang kamay, “T-the... t-the patient needs h-her shot”, tila kinakabahang turan nito.


Dahan-dahang ibinaba ng lalake ang kanan nitong kamay at dumukot bulsa nito.

Biglang kinutuban ng masama si George nang may mabasa siyang hindi maganda sa mga mata ng lalake. Hindi na siya nag-atubiling paputukan ang lalakeng doktor, ngunit mabilis ‘ring nakalabit ng huli ang inilabas nitong kalibre kwarenta y cinco-ng baril.

Bang!~

“Augh!”

Sapul sa noo ang nagpanggap na doktor, habang natamaan sa kaliwang braso si George. Mabilis na nilingunan ng matanda ang kanyang walang malay na anak nang biglang...


Krash!~

Malakas na nabasag ang katabi nilang bintana, kasabay ng unti-unting pagkalat ng usok sa kwarto.

“Fvck!” mahinang daing ni George, habang unti-unting nanghihina dahil na rin sa natamo nitong tama ng baril, at usok na may halong pampatulog.

---

Alingawngaw pa lang ng putok ng baril sa kwarto ni Yvonne ay nag-alala na si Arron, kaya naman madali itong bumalik para alamin kung ano ang nangyari. Ilang hakbang na lang ang pagitan ni Arron mula sa pintuan ay nakarinig ito ng malakas pagkabasag, na lalong nagpakaba sa binta.

Pagkabukas na pagkabukas ni Arron ng pintuan ay bumungad sa kanya ang napaka-kapal na usok, na agad siyang napatakip ng kanyang ilong, “Shit, sleep gas”, sambit nito sa kanyang isip. Agarang kinuha niya ang kanyang panyo sa bulsa at ginamit ito, nang mapansin niya ang isang bangkay na may tama sa noong nakahilata sa sahig – dito na siya na-alarma.


Habang panipis ng panipis ang usok sa kwarto simula ng buksan niya ang pinto, unti-unting nakaaaninag siya at ilang bulto ng taong tumatakas palabas ng bintana ang sumalubong sa paningin niya. Walang atubiling pinaputukan niya ang mga bultong nakatayo, hanggang sa makarinig ito ng mga daing...

“Shit!”

“Argh!”

“Fvck- Fvck- Fvck!”


Mabilis rin siyang pinaputukan ngunit agad siyang nakapagtago sa pader at gumanti ng putok.  Nagtuloy-tuloy ang putukan, hanggang sa makarinig siya ng lagaslas ng helicopter, na mabilis ring lumayo at umalis.

Dahil dito, ay tuluyan nang nawala ang usok sa kwarto. Ngunit nanlalaking mga matang bumungad ang nakahandusay na si George sa pagitan ng nabaril niyang nakaitim na lalaki ang kanyang tiyuhin, walang malay at may tama sa kanyang balikat.


Otomatikong napatingin siya sa kamang dapat ay kinahihigaan ng kanyang pinsan na si Yvonne.

...ngunit tanging unan at kumot na lang ang naroroon sa kama... walang Yvonne-ng nakahiga roon.


Sunud-sunod na dumating naman ang naging back-up niya kanina, marahil ay tapos na ang mga ito sa pakikipag-barilan sa labas, “Sir—“

“Bring Uncle to our private medical facility, quick!” sigaw na utos ni Arron at mabilis na kinuha ang kanyang telepono.


“Shit! Shit! Shit!” nanggigigil na bulong nito habang duma-dial.


“Hello—”












“Fvckshit—inambush kami’t kinuha nila si Yvonne!”

Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon