Ilang linggo nang hindi nagpapakita o nagpaparamdam man lang si Yvonne sa buong flaming five, matapos nilang huling makausap ito sa video call noong gabing nagkagulo sa arena. Inesplika nito na wala siyang nalalaman mula sa paratang ni Black Knight at nais niya munang mapag-isa sa mga darating na araw, or let’s just say, mga linggo.
Hindi na sila sumalungat sa kagustuhan nito dahil alam nilang nagsasabi ito ng totoo mula sa ikinikilos ng dalaga mula noong gabing iyon. Alam rin nilang sinisisi ni Yvonne ang kanyang sarili dahil sa nangyari at dahil ‘don, mag-isa niyang aalamin at iimbestigahan ang naganap para pagbayarin ang may pakana ng lahat. Typical, Yvonne.
Mula sa araw na nagdaan ay natapos ng matiwasay ang naging rematch battle ng Royale Princes Gang laban muli sa Flaming Five, at doon ay nanalo ng malinis ang flaming five kahit wala ang lider na si Blind Rose.
Dumaan na rin ang laban kung saan pinaglabanan ng Royale Princes Gang at Bloodlust Gang ang nag-iisang slot para makalaban ang nangungunang Flaming Five para sa darating na final battle.
Puro galos at pasa man ang mga prinsipe, ay hindi pa rin nila ito inatrasan at nagawa pa rin nilang manalo mula sa pinaglabanan nilang Death Track: The Evil Course Match, isang drag race course na may limang matitinding hamon along the way... na kung saan ay simpleng napagtagumpayan ito ng drag race king na si Dark Angel.
Ngayon, lahat ay nag-aabang para sa darating na final battle. Matapos ang naganap na semi-finals ay binigyan ng dalawang linggong palugit ang dalawang maglalaban para magpahinga at mag-ensayo, at kasalukuyang limang araw na lang ang bibilangin para sa kinasasabikang final battle ng lahat.
Gayun pa man, normal pa rin ang takbo ng mga buhay nila sa eskwelahan, maliban sa isa...
“Napansin niyo na bang pumasok si Skater Girl nitong mga nagdaang araw?” tanong ni Dwight sa apat.
Napalingon naman agad ng nangingiwing may pasa sa pisngi at putok ang labing si Rain. Nagkibit-balikat lang sina Julius at Kenneth, Samantalang nangisi naman si Liam bago tumipa sa kaharap nitong laptop.
“Ang gaganda niyo kausap, guys... promise” kamot-ulong sumalampak ng upo sa isang bean bag si Dwight.
“Base on her file”, biglang turan ni Liam na kumuha ng atensyon ng lahat, “She’s currently taking online classes these past few weeks due to a private reason. There is no particular date when she’ll come back... but then, her score on her online exercises are outstanding with perfect scores”
“Wow, I never thought she’s smart from her jolly and outgoing exterior”, Kenneth commented.
“Yeah, me too. But I still sense the mysterious vibes from her, she’s so secretive with her personal information” Julius agreed.
“Di ba na-check na natin ang background niya, kasabay yung apat pang bagong salta?” tanong ni Dwight
Hindi mapigilang pumasok sa isip ni Rain ang mga napag-usapan nila ni Yvonne noong gabing iyon. Ramdam niyang may pinagdadaanan ito, at naiintindihan niya kung bakit hindi ito personal na pumapasok ngayon sa kanilang Unibersidad. Hindi ito alam ng apat, kaya wala silang karapatan pag-isipan siya ng masama. Wala nga ba?
“Yes, but—” –Liam
“Stop it, guys”, napalingon ang apat sa tiim-bagang na si Rain, “Leave her, alone. Just focus on how we can beat those flaming assholes”
BINABASA MO ANG
Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirls
Action"Shut the fvck up, bitch! Just tell us who the hell are you!" sigaw ni Blade. Habang nakatalikod, tinanggal nito ang kanyang blindfold at dahan-dahang hinubad ang kanyang pantaas, leaving her only with her black-laced brassiere on top. Sa isip ng ap...