Chapter 45.1 - The Insane Carnage

847 27 0
                                    

[A/N: Merry Christmas luvies!
ヾ(*´∀`*)ノ Here's my late Christmas gift for all... Hope you'll like it!]

Magkahalong kaba at galit ang nararamdaman ng tatlong grupo, kasama ang ilang tauhan mula Alto Palacio, habang bumibyahe patungo sa isang masukal na gubat para bawiin si Yvonne mula sa dumakip rito.

Matapos nilang mahalungkat ang files ng dalaga ay may nakuha silang limang posibleng lokasyon ng pinagkukutaan nila Dexan. At nang humingi ng tulong si Arron sa Tiyo niya, ama ni Yvonne, ay nakumpirma nila na isa nga sa mga ito ang pinagdalhan sa dalaga.

Walang kagatol-gatol at naghanda ang mga ito para sagipin si Yvonne at pagbayarin si Dexan sa mga nagawa nito.

“The fvck, men! Nasan ang susugudin natin at puro dayami lang ang nakikita kong narito?!” inis na turan ni Julius nang makababa ito sa kotse.

“This ain’t funny—” galit na sambit ni Kye at akmang sisipain ang isang puno nang maagap siyang pinigilan ni Arron.

“Don’t!” sigaw sa kanya nito, na nagpa-hakbang paatras kay Kyle palayo sa puno. Nakita nila ang seryosong pag-gala ng mga mata ni Arron bago kinuha ang laptop sa kotse nito. Tahimik na nagkatinginan ang lahat, habang inaantay ang susunod na ikikilos ni Arron.

Gamit ang tracker system ng kanilang angkan, na ibinigay ng ama ni Yvonne, ay kinumpirma niyang nasa tama silang lokasyon kung saan naroroon ang signal ni Yvonne. Bawat miyembro ng kanilang angkan ay may implanted locator chip, na aakalain mong simpleng nunal lang sa kanilang katawan...  likha ito mismo ni Yvonne, para din sa seguridad nilang lahat. Nagagamit lamang nila ito sa ganitong pagkakataon dahil nirerespeto nila ang kani-kanilang pribadong buhay.

Muling lumibot ang mga mata ni Arron at saktong napadako ito sa isang maliit na pulang tila kumikislap sa dilim hindi kalayuan sa tinitigilan nila, “Motion sensors”, nanigas ang lahat sa binanggit ni Arron, “Stay back and  I’ll handle it” kasabay nito ang mabilisang pagtipa habang isa-isang nagsi-ilawan ang mga sensor. Dahilan na makita nila ito ng malinaw.

Isa... dalawa... sampu... dalawampu... dalawampu’t lima ang buong bilang ng mga sumalubong na motion sensor sa kanila, at isa-isa ‘rin itong nagsiusukan, matapos pindutin ni Arron ang ‘Enter’.

“Whoa...” –Liam

Naglalakihan ang mga mata ng kanyang mga kasama, nang biglang lumitaw sa kanilang harap ang isang mala-mansyong bahay na hindi nila malaman kung saan nagmula.

“They’ve implanted a cloaking device on all the perimeter para ipalabas na bakante at puro dayami lang ang naririto...

...ang hindi nila alam ay ako ang nag-imbento ng device na ‘yan at ipinabenta ni Yvonne ang mga iyan sa Black Market nang makitaan niya ‘to ng mga system holes”, nakangising sabi ni Arron.


“So, you’re saying that you have the improved device and it’s actually perfectly functioning?” manghang tanong ni Kenneth.

“Yep” Arron replied, popping the ‘p’, “Tinulungan ako ni Von and she really made the fantasy came true” he added.

“Will she make my fantasy to be his Prince come true, too?” tanong naman ng isa sa kanila sa kaniyang isip, bago malalim na bumuntong-hininga at nilingunan ang mansyon, “Wait for me Maira Yvonne... we’ll save you and I’ll prove my love to you...” dagdag nitong litanya sa kanyang isip.

“I already hacked their CCTVs, I saw Von and –” hindi na natapos ang sinasabi ni Arron nang gulantangin sila ng isang malakas na pagsabog... mula sa kaharap nilang mansyon,


Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon