Continuation...
---
Yvonne~
"Hell yeah!" - Arron
And in just one final push of a button, both Liam and Kenneth received their surprise.
"What the-" - Liam
"Fvck! Fvck! Shit! Shit! Aaaargh!" - Kenneth
Then I smirked. Alam kong naalerto na ang dalawang matitirang target ko... And I can see through Arron's video feed that he is now literally laughing on the floor. I wonder kung napapagulong rin nila sa kakatawa itong si Arron dahil sa mga reaksyon nila.
Oh, how I love to play with those princes... Feeling ko tuloy mayayari ako talaga 'pag nalaman nilang ako si Blind Rose, na hilig ang pagtripan sila.
"Hey Von!" panguha ng atensyon ni Arron matapos mahimasmasan ng kaunti, "It looks like those two left were alarmed... And jealous! Haha!" he teased, which made me chuckle a bit.
"Awww... Don't worry, pretty boys... You won't be left out of the party", I said while typing another set of codes.
"What the hell is happening?" rinig kong tanong ni Julius, habang sumisilip sa kanyang gamit na sniper rifle gun.
Plok!~
Medyo nagdidilim na din ang paligid, dahil pagabi na. Tila napatingala naman si Julius, pinapakiramdaman kung uulan ba... Dahil ramdam niya ang pagtulo ng isang patak sa batok niya habang siya'y nakadapa.
Plok!~
"Huh?" at may tumulo nanaman sa kanyang pisngi, "Damn, I should've brought my umbrella", bulong pa nito.
Nagsunod-sunod naman ang patak sa kanyang ulo, na nagbigay ng pagtataka rito, "What's that strong smell?" at parang asong inamoy pa nito ang kanyang paligid, "Nahh... Maybe it's the paint in the bullets" sambit nito sa kanyang sarili bago isinuklay ang kanyang daliri sa kanyang buhok.
"You've got it all wrong, man... It's not the paint in the paint in the bullets, it's the paint in the hose that will shower you" I evilly said in the back of my mind and pressed the enter button. Shower Time!
"Shit! What the fvck-!" malakas na mura ni Julius, na napalingon kay Rain sa gawi niya, "P-putragis na yan! This is my favorite shirt! O-Oh, shit!" dagdag pa nito.
Kita sa hidden camera na napaatras si Rain nang masilip niya ang kinalalagyan ni Julius. Nagmamadali rin itong lumayo at patuloy pa rin sa paglinga-linga sa kanyang kapaligiran...
...hindi niya alam, mas pinapadali lang niya ang pagtanggap ng kanyang sorpresa.
"Huy Von! Ano na? Ano 'bang sorpresa mo kay Rain?" pangungulit ni Arron mula sa kabilang linya ng video call, "May patibong ka bang sinet-up para mabuhusan din siya ng pintura? O babatuhin rin siya ng paintballs, o may malalim na hukay siyang babagsakan tapos may pintura rin dun? O kaya naman-"
"Huh? Wala naman" prenteng paningit ko sa mga pinagsasabi niya.
"Wha-? Ha? Wala?"
"Hmmm... Wala", pirming sagot ko.
"Eh anong-"
"Argh! Shit!" hindi na natapos ni Arron ang kanyang sasabihin nang makarinig ito ng kilalang boses mula sa hidden camera feeds. Lihim rin akong napangisi dahil tiyak akong heto na ang pinakahuli sa aking mga sorpresa para sa mga prinsipe.
BINABASA MO ANG
Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirls
Action"Shut the fvck up, bitch! Just tell us who the hell are you!" sigaw ni Blade. Habang nakatalikod, tinanggal nito ang kanyang blindfold at dahan-dahang hinubad ang kanyang pantaas, leaving her only with her black-laced brassiere on top. Sa isip ng ap...