Chapter 38 - Unveiling

830 33 0
                                    




“Lah! Ba’t hindi ka man lang nagyaya, Von?” –Luigi

“Oo nga, plano ko pa man mantrip ng mga gago” –Johnatan

“Ganyan naman—” –Jasper


“What the hell were you thinking, Von?!” paghuhuramentado ni Dereck, “Why did you leave and attack the damn fvcking mansion on your own? What if something happens, and we’re—”

“Where’s the fun in that?” kibit-balikat na sagot ni Yvonne, “Isa pa... Kailangan ko nang kumilos ng mabilis at baka maunahan pa’ko ng tukmol”

“Pero, Von—”

“Don’t—” pagpigil ni Yvonne sa patutsada ni Dereck, “I need to finish everything. Enough is enough”, dagdag nito.

“Yes, we understand... and we’re willing to help you—” hindi na natuloy ni Jasper ang sasabihin niya nang lingunan siya ni Yvonne ng may mariing titig at nagtatangis na panga, “I said... enough is enough, Jasper”, sambit ng dalaga, na may bahid ng galit at panggigigil. Pabalyang tumayo ito mula sa kanyang kinauupuan at makailang humakbang papalayo mula sa limang binatang nakapaligid sa kanya, na siya ‘ring sinundan ng kanilang mga tingin, “Hindi na’ko makakapayag na may madamay at masaktan uli sa inyo nang dahil sa kagaguhang napasukan ko. Darren’s sacrifice is enough proof that I need to stop this bvllshit immediately”, nakatalikod na wika ni Yvonne sa lima.


“But we promised to—”


“I don’t care whatever you promised to Darren, Dereck. This is my fight, and I’ll definitely win this shit”, mariing litanya ni Yvonne, na nagpatahimik sa lima. Bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala sa dalaga nang sila’y magkatinginan, bago makarinig ng isang malalim na buntong-hininga mula kay Yvonne, “Just... just support me on this, okay? I know what I’m doing... I promise”, dagdag ng dalaga na pasukong nagpatango sa lima. Bumungad ang isang misteryong ngisi sa labi ni Yvonne nang makita ang tugon ng limang binata, “Now...”

“...gather Arron and the five princes at my penthouse by six. Ask Arron where my backroom is, and entertain yourselves for a while...”

“Anung, meron?” Zach asked.

“Hmm... let’s just say that I’ll be hosting a party” ang lima sa tinuran ni Yvonne, “... and all of you are in invited to the unveiling of a big surprise”



---



Makalipas ang ilang oras, sa condo ni Kyle...



Ding-dong! Ding-dong!~

Ding-dong! Ding-dong!~




“Aurgh!” naiiritang nagising si Kyle dahil sa sunod-sunod na pagdoorbell. Tila tulog pang tinungo nito ang front door at hihikab-hikab na pinagbuksan ang bisita nito, si Daphney.

“Ey,sup?” mahinang sambit ni Kyle bago mabilis na tinungo ang long couch at sumalampak padapa rito. Sinundan naman siya papasok ni Daphney at umupo sa bar stool.



“You—” –Daphney

“Heeeeey!”




Parehong napalingon ang dalawa sa pinagmulan ng sigaw. Sumambulat sa kanila ang hyper-active na si Jane habang akay-akay sa leeg si Vince, “What’s up madlang people?!” malakas na sambit nito na siguradong dinig ng kalapit condo ng binata. Abot-tenga ang ngiti nito nang pabalik-balik niyang nilingunan ang naiiling na si Daphney at ang napa-facepalm na si Kyle, “So... what’s up—ketchup?”, sambit ni Jane habang pwersahang inakay sa nito si Vince papaupo sa isa pang long couch, patagilid sa pwesto ni Kyle.



Thorns in Roses | ✔ #TOA2018 #ProjectBadassGirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon