MINGYU's POV
"Mama Jeonghan, pwede pahingi ng kwek kwek mo?"
Nagtusok ng isang kwek-kwek si Jeonghan sa plastic cup niya tapos sinubuan niya si Dino nito. Napatikhim ako nung makita ko yun.
Tsk, mga ugok talaga. Alam na nga nilang maarte ako sa pagkain tapos dito pa nila ako dinala without hearing and taking consideration of my own opinion! Kaya nga ang sarap-sarap nila patayin ngayon.
Nandito kami ngayon sa labas ng campus. May nakita kasi silang nagbebenta ng streetfood kaya napatigil sila dito at bigla nalang sila nagbilihan at nagkuhanan ng kanya-kanyang pagkain. Samantalang ako hindi man lang hiningi ang opinyon ko kung gusto ko ba dito.
Gutom na gutom na ako. Gusto ko na talagang kumain pero hindi ko alam kung paano.
"Hoy ikaw, hindi ka ba bibili ng iyo?" Tanong saakin ni Jihoon. Kumakain siya ngayon ng chicken na maliit na kulay orange. Hindi ko maalala kung ano ba tawag dun.
Umiling ako ng hardcore, "Tsk! Alam niyo na nga maarte ako sa pagkain tapos dito niyo pa ako dinala! Eww, I don't eat dirty foods!" Reklamo ko.
"Kuya, chill ka lang po." Sabi ni Dino at hinimas-himas ang likod ko.
"Iho, nakakasakit ka ng damdamin." Rinig kong sabi nung nagtitinda ng mga streetfoods na kasalukuyang nagpiprito ng fishball sa kalderong punong-puno ng mantika.
Nakita ko naman na tinuro ako ni Minghao gamit ang stick niya na may fishball pa, "'Wag me, Mingyu. Masarap ang streetfood! Halika dito susubuan kita ng fishball ko at nang matikman mo ang kasarapan nito."
Sa hindi malamang dahilan, bigla nalang tumawa si Jun na nasa tabi ko. Hindi ko alam kung ano yung kinakain niya pero nakakadiri sa unang tingin palang. Kulay black siya na square na naka-stick.
"Ako nalang Minghao! Handa akong tikman ang napakasarap mong fishball!" Pagvo-volunteer ni Jun.
"Hahaha! Tangina niyo, na-green ako bigla. Hahaha! Fish flavored balls!" Hinampas ni Jihoon si Jeonghan na bigla nalang natawa sa sinabi ni Jun.
"Huy, paki-censor nga yung mga sinasabi mo, may bata dito."
"Hindi ako yun." Defensive na sabi ni Dino.
Bigla kaming natahimik at napatingin kay Dino.
Napataas yung isa niyang kilay, "Bakit? Hindi na ako bata! Teenager na ako. Second year college na kaya ako!"
Hindi nila pinansin ang sinabi ni Dino at nagpatuloy lang sa pagkain. Tapos naramdaman kong parang may hindi pa nagsasalita sa amin kaya naman inikot ko ang tingin ko sa paligid ko.
"Uy, tropang richy, nasaan si Vernon?" Tanong ko.
Pagkasabi ko non, bigla na rin sila naghanap at tumingin sa paligid, "Hala kayo, baka mamaya niyan na-kidnap nanaman yun." Sambit ni Jihoon.
"Mga iho, yung batang 'kano ba ang hinahanap niyo?" Napatingin kaming lahat kay kuya na nagbebenta.
Tumango-tango kami, "Nakita niyo po ba siya kuya?" Tanong ko.
"Ah oo, may isang humila sa kanya eh." Cool na sabi niya habang naglalagay ng fishball sa stick. Medyo namangha pa ako kasi sobrang bilis niya maglagay ng fishball sa stick.
"Sabi sa inyo na-kidnap nanaman yun. Si Seungkwan may pakana nito sigurado ako." Sabi ni Jihoon, "Kuya, pabili po ng nuggets." Hirit niya, kumuha siya ng nuggets kuno sa cart tapos sinawsaw niya yung binili niya sa isang garapon na may laman na suka na punong puno ng sibuyas at sili.
"Kuha lang iho." Sabi ni kuya na nagbebenta.
Pinagmasdan ko yung kinuha ni Jihoon. Napakunot ang noo ko. Seryoso? Nuggets ba talaga yun? Mukhang fake, imported pa ata yun sa China! Hindi naman ganon yung nuggets eh.
BINABASA MO ANG
Ofiara • meanie
Fanfiction| emergency flower series #1 | completed | /ofiara/ - an act of giving up something valued for the sake of something else regarded as more important or worthy. » in which Mingyu fell in love with the person who'll show him what life is...