096 || Ofiara

961 54 47
                                    

[!!] preparation for the wedding + a little verkwan + a little long ass (ride) chapter. don't skip, importante ang chapter na 'to haha.

THIRD PERSON's POV

"KANINA ka pa pinagpapawisan, okay ka lang?" Tumango si Mingyu sa tanong ni Wonwoo. Kanina pa kasi pinagpapawisan si Mingyu. Kasalukuyan silang nasa loob ng hotel room ni Mingyu kung saan nandito lahat ng tropa niya dahil dito naganap ang kaunting shots ng photoshoot at takes ng ilang parts sa video presentation na gagawin mamaya. Kalat kalat sila ngayon sa loob. Yung iba nakatingin sa bintana, yung iba nakaupo sa sofa at kama, at yung iba nakatayo. Lahat sila nagdadaldalan kaya maingay ngayon sa kwarto niya.

Wonwoo grabbed a face towel and started to gently wiped his twin brother's forehead, "Kanina pa nila nire-retouch yung powder sa mukha mo, ang lakas mo mamawis ngayon."

"Okay na, okay na. Kinakabahan lang talaga ako." Inalis ni Mingyu ang kamay ni Wonwoo na nasa mukha niya. Tumango si Wonwoo.

"Ilang minutes nalang, Wonwoo?"

Wonwoo looked at his wrist watch, "40 minutes nalang. 15 minutes before the wedding kailangan nakaalis na tayo dito."

"Okay, okay." Mingyu doesn't know if it's because of nervousness. Kanina pa kasi sumasakit ang dibdib niya. Mingyu just shook the feeling off. Inisip nihang hindi ito sumasakit para hindi na lumala pa.

"Mingyu!" Tumingin si Mingyu kay Seungkwan na kasalukuyang nakaupo sa kama. Itinaas niya ang hawak na Go Pro, "Labas lang kami ni Vernon, pwede pahiram nito? Pang-add lang sa video presentation mamaya."

"Sige lang."

"Thank you."

Seungkwan happily grabbed Vernon's arm, "Tara na, Vernonie." Vernon shook his head. Nagpahila naman siya kay Seungkwan.

"ANO kayang pwedeng sabihin?" Tanong ni Seungkwan. Naglalakad sila ngayon sa hallway ng hotel. Nakatapat sa kanila ang Go Pro na hawak ni Seungkwan.

"Just film the way. Habang naglalakad tayo may sinasabi tayo." Sambit ni Vernon. Kaya naman pinaharap ni Seungkwan ang camera sa dinadaanan nila.

They're now quietly walking on the long hallway. Nanggaling sila sa pinakadulo at hindi pa nila ito nakakalahati.

Nakita nilang nagkalat ang iba't ibang mayayaman na katauhan sa hallway. Mingyu and Wonwoo's Dad rented the whole floor for all the visitors attending the wedding today. Lahat sila nakasuot na ng magagarang damit. Seungkwan can't help but be in awe. Ngayon lang kasi siya makaka-attend ng ganitong kasal.

Habang naglalakad sila, napansin ni Seungkwan na walang tao sa kabilang dulo ng hallway. Naisipan niyang doon nalang sila magfilm kaya naman hinila nanaman niya si Vernon papunta doon.

"Where are we going?"

"Don't english me, punta tayo dun sa dulo, dali."

"Teka lang, dahan-dahan lang baka may mabangga tayo."

While walking, people are greeting Vernon. Seungkwan can't help but feel a little awkward. Kaya naman hinila niya pa si Vernon at naglakad ng mas mabilis.

Noong makarating sila sa dulo, Seungkwan started to speak non-stop. Kung ano-anong ka-echosan ang sinasabi niya sa harap ng camera. Napapatingin na nga lang si Vernon sa kanya. Natapos rin naman na sila magsabi ng congratulations nila.

People started to clear the hallway. Ilang minutes na rin kasi ay kasal na. Seungkwan felt a little better. Kahit naman na napakagaling niya sa pagkikipag-socialize ay hindi niya pa rin maiwasan maramdaman na kabahan sa taong mga nandito. Mas lalo na't magkakaiba ang level niya sa level ng mga tao dito.

Ofiara • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon