DIALLING. . .
Line is now connected."Baby Wonwoo ko! Good evening!"
"Good evening bab—Mingyu."
"Tinatanggap mo na ba ako bilang manliligaw mo?"
"Oo naman. Tanga ako kung hindi kita tatanggapin bilang manliligaw ko."
"Shhh Wonwoo ko. Stop saying bad words, hindi yan maganda."
"Ang lakas ng hilik mo kanina."
"H-Huh? Panira ka naman eh! Topic breaker. Pero ano seryoso? Malakas hilik ko kanina?"
"Mmhm, para kang yung mga baboy sa kapitbahay namin."
"Hala, lantad na pala ako sayo. Bukod sa paghilik ko kanina, ano pa mga unusual kong ginagawa?"
"Muntik mo na ako masakal kanina, Mingyu. You were hugging me na parang mawawala ako sayo, when in fact, hinding hindi ko yun gagawin. Yung legs mo nakadagan pa saakin kaya hindi ako makagalaw ng maayos."
"Sorry Baby Wonwoo ko, mahigpit lang talaga ako yumakap sa mga taong mahal ko. Natatakot kasi akong mawala sila saakin kapag hindi mahigpit ang hawak ko sa kanila."
"Hindi naman kita iiwan."
"Talaga?"
"Hindi. Unless may gagawin kang kagaguhan."
"Noted. Hinding hindi ako gagawa ng kagaguhan."
"Ang lamig ng kamay mo kanina, Mingyu."
"Alam ko. Sinasabi yan saakin palagi ng mga kaibigan ko."
"Bakit ang lamig? Ilang beses kong hinawakan kamay mo para uminit pero kahit anong gawin ko hindi siya umiinit."
"Ewan ko, Wonwoo ko. Simula daw bata ako malamig na kamay ko."
"Hindi kaya patay ka na?"
"Hala, hindi! Sadyang malamig lang talaga kamay ko. Bukod dun, may napansin ka pa ba saakin?"
"Ang bilis at lakas ng tibok ng puso mo. Nararamdaman ko kanina. Ganon ba talaga tumibok puso mo? Parang hindi normal."
". . ."
"Masyado ba kitang pinapakilig at pinag-aalala na iiwan kita kaya ganyan siya tumibok?"
"S-Siguro. Nagiging abnormal puso ko kapag kasama kita. My heart beats for you."
"Eww, so cheesy."
"'Wag ka namang ganyan, nag-e-effort akong pakiligin ka dito oh."
"'Wag na, Mingyu. Hindi mo bagay."
"Grabe ka talaga. Bakit ang savage mo? Para kang si Jihoon eh."
"Jihoon?"
"Pinakamaliit sa tropa namin. Savage yun."
"Ah oo. Yung crush ni Soonyoung at Seungcheo— Oops."
"May sinabi ka?"
"Wala. Pretend you didn't hear it."
". . ."
". . ."
"Jeon Wonwoo. Bakit ganito mukha ko?"
". . ."
"Jeon Wonwoo. Sumagot ka. Bakit may mga sulat sa mukha ko?"
". . ."
"Anla naman! 'Wag ka tumawa. Ano ginawa mo sa mukha ko? Puno ng drawing!"
"Ngayon ka lang ba humarap sa salamin?"
"Malamang! Uy, mahirap alisin 'to! Ano ba pinagsusulat mo dito sa mukha ko? May drawing pa ng burger. Tapos yung ilong ko may flower! Meron pang puso puso na nakalagay sa gilid ng labi ko."
"Pansinin mo naman yung sinulat ko sa noo mo. Basahin mo."
"Ang hirap basahin, baliktad kasi. Pero sige, susubukan ko."
". . ."
"I. . L. . ike. . Y. . ou?"
"I like you too."
"Stop. Kinikilig ako."
". . ."
"Huwag ka tumawa. Nahihiya tuloy ako."
"Huwag ka na mahiya. Paano nalang kung naging tayo? Wala nang hiyaan, Mingyu."
"Ano ba yan. Feeling ko ikaw pa yung nanliligaw saakin eh. I suck at this, paano po ba manligaw Jeon Wonwoo? Teach me your ways senpai."
"Gumawa ka ng sarili mong style ng panliligaw. And nah-uh. I‘m not a senpai to teach you my ways."
"Okay, okay. Kumain ka na ba Baby Wonwoo ko?"
"Kakain palang po."
"Oh sige, kumain ka na muna. Yung marami ah? Mamaya nalang ulit tayo mag-usap at tatanggalin ko pa ‘tong mga sinulat mo sa mukha ko."
"Okay, kain ka na rin."
"Opo. Talk to you later Baby ko."
"Okay."
"Ibababa ko na 'to. Goodnight, text mo ako kapag tapos ka na kumain."
"Mmhm."
". . ."
". . ."
". . ."
". . ."
". . ."
"Akala ko ba ibababa mo na?"
"Sorry. Okay, okay, ibababa ko na talaga 'to. Eat well baby. I like you."
"Eat well, Mingyu. I like you too. Ibaba mo na 'to."
"Opo, opo. Ibababa ko na talaga."
Call Ended.
BINABASA MO ANG
Ofiara • meanie
Fanfiction| emergency flower series #1 | completed | /ofiara/ - an act of giving up something valued for the sake of something else regarded as more important or worthy. » in which Mingyu fell in love with the person who'll show him what life is...