061 || Ofiara

897 71 15
                                    

Mingyu
Wonwoo

"Mingyu."

"Hmm?"

"Wala nang sikretuhan huh?"

". . ."

"Kapag ubos na gamot mo, kapag may masakit sayo o may problema ka sabihin mo kaagad saakin. Ayaw kong may tinatago tayo sa isa't isa."

"Opo, ikaw rin. Walang sikretuhan."

"May sasabihin ako."

"Ano yun?"

"Hindi ka na magtatrabaho sa palengke. Hintayin mo nalang ako umuwi sa umaga."

"Pero paano yung—"

"Shhh, nakausap ko ate mo kanina, siya na daw bahala sa allowance at sa mga kailangan mo."

"N-Nakausap mo si ate? Madaya! Two months ko na siya hindi nakakausap at nakikita tapos malalaman ko nalang na nag-usap kayo kanina?"

"Bumisita siya sayo kaninang tulog ka."

". . ."

"Sabi niya gusto ka daw nila kunin ulit sa bahay. Yung tatay mo, medyo tanggap ka na daw niya."

"Medyo? Huh. Tanggapin niya muna ako ng buong puso bago niya ako balak ibalik sa pamamahay niya."

"Babalik ka ba?"

"Hindi ko alam."

". . ."

"Ayaw kita iwan. Sayo muna ako."

"Muna? So may balak kang iwan ako?"

"Wala akong sinabi. Ibig kong sabihin hangga't hindi pa ako nakakadecide, sayo na muna ako titira. Kapag gusto ko na ulit bumalik sa bahay, hindi naman ibig sabihin non iiwan na kita."

". . ."

"Ba't ganyan ka makatingin?"

"Wala."

"Anong wala?"

"Ba't ano bang meron sa tingin ko?"

"Natatakot ako, para kasing may balak kang patayin."

". . ."

"Wonwoo ko, may favor ako."

"Hmm?"

"Pwede pa-tutor sa Filipino?"

"Wala tayong Filipino subject."

"Babanat ako! Sagutin mo nalang bakit."

"Ayan ka nanaman sa kacornihan mo eh."

"Grabe ka naman, hindi pa nga ako bumabanat, corny na agad?"

"Nafi-feel ko kasi corny nanaman babanatin mo. Palagi naman."

"Teka, take two!"

". . ."

"Wonwoo ko, pwede magpa-tutor sa Filipino?"

"Bakit?"

"Nalilito kasi ako sa pronouns sa Filipino."

". . ."

". . ."

"Sa'n napunta banat mo?"

"Nalilito kasi ako, minsan akala ko 'ikaw' ay 'akin'."

". . ."

". . ."

"Sayo naman ako ah?"

". . ."

"Lawak ng ngiti natin ah. Parang ako pa ata yung bumanat. Corny mo talaga."

"Oo na, ako na corny."

"Wala ka talagang pag-asa sa ganyan. Ikaw ata number one source ng kacornihan. Nagpapaulan ka ba?"

"Hindi naman."

". . ."

". . ."

"Gusto mo na ba umuwi?"

"Hindi naman na ata kailangan."

"Huh? Gusto mong dito ka na tumira sa ospital?"

"Hindi."

"Bakit hindi?"

"Lapit ka saakin, dali."

"Ano nanaman ba 'to Mingyu?"

". . ."

". . ."

". . ."

"M-Mingyu."

"Hmm? Why would I need to go home?"

". . ."

"When all this time, you already feel like home to me."

". . ."

"Oh, sinong may mas malawak na ngiti sa atin ngayon?"

". . ."

"Wala palang pag-asa huh."

". . ."

". . ."

". . ."

". . ."

"H-Hindi ako makahinga, gago ka."

"I love you, Wonwoo."

". . ."

"Wala ka nanamang response."

"I hate you."

"I hate you too."

"I love you too."

←→

at sila'y nagbabalik— 😂😂

Ofiara • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon