Wonwoo ✨
11:58 AM
Nasa'n ka?Puntahan kita? Sabay na tayo mag-lunch.
11:58 AM
Hinahanap rin kita! Nasa'n ka? Ako na pupunta sayo. Ako manlilibre ng lunch. Bawal tumanggi.11:59 AM
Nandito ako sa tapat ng CCA.Okay, 'di naman ako tatanggi.
12:00 PM
Oh, sakto dadaan ako diyan.12:01 PM
Nakita na kita.Tumigil bigla mundo ko nung nakita kita. Tumigil yung mga tao sa kakagalaw— ( ・ิϖ・ิ)
12:01 PM
Naka-drugs ka ba, Mingyu? Ano nakain mo? Malamang titigil talaga sila.Angelus is going on. (ノ´∀`*)
12:02 PM
Sorry Baby ko, lutang si Mingyu mo. ♡ Nakita kasi kita.Ayiee, ngumiti siya oh. Ngiti ka nalang palagi please?
Ay anla, ba't ka tumalikod? (;_;)
12:02 PM
Psst, mamaya na yan. Magdasal ka nga muna.12:02 PM
Okay, titigil na po.12:04 PM
Ayos na, pwede ka na lumapit.12:04 PM
Saan tayo kakain?12:05 PM
Ikaw? Saan mo ba gusto kumain?12:05 PM
Gusto mo sa Volante? Nasubukan mo na ba kumain dun minsan?12:06 PM
Sige, pwede rin. Pero ang mahal dun?Oo nakakain na ako dun, pero dati pa yun.
12:06 PM
Okay sige, dun nalang tayo. Tsaka kaya ko naman bayaran kaya okay lang. 'Wag ka mahiya mag-order mamaya huh?-
"Mingyu, akin na yung cellphone mo."
"Huh? Bakit? Kung titignan mo kung nangangaliwa ba ako, pangungunahan na kita, hindi."
"Hindi yun. May tiwala naman ako sayo, basta akin na phone mo."
"Eh ano ba gagawin mo?"
"Akin na."
"Okay, okay. Ito na."
"Ayan."
"Hala, snatcher ka pala! Bakit mo nilagay sa bag mo yung cellphone ko? Gusto mo ba ng bagong phone? Sinabi mo na sana para binilihan nalang kita."
"Mingyu, ano ba. Hindi yun balak ko, ibabalik ko rin naman cellphone mo kapag maghihiwalay na tayo."
"A-Ano? Baby ko, hindi kita hihiwalayan. Ibig sabihin lang niyan hindi mo na mababalik phone ko kahit kailan."
"Baliw, hindi kasi yun. Ibig kong sabihin kapag natapos na tayong kumain at lahat lahat at pupunta na tayo sa next subject natin, dun ko na ibabalik phone mo."
"Ah okay. Pero teka, ba't mo pa rin kinuha phone ko?"
"Para hindi mo na ako kausapin gamit yung phone kapag magkasama tayo. Ayoko kasi na nakaharap ka sa cellphone mo kung pwede ka naman na nakaharap sa akin."
"Yun lang pala. Lapit ka nga saakin, Baby."
". . ."
". . ."
"Ang lamig nanaman ng kamay mo."
"Edi initin mo. Malamig kasi talaga kamay ko."
". . ."
". . ."
"Iloloob ko yung kamay mo sa bulsa ng jacket ko. Ayos lang?"
"Mmhm. Tara na, maglakad na tayo."
". . ."
". . ."
"Pinagtitinginan tayo."
"Hayaan mo sila."
"Hindi ba 'to aabot sa parents mo? Alam na ba nila?"
"May posibilidad na umabot, pero hayaan na. Hindi pa nila alam Wonwoo, kaya nga yun pinag-aalala ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila."
"Huwag mo masyado i-stress sarili mo."
"Opo."
". . ."
". . ."
_
dialogues ↑ nag-uusap habang naglalakad (๑´ڡ'๑)
BINABASA MO ANG
Ofiara • meanie
Fanfiction| emergency flower series #1 | completed | /ofiara/ - an act of giving up something valued for the sake of something else regarded as more important or worthy. » in which Mingyu fell in love with the person who'll show him what life is...